Last Year Christmas with Jesus

Photo credit to www.masterprint.com
Photo credit to www.masterprint.com
Photo credit to www.masterprint.com

Minsan…

may ahh…

Ano na nga ba tagalog ng moments?
Momento ba?
Hmm???
Ah, basta pangyayari sa buhay natin na parang tila ba titimo sa ating memory.

Kagaya nung nakaraang December na nagbakasyon ako sa ating bayan.

Na-record sa aking isipan ang mga mata at ngiti ng isang matandang lalaki na at namamalimos sa overpass ng Santolan Station.

Kasama ko si Rj ang aking panganay at si Jb ang aking pangatlo.

Papunta kami noon sa Opisina kung saan nagtatrabaho ang aking Misis.

Si Jc ang aking baby o bunso ay isinama na ni Misis ng pumasok siya ng umaga.

Bale Christmas Party nila at kasama ang mga pamilya.
Bale pupunta na lang kaming mag-aama kasi hapon pa ang party.

Ang pangalawa ko, si Ej, ay dun na didiretso pagkalabas ng school.
Kaya kumpleto kaming pamilya.

Ang saya saya ko kasi kasama ko ang dalawa kong binata.
Feeling ko, eh, parang magkakaidad lang kami hehehe!
Oi, kung nakita n’yo ang porma ko para lang akong 19 kasi gupit binata ako.
Hahahahahaha!
Nalayo na sa target topic.
Hahahahahahaha!

Balik tayo sa beggar o namamalimos.

Habang lumalakad kami nang mabilis, e, nadaanan naming mag-aama yung namamalimos.

 Mahaba na magulo ang buhok at may balbas at bigote.
Ewan pero parang nagtama ang aming mga mata.
Mga matang masaya kahit siya ay ganun ang kalagayan.
Naka-smile siya at sinabing
“Merry Christmas, Amang!”

Tuloy tuloy ang lakad naming mag-aama, pero nabunot ko ang aking pitaka, kumuha ng pera at binulungan ko si Rj na: “Anak, bigay mo ‘to dun.”

Tuwang-tuwa si Rj na bumalik at ibinigay ang pera.

Nang bumalik si Rj ang sabi ay: “Salamat daw pa. Susuwertihin daw tayo ngayon.”

Pagbaba namin ng overpass ay humingi ng pera sa akin si Jb dahil may nakita siyang masasalubong namin na namamalimos din at wala namang kamay.

Ang napansin ko parang magkahawig ang lalaki sa itaas at itong nasa ibaba.
Binigyan ko si Jb at naku, ang saya sayang, nauna sa amin para ibigay ang pera.

Pagtapat namin sa lalaki ay sa ‘kin parin nakatingin at sinabing: “Salamat, Merry Christmas sa inyo. Susuwertihin kayo ngayong Pasko.”

Sa Party na pinuntahan namin ay nanalo si Rj sa raffle 1,000 pesos.
Si Misis nanalo din.
Si Jb, nanalo sa pabingo.
At nakapag-uwi kami ng dalawang sakong bigas, 10th prize lang nakuha ni Misis,eh

Okey na din kasi ang daming empleyado na walang napanalunan.
Plus si Jc ang bunso, ay naku, humakot ng aginaldo buhat sa mga empleado.

Nasa bahay na kami nang sabihin ni Rj na:

“Papa, tama ‘yung sabi nung namamalimos, susuwertihin tayo.”

Napa-smile na lang ako at naisip ko na nung oras na magtama ang mga mata namin ng lalaki…

Nabuo sa isip ko na maaaring….

Si Jesus mismo ang nagpaaala sa akin ng pagmamahal, hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa kapwa tao at Siya rin ang bumati sa amin ng:

“Merry Christmas.”

Tulungan mo akong lagi kang makita sa ibat ibang katauhan ng aking mga kapatid, Upang lagi akong nagmamahal, Panginoon. Amen.

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")