Liham ng Isang Die-hard Fan

(Photo Credit: Facebook)
(Photo Credit:  Facebook)
(Photo Credit: Facebook)

Ewan kung bakit tila ginawa nang national issue ng iba ang VIP TICKET ng concert ng ONE DIRECTION. Hindi naman masamang magbigay ng opinyon. Pero iyong iba, OA kung magreact. As far as I am concern, wala sa saligang batas ang nakasaad na bawal gumastos ng pagkamahal-mahal para sa isang konsiyerto. Kung may pambili ka, then go. Kung sa tingin mo doon ka masaya, i push mo ‘yan. Ang masama lang, kung iyong perang pinambili mo ng VIP TICKET ay galing sa masama at inutang mo pa sa kung sinu-sino, diba?

Hindi naman siguro masamang maging panatiko sa isang kilalang banda. At kung sa tingin ng iba ay pagsasayang lang ng pera ang gumastos ng tumataginting na 18 thousand para sa isang oras na konsiyerto ng ONE DIRECTION, e hindi na dapat pinoproblema iyan ng iba. Hindi naman kayo ang gumastos at higit sa lahat, hindi namin hiningi sa inyo ang pera diba? At lalong hindi namin ito ninakaw sa kaban ng bayan. Kaya ano pa ang pinagpuputok ng butse ng iba diyan?

On the other hand, its our own choice to buy the VIP ticket to watch the upcoming concert. We are die-hard fan of ONE DIRECTION and to see this group up close is once in a lifetime experience. Kaya bakit naman masasayang ang pera namin kung dito naman kami magiging happy diba? Happiness that money can’t buy.

Kaya kahit ano pa ang sabihin ng iba. Na kesyo mga buwang na kami, na bakit hindi na lang sa mas mahalagang bagay namin gastusin ang pera, problema na namin iyon. At lalong hindi hahadlangan ng isang bandang ONE DIRECTION ang aming pag-aaral dahil una sa lahat, priority pa rin namin ang aming pag-aaral. In the first place, we know our limitations. At hindi naman kami kukunsintihin ng parents namin kung alam nila na makasisira sa aming pag-aaral ang concert na ito. Ang problema lang kasi sa atin, ang iba masyadong nakikialam sa buhay ng may buhay. Ginagawang big deal ng iba ang nasabing halaga ng ticket at binigyan agad nila ito ng negative remarks.

E, sa die-hard fan kami? Paki n’yo?

Hindi n’yo na problema kung marami sa amin ang halos maglulupasay na sa pag-iyak dahil naubusan ng ticket. Hindi n’yo na rin problema kung pumila man kami ng triple sa haba ng pilahan sa MRT/LRT para lang makabili ng ticket. At lalong hindi n’yo na problema kung gumastos kami ng libong halaga para sa ONE DIRECTION concert. We know that we can never go wrong as long as we are happy on it. And everyone has it’s own direction to choose and we, die-hard fans, will go one direction for the upcoming concert of our Idols!

Kaya walang basagan ng trip!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.