Liham Ni Biyenan Sa Kanyang Manugang (Panawagan Sa Nawawala Kong Ina)

Photo credit: british-legal-centre.com
Photo credit: british-legal-centre.com
Photo credit: british-legal-centre.com

Dear Manugang,

Di ko alam kong paano ko sisimulan ang sulat na ito para sa iyo. Pero, kailangan kong umpisahan ang nais at dapat kong sabihin na di na sabi dati.

Nang ikaw ay makilala ng aking anak, lagi bukambibig ang pangalan mo sa hapag kainan. Di ko maisip na muli kong masilayan ang mga ngiti sa kanyang mga labi, di ko mabilang kong ilang beses kong nadinig ang iyong pangalan, na kinakanta sa aming bakuran. Tindi ng tama ng anak ko sa iyo, at ang laging linya na: ” NAY, NAKITA KO NA ANG BABAENG IHAHARAP KO SA DAMBANA!”. Una, di ako umimik dahil di pa kita nakita ng personal, at batay sa kwento na ikaw nga daw ay maganda at isang dalagang ina. Di ako kumontra dahil mahal ka ng anak ko.

August 3, 1997 isang di makakalimutang sandali ng buhay ko. Dahil sa pagbukas ng pinto? Bumungad ang hitsura mo na pula ang labi at damit na kay iksi! Pilit kong pinikit ang aking mga mata, baka nanaginip lang ako. Pero, nasa totoong realidad pala ako! Una, nabigla ako sa pustura mo! Pero, ng magmano ka sa kamay ko at tinawag akong TITA? Nag-iba ang husga ko sa pagkatao mo at linyang pagsang-ayon na ikaw ang nobya ng anak ko.

October 10, 1997 sa paglakad mo sa pasilyo ng simbahan kasama ang anak ko, sa suot niyang barong tagalog? Di ko maipinta ang lungkot at saya sa puso ko, dahil ikinasal na kayo. Ang kaligayahan sa kanyang mga mata habang pinagmasdan ka na naglalakad, na suot mo ang iyong puti at simpleng trehe de boda? Ay di mabakasan na minsan ikaw ay may nakaraan! Di ko inisip ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Ang mahalaga maligaya ang anak ko sa araw na iyon at ang madamdaming pagbigkas ninyo ng: “Opo, Padre!”.

Sa ilang buwan ninyong pagsasama bilang mag-asawa? Alam mo na di ako nakikialam, dahil sabi nga ng anak ko hayaan ko kayo dahil may sariling pamilya na nga kayo! Pero, di mo man inisip na sobra na ang ginawa ng anak ko para maibigay lang ang luho sa katawan mo, di mo man sinulyapan ang pagbabanat buto niya para sa pamilya ninyo! Ni pagsaing at paglaba takot kang gumawa, baka masira ang iyong manicure at baka masunog ang iyong mukha na nasobrahan sa RDL! Kaya pati mga apo ko ay di masikmura ang amoy! Bahay na parang dinaanan ng bagyong ONDOY! Anong klaseng ASAWA, INA at MANUGANG ka?

Isang hiwaga sa akin ng bigla kang nag paalam, na mamasukan na katulong sa syudad? Dahil, unders de saya nga ang anak ko kaya di ka niya pinigilan sa gusto mo. Umalis ka sa iyong tahanan na may mga batang panay ang sigaw ng iyong pangalan, habang hinabol ang motorsiklong iyong sinakyan.

“MAAAMAAAAAA! MAMMAMAMAMMAAAA!”

Sa iyong pag-alis? Umabot ng isang linggo, buwan at mga taon? Ni isang anino walang bumalik na manugang ko. Di ko mapigilan na maawa sa anak at mga apo ko, na nabubuhay sa mga walang kwentang alaala mo! Na may isang mister na naghihintay ng isang misis, at anak na naghihintay ng isang ina! Kung nakinig lang sana ang aking anak sa akin? Di niya maranasan ang lahat ng pasakit sa buhay niya na pinaranas mo! Di sana maranasan ng mga inosente kong apo ang lumaki na walang ina, kung nasaan ka? Iyan ang di alam nila!

Sa isang pangyayari na di ko matanggap? Ay ang huling hininga ng aking anak! Kung mabasa mo man ito? Nais kong ipaabot sa iyo na isa ako sa mga ina na nagdurusa sa pagkawala ng isang mahal sa buhay ang aking ANAK! Halos, madurog ang puso ko na makitang naghihingalo na labanan ang kamatayan! Pero, di nagawa ng anak ko kahit pilit siyang lumaban! At ang huling salita niya:

” Ma, patawad! Mahal kita Maaamaaa! Huwag mong pabayaan ang mga anak koooo! Pinapatawad ko si Gang!”

Kung nakinig lang sana sa akin ang aking anak, di niya maranasan ang masaktan at baunin ang pagdurasa sa puso niya sa kanyang pagkawala. Kung nakinig lang sana siya sa akin! Di sana maging ulila ang aking mga apo ng isang ama, na nagmamahal sa kanila ng walang kapantay! Pero, ang lahat ng ito ay kagustuhan ng dios at alam ko nasa paraiso na ang anak ko na laging nagbabantay sa mga apo ko.

Sana, kung nasaan ka man ngayon manugang ko sa pagbasa mo ng liham kong ito? Sana mapukaw ang tulog mong puso, na may mga anak ka na naghihintay ng isang ina! Huwag mong hintayin na kamuhian ka nila, pag nalaman na may iba ka na palang pamilya! At sila ay iyong inaabandona. Maiksi nalang ang aking kandila at pag ako ay nawala? Di ko alam kong saan ko iiwan ang aking mga apo! Buksan mo ang iyong puso para muli mo silang masilayan, at tawagin ka nilang Mama.

Salamat at Paalam,

Biyanan

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)