Liza Soberano, nagbigay ng update tungkol sa kaniyang surgery

Image from Liza Soberano via Instagram

Napabalita kailan lang nang magtungo sa Amerika ang Kapamilya actress na si Liza Soberano upang sumailalim sa finger surgery.

Image from Liza Soberano via Instagram

Ang nadisgrasya niyang daliri ang pangunahing dahilan kung bakit niya binitawan ang papel bilang susunod na Darna.

Nangyari ang injury ni Liza habang nasa taping ng fantaseryeng “Bagani.”

Ayon kay sa kaniya, nabali umano ang kaniyang kanang hintuturo nang hindi inaasahan na ito’y matamaan ng espada.

Nadurog umano ang bahagi ng buto sa kaniyang daliri at simula noon ay hindi na humilom at bumalik sa dating kondisyon.

Sa kaniyang Instagram post, nagbahagi si Liza ng litrato ng kaniyang daliri at ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya naging active sa social media noong mga nakaraang araw.

Hi everyone!!! I know I’ve been M.I.A these past few weeks and I’m sorry for not updating you guys sooner. My managers and I decided to take this time for me to recover fully. I came to LA almost 3 weeks ago thinking I would be here for only 2 weeks.”

Sa IG post, makikita ang hitsura ng daliri ni Liza bago ang operasyon. Nakiuso rin siya sa sumisikat na “baby filter” ng Snapchat.

Image from Liza Soberano via Instagram

Kuwento ni Liza, noong tatanggalin na raw ang plates na nilagay sa kaniyang daliri ay nadiskubre ng mga doktor na hindi lang basta simpleng fractured finger ito.

Nagkaroon din daw ng impeksyon ang kaniyang buto sa daliri kaya’t hindi ito gumagaling.

Magkakaroon pa umano si Liza ng pangalawa hanggang pangatlong operasyon upang tuluyan nang gumaling ang kaniyang daliri.

Pinasalamatan din ng aktres ang kanilang mga supporter ng kaniyang nobyong si Enrique.

Lizquens and Liza supporters thank you for all the get well soon messages. I love and miss all of you!! Please keep me in your prayers.”

Nagpahatid naman ng kanilang mga panalangin at mensahe ang ibang Kapamilya stars.

Ibinahagi naman ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz na mayroong mga nakatakdang teleserye at pelikula ang aktres. Makakasama ni Liza sa bagong pelikula na ito ang kaniyang nobyong si Enrique.