Lover’s Moon CHAPTER 1

“I know she waits for me, under the lover’s moon.”

Kaya nga bang pawiin ang sakit ng nakaraan? Kaya nga bang magmahal muli sa kabila ng sakit na naramdaman? Kailan ba ang tamang panahon para masabing ang pagmamahal ay tunay at totoo? Let us witness Marielle and Dane as they find their ways back to each other’s arms under the Lover Moon. 🙂

(Ang inspiration ko po sa stories na ‘to are the two recent housemates sa PBB House. Kung napanuod nyo yung PBB All In, well, probably kilala nyo sila Daniel Matsunaga at Maris Racal. I thought they’re cute together. I hope magustuhan nyo!)

##

Malakas na hiyawan ng mga tao ang sumalubong kay Marielle sa pagbabalik niyang yun mula New York kung saan tinanggap niya ang kanyang second international acting award– Best Actress, sa pagganap niya sa karakter ng isang dalagang ina na may kapansanan. The same movie that gave her countless of awards from different local award giving bodies.

At the age of 25, isa na siyang sa maituturing na pinaka-mahusay na aktres ng kanyang henerasyon. Not to mention, one of the most succesful recording star. Sold out albums and concert, platinum awards, and many more. Walang hindi nakakakilala kay Marielle Rivera. Her face is everywhere; sa naglalakihang billboard sa EDSA, sa mga commercials. Tunay nga naman na in her 9 years sa showbiz industry, she already marked a name for herse

Napangiti ang dalaga as she saw her fans waiting for her outside the airport. Kahit na talaga namang sikat na si Marielle ay never niya nakakalimutan ang kanyang mga fans. Para sa dalaga, she owe everything to her fans. Wala siya dito kung hindi sa mga taong naniwala sa kanya.

“Marielle, Marielle, Marielle!!” hiyawan ng mga tao as they saw Marielle walking out the airport. Gusto sanang lumapit ng dalaga sa mga ito, ngunit mahigpit din ang kanyang mga bantay, bagay na naiintindihan din naman ni Marielle; her bodyguards are just doing their job. Sa halip ang kumaway na lamang siya sa mga fans at nag-flying kiss. Bago siya makasakay sa sasakyan ay sumigaw pa siya ng “THANK YOU!!” at pagkatapos ay nag-heart sign.

##

“Hey, gorgeous! Sobrang busy na ha!” napaangat ng tingin si Marielle as she heard a familiar voice. Napangiti ang dalaga ng makita ang kaibigang si Lorie.

“Lorieeeeeeeeeee! Grabe!! Na-miss kita!” masiglang tumayo ang dalaga upang yakapin ang kaibigan.

“Sus! Miss daw! Di mo nga ako tinawagan nung nasa New York ka eh. Nakakatampo ha, porke’t best actress ulit!” kunwari’y nagtatampo na wika nito sa kaibigan. Natatawang niyakap yakap ito ni Marielle.

“Wag ka na magtampo. Busy talaga kahit dun. Araw-araw may conference. Sige na, wag ka na magtampo! Libre na lang kita ng kwek-kwek.” pang-aalo niya sa matalik na kaibigan.

“Kwek-kwek na naman? Ang cheap mo ha! Di ka ba napupurga sa kwek-kwek? Yun lagi natin kinakain simula pa nung 16 tayo eh, ibahin mo naman. Libre mo naman ako ng steak.” kunwari pa ay nauumay ang mukha ng kaibigan. Natatawa naman si Marielle tinuran na yun ni Lorie. Totoong yun ang lagi nilang kinakain nung mga panahon na wala pa silang pangalan sa showbiz. Matagal tagal na din pala silang magkaibigan. Walang anu-ano ay bigla niyang niyakap ang kaibigan na nabigla naman sa kanyang ginawa.

“Eeeeee! Bakit moko niyayakap? Ano naman ka-emohan yan? Wag ka magpa-sweet, di ako manlilibre nu. Ikaw diyan galing sa New York, ako pag manglilibre saka—-“

“Mahal kita, Lorie! Mahal na mahal. No lesbo. Masaya ako na naging magkaibigan tayo. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa industriya na ‘to, masaya ako meron akong ikaw.” madamdamin niyang pahayag sa kaibigan. She rested her chin to Lorie’s shoulder at pumikit. Pinipigilan ng dalaga na maiyak. Naramdaman niyang saglit na huminga ng malalim ang kaibigan, bago tinapik tapik ang kanyang braso. Kung may mas emosyonal sa kanilang dalawa, siya yun. Si Lorie yung palaban. She tell as it is. Habang siya naman daw, ayon sa iba, ay palaging nag-iisip bago magsalita o may gagawing isang bagay.

“Masaya ako para sa’yo, Marielle. Masayang masayang masaya. You deserved everything that’s happening to your life. I feel so blessed din having you in my life. Di ka nagbago kahit pa alam naman natin na mas sikat ka sa akin. Ikaw pa din yan.” nakangiting pahayag sa kanya ng kaibigan na nagpangiti kay Marielle. Sa dami ng blessings na natatanggap niya, isa sa mga pinaka-mahalaga is the blessing of friendship.

“O, kaya tigilan mo na yang arte mo, Marielle! Di moko madadala sa drama mo. Libre moko hoy!”

