Liham Ng Pasasalamat

(photo credit:www.google.com)
(photo credit:www.google.com)
(photo credit:www.google.com)

Tay,

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa Poong Maykapal sa pagpili niya sa iyo na maging tatay namin, siguro palasak nang sabihin na “the best” ka talaga pero iyon ang simpleng deskripsiyon ko sa iyo simula noong magka-isip ako.

Mahirap man sa parte mo na alagaan at maging tatay at nanay ka  ng 3 batang makukulit sa loob nang mahabang panahon; lalo at babae pa kami ni ate, at  hindi mo masakyan madalas ang mga gusto namin, naging napaka buti mo pa rin sa amin. Madalas man na magkaroon ng world war II sa bahay noon, sabunutan, habulan, sigawan; hindi namin naranasan na pagbuhatan mo kami ng kamay bagkus puro pangaral at salita ang ihinahataw mo sa amin. Mga salitang tumino sa isipan ng bawat isa at siyang ginagamit namin ngayon sa pagtahak namin sa buhay.

Sorry pala sa lahat ng disappointments, sa lahat ng sakit ng ulo na binigay namin sa iyo, sa kabila ng lahat ng sakripisyo na ginawa mo para sa amin. Makababawi rin kami sa iyo, tay!

Thank you sa lahat ng encouragements mo, sa pagpili sa aming magkakapatid, sa muling pagpapatunay na SUPER kaming mahalaga sa iyo.

Thank you sa lahat ng pang-unawa mo, kahit na mali-mali ang mga naging desisyon namin sa buhay, promise ngayon babawi na talaga kami and we will make you proud. J

Kulang man siguro ang 1 libro o nobela para pasalamatan ka; pero alam kong sapat na ang isang pahina para maipabatid sa iyo gaano kami nagpapasalamat na ikaw ang tatay namin.

Hindi man madali ang problemang mayroon ang pamilya natin ngayon, tandaan mo lang tay na hinding hindi ka namin tatalikuran kahit ano at saan mang laban.

Sobrang mahal ka namin…

Nagpapasalamat sa iyo nang lubos,

ANG IYONG MGA ANAK

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."