Life’s like a box of chocolates

Note From The Author: Maraming pong salamat sa mga nakaka-appreciate ng mga stories ko.. Rest assured na I will do my best na mapasaya kayo by sharing different true stories …Stories that could happened to anyone of us..

Joanne…Her life, like a box of chocolates..A TRUE STORY.

Ipinanganak sa 11th avenue, Caloocan City si Joanne. Bata pa lang si Joanne, ramdam na nya ang hirap bilang panganay sa magkakapatid. Apat silang lahat, 3 silang babae at bunso ang lalaki. Pagtitinda lang ng tsinelas ang trabahong kinabubuhay ng kanyang tatay at minsan kasa-kasama pa  ng tatay nila ang nanay nya para makatulong. Kaya si Joanne bilang panganay ang syang naiiwan sa mas nakakababatang kapatid. Dito sya natutong maglaba, magluto at magpatakbo ng pamilya bilang tatay na…nanay pa…

Noong mga panahong nakatira sila sa Balintawak, napatira sila sa may squattter’s area. Mahilig manood ng Tv sina Joanne kasama ang mas nakakabatang kapatid na si Bella sa kapitbahay nilang masungit na matandang dalaga. Kahit pawis na pawis sa sobrang init dahil sa labas lamang sila nagkakasyang manood, aliw na aliw naman sila.

Nandyan na naman kayo! Umalis na nga kayo mga buwisit! Pagtataray ng bruhang matanda, sabay sara ng bintana. Umiyak ng malakas si Bella dahil gusto pa nyang manood. “Balang araw, magkakaTV din kami at sisiguraduhin ko lahat ng sulok ng bahay ko, may TV, bulong ni Joane sa sarili..

Napilitang bumalik at mamuhay sa probinsya ng Mindoro sina Joanne at ang kanyang pamilya. At least, doon kahit paano makakaraos sila dahil na rin sa tulong ng mga lolo’t lola nya. Subalit sadya sigurong mailap ang swerte sa pamilya. Patuloy ang pagsubok na dumating sa pamilya nila. Nandyang di sila makabayad sa simpleng bayarin sa eskwelahan, isang pares ng uniporme lamang ang laging gamit ni Joane mula 1st year hanggang nag 4th year high school sya, pumapasok na walang baon sa eskwela at higit sa lahat pati almusal ay nalalampasan pa.

Di makalimutan ni Joane ang 16th birthday nya dahil sa kanyang special cake. Nasunog kasi ang sinaing nya at ang ginawa ng tatay nya ay itinaob ang kaldero at ginawang cake ang buong sinaing na sunog at ang ulam nila, gata ng niyog na may bagoong….. Tawanan sila bagamat napakahirap talaga ng buhay..

Nagkaroon ng pagkakataon si Joanne na makapag abroad pagkatapos ng high school sa Dubai, UAE. Dinaya lang ng agency ang kanyang edad sa passport na napakadaling gawin noong mga panahong yon. Pikit mata nyang tinanggap ang hamon ng buhay sa ibang bansa sa batang edad. Nagtrabaho sya bilang isang fastfood crew. Unang pasko nya noon, naglilinis sya ng toilet at umiiyak. Ngunit iyon ay kanyang tiniis alang alang sa pamilya. Nagtulungan sila ng kanyang tatay upang mapagtapos ng college ang mga nakakabatang kapatid. Isang teacher, isang social worker at engine mechanic.. Fulfillment para kay Joanne ang makita ang mga kapatid na tapos na sa pag aaral. Edad 20 years old lang sya noon ng makita sya ng isang talent scout na kumukuha ng mga bagong modelo. Sa taas na 5’10”, morena at skinny si Joanne. Agad natipuhan ng scout si Joanne at kinumbinsing mag-model. Basta kayang kumita ng extra, kayang gawin yun ni Joanne para sa pamilya. Hanggang sa maging isang  ganap na beauty queen sya at nanalong Ms. Philippines Dubai, 1991. Nagbukas ng maraming pinto ng pagkakataon yun para kay Joanne, naging isang lounge singer din sya sa isang sikat na hotel noon sa Dubai. Halos kumikita na sya ng 500 USD  sa loob lamang ng isang linggo at yon ay extrang kita lamang para sa kanya..Subalit maagang naalis ang kanyang atensyon sa larangang ‘yun ng makilala nya si Robby, isang Arab- American. Nainlove sya dito at nabuntis ng wala sa oras. Hindi sya pinanagutan at tuluyan ng nasira ang kanyang mga pangarap. Sa tulong ng kanyang mga kapatid na tumanaw ng malaking utang sa na loob sa kanilang ate, sama sama nilang hinarap at sinuportahan si Joanne.

Babawi ako Tatay, nasabi ni Joanne sa kanyang tatay habang iniaabot sa kanya ang kanyang anak na pinangalanan niyang Kristoper. Isinilang nya ang bata kung kailan halos wala na syang pera. Nagkandautang-utang sila..At lahat ng kanyang alahas na naipon ay naubos at napunta lang sa wala…

Tinupad ni Joane ang kanyang pangako . Pagkapanganak nya kay Kris, masakit man para sa kanya na iwan ang anak, ginawa nya upang mabuhay ang kanyang anak at pamilya.  Lalo na ang kanyang tatay na naging masakitin pa. Bumalik sya sa Dubai. Naging focus sa trabaho si Joanne na noon ay nagtrabahong waitress sa isang five star hotel. Sa kanyang dedication sa trabaho, dito na sya nagkaroon ng pagkakataon na maging supervisor at eventually naging assistant manager.

Alam ni Joanne na di sapat ang experience lamang upang malaman nya ang mga technicalities ng pagiging manager. Kumuha sy a ng crash course kung saan itinuturo ang pagiging isang magaling sa pagbudget at pag aanalisa ng profits. Kalaunan, naging isang ganap na manager na rin si Joane dahil sa kanyang sipag at tyaga.

Sa kasalukuyan, sa edad na 40, nasa abroad pa rin si Joanne. Pinili na lamang nyang maging dalagang ina kay Kris na ngayon ay 14 years old na. Bagamant meron naman syang boyfriend , mas pinili na lang nya na wag ng mag-asawa pa.Naipagpatayo na rin nya ng bahay ang kanyang nag-iisang anak. Isa rin sya sa mga kinikilalang Pilipino sa larangan ng Hospitality industry sa Dubai bilang isang magaling na General Director ng isang sikat na five star hotel. Marami na rin syang natulungang mga pilipino na tumatakas at naaabuso sa Dubai.

Ang buhay natin ay napakamahiwaga, walang alam kung ano ang nakalaan sa bawat isa sa atin, sabi nga ni FORREST GUMP,”Life is like a box of chocolatesyou never know what you’re gonna get, at naniniwala ako na kapag inilagay mo sa isip mo na kaya mong magtagumpay, ito ay mangyayari..

Di mahalaga kung ikaw man ay nadapa, bumangon ka  at muling lumaban sa takbo ng buhay…No one said life would be easy? Hindi mahalaga kung saan ka nagmula, ang mahalaga ay kung saan ka patungo…

Hanggang sa MULI…

Ms. J

PS.

Nang huli kaming magkita ni Joane sa kanilang bahay sa Dubai, napansin ko na halos lahat ng sulok ng kanilang bahay, makikitang may TV nga =))