Love of Mine

secret-love1May alam akong kuwentong pag-ibig na nakakakilig, pero ayokong ikuwento.

Maraming nakabibighaning tagpo subalit nag-aalinlangan akong ibahagi.

Naisip ko kasi kung ikukuwento ko ba, may makikinig?

Kapag ba sinimulan ko nang ibahagi ang kuwentong ito, may magbabasa?

May makakaunawa ba?

May bulong sa puso ko na nagsasabing “Sige, ikuwento mo na.”

Subalit may bumubulong rin sa isip ko na nagsasabing, ” Huwag Na.”

Bakit ba ako nag-aalinlangan?

Gayong ang kuwentong ito ay isang napakasayang kuwento.
Dito mo malalaman na totoo pala ang sabi nila na “LOVE IS BLIND.”
Dahil ang kuwentong ito ay patungkol sa dalawang tao na nag-iibigan.
Ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na sila lang ang may alam.

Love is blind, dahil kapag nagmahal ka, hindi mo na iisipin kung ano o kung sino man ang mamahalin mo. Tatanggapin mo ano mang ugali meron siya, mamahalin mo ang buong pagkatao niya at tatanggapin mo ang kasamaan niya.

Kagaya noong sinasabi sa kanta

Kahit Sino Basta’t Mahal Ako….

Kahit Sino Basta’t Kasama Ko…

Sana’y Hindi Ako Magkamali

Ng Iibigin Ko..

Pagka’t kapag ako ang Magmahal

Yan ay totoo……

 

Hindi nga ako nagkamali. Dahil mula noong minahal ko siya, naging makulay na ang mundo ko, naging masaya ako sa piling ng taong ito.

Alam kong tataas ang kilay ninyo kung sasabihin kong hindi totoong may Forever. Dahil alam ko sa sarili ko na Forever is not enough para mahalin ang taong iniibig ko.

Ang feeling na tumitigil ang ikot ng mundo kapag kasama mo siya.

Ang feeling na hindi mo kayang mabuhay nang wala siya dahil lagi kong tinatanong sa sarili ko na “How do I live without you?”

Yong feeling na OH YES! Naniniwala ka na sa Magic. Dahil nais mong itanong kung how two people find each other? When the world is full of strangers.

Tapos habang tinititigan n’yo ang isa’t isa bigla mo na lang sasabihin na”I knew I love you before I met you.”

Tapos ngingitian ka niya saba’y hahawakan ang kamay mo nang mahigpit at para bang lumulutang ka sa alapaap.

Naririnig mong may kumakantang anghel sa ulap. Sabi nila,
All i want is to hold you forever…
All i need is you more everday….
You saved my heart from being broken apart…
You give your love away…
Thats why I’m Thankful Everyday
For the GIFT……”

Ang pagbibitiw ko ng mga kakornihan na linya at madalas na pagsambit ng liriko ng kanta patunay ito ng umaapaw na pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ayokong ikuwento ang pag-iibigan naming dalawa dahil alam kong marami ang mapanghusga. Hindi naman lahat ng tao mauunawaan ang pag-iibigan na meron kaming dalawa.

Pero anong magagawa ko kung nagmamahalan kaming dalawa?

Damang-dama ng puso ko na siya ang sagot sa aking dalangin. Siya ang hulog ng langit para sa akin. Kahibangan mang maituring subalit tunay at tapat ang nararamdaman namin.

Nais ko mang ipagsigawan sa mundo o ibahagi ang kabuoan ng mga pangyayari, ang lahat ng ito ay mananatiling lihim.

Tanging mapangahas lang na nilalang ang siyang makatutuklas ng buong katotohanan. Kung minsan mas maiging ilihim na lamang dahil sa mundong ito marami ang mapanghusga.

Ang mahalaga kaming dalawa ay kinikilig sa isa’t isa.

Kaming dalawa ay pinagtagpo upang maging isa. Nakabuo ng isang kuwentong hindi lang panandalian subalit ito’y panghabang buhay.

Dahil kulang ako kung wala siya. Aaminin ko hindi ko ito pinlano, hindi ko sinasadya at lalong hindi ko ginusto.

Minahal niya ako at mimahal ko rin siya. Dahil sa mga gagong lalake na nandaya at nanlamang sa akin, natagpuan ko ang sarili kong nahuhulog na sa kapwa ko.

Sayang at hindi ko maaaring ikuwento ang kuwento ng aming pag-ibig…..
Dahil ayokong mahusgahan at batikosin kaya’t ito hanggang dito na lang ang kuwentong aking sinimulan…..

Wala nang kasunod at wala nang karugtong.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.