Lasa ng Pusong Mamon

563157_4435973589240_1510035939_n1Paalala: Ang kuwentong inyong mababasa ay nangangailangan ng pang-unawa sa inyong busilak na puso.

LASA NG PUSONG MAMON

Tinagurian akong isang anak ng batikang negosyante sa Pinas, ang ina ko ay isang sikat na Enterpreuner at ang ama ko ay isang business tycoon.. “NICK” ang tawag nila sa akin, palayaw sa NICHOLAS, sikat at tinitingala ….pero sa masaklap na kadahilanan na sadyang ang buhay sa mundo ay parang gulong, ay isang masakit na katotohanan ang sumapit sa aming pamilya.

Kasabay ng pagbabago ng takbo ng negosyo ng aking mga magulang nang magkandalugi-lugi dahil sa maling pamamalakad ng nasadlak sa pwesto na niloko ang papa at ang nanay ko na sadyang biniyayaan ng sakit na Cancer, ay nasira ang pamilyang iniingatan, Ang ate ko ay nadale sa aksidente kung saan siya ay na-hit and run; na kahit nakakulong na ang gumawa ay hindi sapat na dahilan para mapawi ang sakit .


Sa edad na 26 ay naulila akong lubos at kasabay noon ang pagkatanghal ko bilang lisensyadong doctor. Kasabay ng pagkawala ng Ina ay sumasabay din ang pagkaubos ng pera ni papa dahil sa sakit ng ina… At bago pa man ang kaarawan ng papa ay pumanaw na rin ito dahil sa sakit na leukemia at depression.. Halos hindi ako makapaniwala. Hindi man lang ipinaalam sa akin ng papa ang sakit niya.  Aanhin ko pa ang pagiging doctor ko kung lahat ng mga taong gusto kong pagserbisyohan ay nawala.

Naging isang volunteer doctor ako sa isang sangay ng gobyerno na nakadestino sa Mindanao.. Noong una takot ako dahil sa katakot-takot na balitang aking mababasa sa pahayagan at sa telebisyon.  Pero kalaunan ay naging parte na ng buhay ko ang putukan na nagaganap.  Ang saya na aking naramdaman ay abot hanggang sa kaibuturan ng aking puso kapag may nailigtas akong buhay lalo na ang kababaihan at kabataan na biktima ng karahasan.

Taong 1992, sa edad kong 31 ay naging isang doctor ako sa kilalang hospital sa Gitnang Silangan… practitioner ako noong una at dahil mahal ko ang aking trabaho ay naging isang managing director ako sa isa sa mga hospital na iyon.. Mataas ang suweldo..at sa awa ng Diyos ay nagbunga ang kasipagan ko..

Taong 1994, ikinasal ako sa aking asawa, isa siyang nurse. Namuhay kami nang masagana dahil pareho kaming may trabaho, biniyayaan ako ng dalawang anak na lalaki.  Pinauwi ko ang aking mag-ina sa Pinas upang doon magpatuloy ang buhay.

Taong 2000, isang pangyayaring hindi-hindi ko makalilimutan… Isang gabing tinawagan ako ng itinuturing kong matalik na kaibigan…nakilala ko siya dito na rin sa loob ng hospital na aking pinagtatrabahuan. Nangangailangan siya ng malaking halaga para sa pagpagamot umano ng kanyang ina at ama na kapwa nasa hospital dahil nakacoma, at malaking halaga ang binigay ko sa kanya. At dahil nakare-relate ako kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang at kahit gustuhin man na buhayin at tulungan ay wala akong nagagawa ay pinahiram ko siya ng pera..nang walang pag-aalinlangan.

Iyon ang simula.. Hanggang sa nagdesisyon akong magloan ng pera sa bangko, kaya naipagamot ang nanay at tatay niya, at dahil na rin sa makabagong teknolohiya ay nadugtungan ang buhay ng magulang niya. Kalahating halaga lang ang pinababayaran ko sa kanya.

