Ligaw na Anghel sa Manila

image

Habang kumakain ng lugaw sa isang street food stall sa bandang alabang ay meron isang paslit ang biglang lumapit sa akin. Hindi na ito bago para sa aking paningin dahil sanay na akong makakita ng mga batang lansangan sa kalakhang Maynila tuwing ako ay magagawi rito.

Napansin ko na nakatitig ang paslit sa akin at bahagyang ngumiti ito, at kung hindi ako nagkakamali ay nasa tatlo o limang taon pa lamang ang bata. Payat, madungis at medyo may punit ang suot na tshirt. Ngunit may kakaiba sa batang ito sa mga batang lansangan na nakita ko na noon at lumapit na rin sa akin, tahimik lamang siya at hindi nagsasalita.

Normal na rin kasi sa mga batang lansangan na kapag lumapit sa iyo ang sinasabi agad,”Ate, palimos po, o ate, pahingi ng makakain.”

Tinanong ko ang bata kung gusto ba niyang kumain pero umiling lang ito. Gayunpaman, kahit na umiling siya ay binili ko pa rin ng lugaw at tinapay dahil alam ko na nahihiya lamang magsabi ang bata. At hindi nga ako nagkamali dahil wala pang ilang saglit ay naubos na niya agad ang lugaw at tinapay.

Matapos kumain ang bata tinanong ko kung nasaan ang mga magulang niya at itinuro niya sa akin ang isang ale na nakatayo malapit sa isang poste, nakatanaw lang pala ito sa amin; napailing na lang ako. Tapos na rin akong kumain at kailangan ko nang umuwi. Binigyan ko ng ilang barya ang bata na nakapa ko sa aking bulsa, ngiti ang sinukli sa akin ng paslit at patakbong lumapit sa kanyang ina at ako naman ay umalis na rin…

Nakasakay na ako ng bus pabalik na ng Laguna; at habang nasa bus maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko at isa na roon ang batang paslit.

Bakit maraming pabaya at iresponsableng magulang na “anak ng anak” pagkatapos ay iiwanan at hahayaan na lamang ang kanilang mga supling na pakalat-kalat sa lansangan?At iiatang din sa mga paslit na ito na wala pang muwang na buhayin ang kanilang mga sarili, dahil dito napagsasamantalahan ng mga masasamang tao ang kanilang kainosentehan at sila’y naliligaw ng landas.

Isa rin ito sa matagal na problema ng ating bansa na hindi gobyerno ang may kagagawan; kundi ang mamamayan.Dahil kahit anong gawin aksyon ng gobyerno para mapigilan o masolusyunan ang pagdami ng mga batang lansangan hindi rin ito magiging sapat kung mas maraming pabayang magulang ang ililigaw ang kanilang mga anak sa lansangan,paulit ulit lang din ang mangyayari.

Matagal na nga nang makakilala ko ang batang paslit at ngayon na naninirahan na ako sa ibang bansa, ganun pa rin ang problema ng ating bansa habang tumatagal lalong lumalala…….

Pangunahin solusyon ang mag family planning ang mga magulang na salat para maitaguyod ang pamilya at sa mga kabataan naman na huwag muna maging agresibo sa sex, subalit nasa isip agad na solusyon ng karamihan para makatakas sa responsibilidad ay “Abortion” ,bakit kailangan gumamit ng ‘di makataong pamamaraan para masugpo ang pagdami ng populasyon?Ito lang ba ang paraan?

Maraming mabuting pamamaraan pero para sa tao ang mabuti ay mahirap gawin kaya nakalulungkot isipin na ang mga sanggol na meron karapatan na sila’y isilang at mahalin ang nagsasakripisyo ng buhay nang di nila alam kung bakit, blessing nga silang maituturing pero sa mga iresponsableng magulang at kabataan na nagpapabuntis ng maaga na di kayang panagutan, sila ay itinuturing na pagkakamali.

About Butterfly Kisses

Just simply love to write on my spare time and I love web designing too.I started writing from a young age and most of my writing skills are self taught.My goal in any of my writing is to uplift and encourage people,sharing my thoughts to express myself and convey message to others.