Lata

Hindi mapakali si Crispin nang pinagmamasdan niya ang namimilipit sa gutom na si Poyang, ang iisang anak nito. Kaarawan pa din nito ngayon ngunit kahit anong dukot gawin niya sa kanya bulsa ay wala talaga itong pera.

-Teka lang anak ah! Lalabas si Tatay at ibibili kita ng pansit at puto. Handa natin sa birthday mo.

Ang totoo nag sinungaling ito sa kanyang anak. Paano niyang magagawang bumili ni kendi nga ata hindi siya makakabili. Kung uutang naman siya hindi na ito pupwede dahil baon na sila sa utang sa mga tindahan. download

Naglalakad lang ng naglakad si Crispin nagbabaka sakaling makapulot ng barya. Hanggang sa marating niya ang isang napakagarang mall.

Pumasok siya dito. Sumilip silip sa mga fast food store. Nagbabaka sakaling may tira tira sa lamesa kaso wala. Hanggang sa marating niya ang supermarket ng mall.

Pumasok siya dito. Dinaanan ang bawat puwesto ng mga itinitinda. Natapat siya sa mga de lata.
May tila puwersang nag sasabi sa kanya na… kumuha ka, kumuha ka ng isa para kay Poyang na birthday ngayon.

Luminga linga si Crispin. Tinignan ang paligid kung may nakamasid sa kanya. Nang alam niyang walang tumitingin sa kanya kinuha ang lata ng corned beef at ito ay kanyang binulsa.

-Hoy! Ano yang binulsa mo? Ilabas, ilabas mo yang binulsa mo! Nahuli pala siya ng guwardiya na kanina pa nakasunod sa kanya ng pumasok siya supermarket.

Idiniretso si Crispin sa security department at doon ay kinausap. Sa loob makikita ang mga picture ng mga nahuling shoplifter.

-Bayaran mo ng anim na beses sa halaga ang kinuha mo o makulong ka? Mamili ka.

Tumulo ang luha ni Crispin. Paano niya mababayaran ang ganung halaga ni pambili nga ng kendi ay wala siya.

-Ikulong niyo na lang po ako. Ang nakayuko at lumuluhang sagot ni Crispin.

Kinagabihan sa kanilang lugar. Sa isang tindahan pumalaot ang balita sa t.v

ISANG LALAKE NAHULING NAGNAKAW NG LATA NG CORNED BEEF…. KALABOSO!
AT SA IBA PANG MGA BALITA…

POLITIKONG NA SASANGKOT SA PDAF SCAM ITINANGGI ANG PARTISIPASYON NILA SA NASABING ANOMALYA, KINONTRA NAMAN ITO NG BAGONG WITNESS.

Ang walang malay na si Poyang ay patuloy pa rin sa paghihintay sa kanyang ama.

Sa kabilang dako, sa selda kung saan nakakulong si Crispin maririnig ang hinagpis nito….

Patawad anak, patawad, binigo kita.

About x