“Siya sige! Tonight, I’ll treat you for supper. Promise! Tapusin ko lang yung interview ko, then let’s meet for supper ha!”

“Yown! Buti naman di na kwek-kwek” sabi ni Lorie na ikinatawa nilang dalawa.

———————————————————————————————————————————-

Gaya nga ng pangako ni Marielle, she take her bestfriend Lorie sa isang mamahaling restaurant along Tomas Morato. They are in the middle of their chit-chats when they heard na medyo parang nagkaingay ang mga tao. Dahil immune na naman si Marielle sa mga ingay, she didn’t turned her head. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain. But then she saw Lorie na parang natitigilan. She looks stunned, and a little– worried. Sinundan ni Marielle ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan, only to see someone whom she won’t wish to see in a place like this, Dane Marasigan.

Mabilis na nagbawi ng tingin ang dalaga. She continue eating na parang walang nangayari. Marahan niyang sinipa ang isang paa ng kaibigan under the table. Doon naman na parang natauhan si Lorie. Alanganin itong ngumiti sa kanya.

“M-a-rielle, if you want pwede naman tayong lumipat ng resto. Okay lang sa akin!” gustong matawa ni Marielle sa inasal ng kaibigan. Parang ito pa ang mas kabado kaysa sa kanya.

“It’s okay! Nauna tayo dito. Relax lang!” she said in her cool and relax manner, kahit pa sa loob loob niya ay hindi din siya komportable sa pagtatagpong yun. Pero bakit siya ang aalis? She’s not a nobody anymore! She is fuckin’ Marielle Rivera- Best Actress, ano ang dapat niya ikahiya?

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paglakad nito kasama ang ilang kaibigan at isa ding sikat na aktres. And then like her friend Lorie, maging ang mga ito ay natulala nang mapansin silang dalawa. An awkward silence, then Marielle saw Dane stood up and walk towards them. Hinanda ni Marielle ang sarili, kung may dapat mang mailang dito, hindi siya yun kundi ang lalaki.

—————————————————————————————————————————–

DANE:

He saw her face again sa malapitan. Muli na naman naramdaman ng binata ang pakiramdam na yun. Like his soul is being stirred. Ang babaeng yun lang ang nagpaparamdam sa kanya ng ganong pakiramdam. She’s looking so beautiful on that little black dress. Para kay Dane, ito ang pinakamaganda sa restaurant na yun. She’s breathtaking even inches away. He suddenly wish hindi na lamang galit sa kanya ang dalaga. He suddenly wish gaya na lang sila dati. Dane sighed! Alam niyang ayaw siya makausap ng dalaga, pero kailangan niyang bumati sa mga ito. Kung di niya gagawin iyo ay baka lalo silang maintriga. Kahit pa pribadong lugar yun, he won’t underestimate the power of the paparazzis.

“Hello, girls!” nakangiti niyang bati sa dalawang babae. He saw Lorie na agad na nag-angat ng tingin.

“H-ello, Kuya Dane!” he sensed tension on Lorie’s voice. Bagay na naiintindihan niya! She is Marielle’s bestfriend, at alam niyang marami itong nalalaman sa lahat ng mga nangari. He smiles at her with fondness in his eyes. Marielle and Lorie will always remind him every simple joys in life. The memory of their hearty laughter, corny jokes, and singing are the things na binabalik-balikan ng binata pag gusto niya na maging masaya, esp. those memories with Marielle.

“Hi, Lorie! I saw your new toothpaste commercial huh! You look so pretty there!” sincere na sabi ni Dane sa dalaga. She smiles, na agad naman binawi ng mapatingin sa gawi ni Marielle.

“T-thank you, Kuya Dane! Ikaw din, napanuod ko yung movie mo. Ang galing mo dun. You deserve the best supporting actor award.”

“Wow! Talaga? Thank you ha!” masaya niyang nasabi at pagkatapos ay ibinaling sa dalagang nakaupo sa tapat nito ang pansin.

“Hello, Marielle! Nakabalik ka na pala from New York. Congratulations for winning!” inilahad ng binata ang kamay sa dalaga. Nakita niyang nag-angat ito ng tingin. At pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay.

“Salamat!” matipid nitong sagot. Para namang nakukuryente ang binata sa paglalapat na yun ng kanilang mga kamay. Naramdaman niya na marahan nitong hinihila pabalik ang kamay.

“Hmm, yung kamay ko!” he heard her says na pilit pa ding hinihila ang kamay sa mahigpit niyang pagkakahawak. Para namang napapahiya na binitawan yun ni Dane. Di maintindihan ng binata, but her hand fits his hand so well, like a mizzing puzzle, her hand complete the pieces.

Kahit pa na magalang na tinanggap ng dalaga ang kanyang pagbati, nararamdaman pa din niya na di gusto ng dalaga ang pagtatagpo na yun. He feels the animosity. He knew that she’s just being polite. Nasaktan niya ang dalaga, he deserve the cold treatment.

Itutuloy

About Mrs. Purin

pangarap kong tumira sa bikini bottom at palitan si Patrick bilang BFF ni spongebob. mahilig ako sa kape, magulo ako kausap, minsan may sense, madalas wala. well, u can always send me a message here! kaibigan, usap tayo.