Liza Soberano, sumailalim na sa finger surgery

Image from Instagram and ABS-CBN News

Nalungkot ang marami nang ihayag ni Liza Soberano noong nakaraang buwan ang kaniyang pagbitiw sa role bilang susunod na Darna.

Lumipad nito lamang si Liza patungong Amerika para sa operasyon ng kaniyang fractured finger; ang pangunahing dahilan kung bakit umatras siya bilang Darna.

Ibinahagi ng kaniyang nakababatang kapatid na si Justin sa social media ang litrato ng daliri ni Liza matapos ang operasyon.

Ang caption sa litratro: Very happy that the surgery went great. To my brave sister, get well soon and we love you so much.

Nangyari ang injury ni Liza habang nasa taping ng fantaseryeng “Bagani.”

Ayon kay Liza, nabali umano ang kaniyang kanang hintuturo nang hindi inaasahan na ito’y matamaan ng espada.

Image from ABS-CBN via YouTube

Nadurog ang buto ng natamaang daliri ni Liza at halos hindi na niya ito maigalaw. Inasahan pa nilang gagaling ito ngunit hindi na ito bumalik sa dati nitong kalagayan.

Bukod sa therapy sessions at operations, nilagyan din ng steel plates ang daliri ni Liza para suportahan sa paghilom ang nadurog na bahagi ng buto.

Noong 2017 nang tinanggap ni Liza ang papel bilang susunod na Darna kapalit ng kapuwa aktres na si Angel Locsin. Nagsimulang mag-training si Liza para sa role kasabay ng pag-ere ng Bagani kung saan ay isa siya sa mga bida.

Image from Liza Soberano via Instagram

Matapos naman ang kaniyang pagbibitiw sa Darna role, ibinahagi ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz na mayroong namang mga nakatakdang teleserye at pelikula ang aktres.

Ayon pa kay Ogie, makakasama ni Liza sa bagong pelikula na ito ang kaniyang nobyo na si Enrique Gil.