Liars Go to Hell? (Part 2)

liar3-jpgNapapadalas ang pakikinig ko ng programa sa radyo sa gabi. Kasabay yun ng oras ng trabaho ko, at kasabay din ng pag-atake ng antok. Magandang pampalipas ng oras ang pakikinig ng mga love story na mas madalas e hindi happy ending, hindi rin pang-teleserye, at lalong hindi puwedeng ihanay sa mga nagdaang love story ng Pinas na puro title ng kanta ang title ng pelikula. At kapansin-pansin na mas malala at mabenta ang isyu ng niloko, iniwan, nasulot at naano lang. Lam mo na yun.

Gaya ng mga nakagawiang love story, nagsisimula ang lahat sa maganda, papunta sa komplikasyon at dalawang ending: happily ever after at “Sana maging masaya na siya sa bago niya, huhuhu…” [insert sad love song here]. Sa mahigit isang taon kong pakikinig ng ganung programa sa radyo, mas mataas ang bilang ng mga luhaan at bigo. At lalake din ang kadalasang dahilan ng ganung uri ng problema (tsk tsk tsk…). Pero-pero-pero, hindi ligtas ang lahi ni eba sa usaping pag-ibig. Kaya wag magpakasaya.

 Ewan ko ha, pero napapansin ko sa bawat hinaing ng mga kawawang caller (na minsan sa ending ng istorya e sila rin pala ang may kasalanan!), nagsisimula ang komplikasyon at lamat ng relasyon sa isang ugali: ang magsinungaling. Totoo yan, at kahit hindi ka makinig sa radyo at masira ang ulo sa mga teleserye, kasinungalingan ang umpisa ng pagkasira ng relasyon. Sabagay, naumpisahan nga sa kasinungalingang panliligaw, na nagtapos din sa kasinungaligang proseso. Ending, pareho silang naglokohan lang.

Nung nakaraang gabi lang, isinalaysay ng isang caller kung paano siya niloko ng dati niyang karelasyon. Maganda naman daw ang pagsasama nila sa mga unang taon, pero kalaunan e bigla daw nagkaron ng pagbabago sa pakikisama nito. In short, nanlamig. Hindi na tulad ng dati at parang iba na ang ikinikilos nito. Ang dating nakakalikot na cellphone at facebook account, off limits na siya. At dahil sa likas sa babae ang ‘woman instinct’, ang dating hinala ay nagtapos sa madramang ending. Kumpirmado, may iba na ang lalake niya. Lagyan na lang ng maraming commercial ang love story nila, ‘My Legal Wife’ na ang datingan nila.

Wala lang. May ma-intro lang.

Binanggit ko sa unang part ng blog na ito kung gaano tayo kalala magsinungaling sa araw-araw nating gawain. Ipinaliwanag ko sa medyo cool na paraan kung paano at bakit hindi maiwasan ng tao ang magsinungaling. Yun nga lang, may mga mambabasa na medyo hindi nakaintindi sa punto ko. Huwag ko daw turuan magsinungaling ang mga mambabasa. Na-guilty ako, kaya paulit-uit kong binasa ang nauna kong blog. Siguro nga, may punto ang reklamo niya, PERO ipinaliwanag ko lang naman na minsan e parang-kelangan-mo-magsinungaling-sa-ngalan-ng-buhay. Hindi ko in-elaborate na dapat-kang-magsinungaling-dahil-cool-ito-at-tao-ka-lang. Basahin mo na lang para maka-relate ka.

(Click HERE to continue reading…)

(Click here to read “Liars Go to Hell?” Part 1)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.