Noong una’y todo tanggi siya. Pero dahil pinili kong tulungan siya ay pinilit kong gusto ko na ibigay ko ang kalahating halaga sa kanya.

Alam kong magkakilala sila ng aking asawa kaya nagtitiwala ako sa kanya. Noong una ay masigasig siyang nagbabayad at ‘di kalauna’y unti-unti kong nalaman ang tunay na mga pangyayari.  Kasabay ng pagkawala niya na parang bula sa opisina kasama ang pera na ninakaw niya ay nawala ring parang bula ang mga pangarap ko…isa akong biktima sa maling kaibigan.. Kung kaibigan nga bang maiituturing….

Isang masakit na pangyayaring ni sa panaginip ay hindi ko lubos maisip .. isang panaginip na hindi ko ninais na maganap, isang katotohanang masakit tanggapin. Natalo ako sa kaso ko nang magsampa ng kaso ang bangko sa akin dahil hindi pala iyon binayaran ng tatlong buwan… Tatlong buwan ang halaga kapalit ng isang pagkasira ng lahat.

Nawalan ako ng trabaho at nagkaletse-letse, ‘ika nga ang buhay ko…

Ang butihin kong asawa ay nabaliw sa kaiisip sa nangyayari.. Dahil na rin sa pagpapagamot nito sa therapy niya ay unti-unting naubos ang aming pera.. Ang isa kong anak ay nakatapos ng pag-aaral, pero sa kamalasan ay mas piniling kitlin ang buhay dahil sa panghuhusga ng tao..

” Sorry hindi ka tanggap.  Isang baliw na ina at ama na kinasuhan dahil sa pera.. How can we trust you”

Mga katagang iniiyakan ng anak ko sa bawat apply niya ng trabaho.

Dahil sa panghuhusga ng lipunan sa kanya ay mas pinili niyang magpakamatay. At ang bunso naman, sa awa ng Diyos, ay patuloy na inaalagaan ang kanyang ina..

Habang ako ay nandito sa disyerto..

Nang mag-apply ako ng amnesty ay dine-decline ang aking application. Dahil na rin sa babayaran kong halaga sa bangko. Kalahating halaga na sana ay hindi ako dapat ang magbayad, pero ako, oo, ako, pangalan ko ang nasisira at ako ang nakatira dito nang patago at nagtitiis sa lamig at init ng panahon sa disyerto..
.
Kung makauuwi pa ba ako ay hindi ko alam, matagal ko na ring hindi nasilayan ang aking pamilya, matanda na ako sa edad ko, pero wala akong magawa kundi tiisin ang mga sakit na dulot ng isang maling pagtitiwala. Kung nasaan man ang isang kaibigan na minsan ay itinuring kong pamilya ay sana nasa mabuti siyang kalagayan at hindi niya maranasan ang hirap na dinanas ko ngayon. Matanda na ako, maysakit ,tanging Diyos na ang bahala sa akin. At sa kaibigan ko, Siya na ang bahala sa kanya..

Note: Nicholas is just a pen name para pangalagaan ang tunay niyang pagkatao..

Moral lesson, author’s note:

Mahirap tanggapin ang sakit dulot ng isang kabutihan, at ang saklap ng isang pagtitiwalang ibinibigay sa isang kaibigan na nangangailangan.

Kaya lagi tayong mag-iingat lalo na sa ating mga kapwa OFW na naririto sa ibang bansa para makipagsapalaran sa buhay… At sa lahat ng mga kaibigan, sana huwag nating sirain ang tiwalang ipinagkaloob sa atin.. GOD is not blind so don’t waste your time on revenge. Those who hurt you will eventually face their own karma, but when?? Iyon ang hindi natin alam, dahil sad truth is:

When money speaks… Everybody listens…

Lose it and you will be nothing, and the so called HUMANITIES will no longer exist..

©Jhaque™Blog2013

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.