Litanya ng Babaeng Baklita (Nang Mainlab Ako Sa ‘yo )

 

So, medyo matagal akong hindi nakapagsulat ng mga bloglaloo na baklita ang tema single noh..miss me? Siyempre OO ka na! Kung ayaw mong masaktan!hahaha..(brutal) Anyway, may bago ba sa byuting lola n’yo? Aba, siyempre, meron, laging meron yan noh!  Hindi ako mauubusan ng isusulat sa landi ko ba namang ‘to.. andami kong maikukuwento..hahaha..(agree?) Aber, aber simulan na ang kalokang talakayan patungkol sa mga PAPABALLS!!!(let’s get it on!!!)

 Well, well, well..anong masasabi n’yo sa sarili n’yo pag kayo ay nafall in-LABABO sa isang lamang-lupang halimaw?  ( dear readers, exaggeration po ito ng PANGET!)  hahaha..

TIMY ang tawag ng mga beki dito ([email protected]#$ [email protected]#$* Mukha Yan! ‘Yan ang ibig sabihin ng TIMY)

Sabi nila beauty is in ME!!  Nasa akin lang.. Ano?  May kokontra ba??Sinong gustong mabalatan nang buhay? BWAHAHAHA!

Going back, BEAUTY IS IN THE EYE OF THE OLDER, ay mali, BEHOLDER pala..  So? Ano ngayon kung nasa mga mata lang ni BEHOLDER ang beauty? Beauty din ako..Talbog ka sa akin, beholder!!!(haha..niliteral?)

Anyway, ayun na nga….anong gagawin mo kapag nagkagusto ka sa panget?

Sabi nila wala ka daw magagawa pag na-INLABABO ka sa isang tao.  Kasi ang love daw ay hindi napipigilan…kusa na lang itong darating sa atin nang hindi natin namamalayan…at wala na tayong magagawa pa dun dahil super hirap niyang pigilan.

Hindi naman daw tumitingin sa pisikal na itsura ang LOVE..(Weh?  ‘di nga?) haha kaya nga LOVE IS BLIND, ‘di ba..(fine..kayo na!) True LOVE pala talaga yun kung ganun..nyahaha..wala na tayong magagawa..tsk.tsk..Hindi ko lang kasi matanggap..Pero dear readers, clarification lang ha.  Fling lamang ito..isang malaking FLING! ( O ha!  Capslock pa)

Hmn..masaya lang ako pag kasama ko siya, pag pinapansin niya ako, pag andiyan siya lagi pag nadudulas, nalalaglag, natatapilok ako (clumsy ang lola niyo eh..)  Ayun lang..Di pa naman siya love..(kilig. kilig. kilig) Normal na babae. (OO, normal din naman ako!)Landi ko noh..haha..hayaan n’yo na ako.  Ang tagal ko nang walang kilig sa katawan eh..’di n’yo pa ako pagbigyan.

Alam ko naman, hindi kami magkakatuluyan, given na yun. May mga requirement ang maraming tao sa paligid  ko para sa magiging jowa ng byuting lola n’yo.  Unang-una na yung alam n’yo na… saka yung alam ko na rin.hehe..magpapakasaya na lang muna ako..wala namang masama..chorva lang nang chorva..darating din si PAPABALLS!  YEAH! Go lang sa paglalandi..haha.. ay pagiging FRIENDLY pala..

 Ganun pa rin..SINGLE pa din ang lola n’yo..sabi nga sa kanta.. ‘

‘MASARAP MAGING SINGLE, PERO MAHIRAP ANG MAG-ISA’..which is very trulalu! To the highest level ng pagkatrue..hindi ko alam kung nakita ko na ba siya, nagkasalubong na kaya kami? Nakita na kaya niya ako?  Saan ba kami unang nagkita? WALA akong clue! haha..

Naisip ko… hindi naman ako dapat magmadali…darating din yun, sa tamang panahon, at sa tamang pagkakataon.  Higit sa lahat, yung TAMANG tao..(seryoso?  Ako ba ito?) Pero sana naman huwag siyang masyadong matagalan, kasi naman matagal na kong malungkot…at nakasasawang mag-isa.

To MR. RIGHT, magkikita din tayo… at sana hindi mo pagsisihan na ako ang MISS RIGHT mo..haha..So, anong gagawin natin ngayon?  Landi lang nang landi.. TRY and TRY until you SUCCEED!!  Yeah!   That’s the spirit..ako na..ako na talaga!

 Kaya dear readers kong mahal, huwag kayong gagaya sa byuting lola n’yo unless keri n’yo ang mga kalandian ever ko..(haha!  Makapagsalita, akala mo malandi talaga eh noh!) Hanggang salita lang ako, mga friends, mahinhin kaya ako..(nasusuka ako dahil sa sinabi ko..ahaha)

Well, ayoko na lang talagang magkamali, ingat ingat na lang sa mga susunod na lalandiin..Ukol naman dun kay SHREK (yung tinutukoy ko sa itaas) hmm..hmm..ewan ko..hehe..gaya ng dati…ano pa nga ba..haha dami kong chorva..tsenelyn nang tsenelyn..kembot lang nang kembot para maka-atrract ng PAPABALLS..haha