Laman ng Isip Mo

KAILAN NGA BA DARATING ‘YUNG ARAW NA AKO LANG ANG LAMAN NG ISIP MO?

‘Yung panahong masaya ka at tumatawa nang dahil sa akin,
nang dahil sa mga kwela kong joke at matitindi kong banat.

‘Yung panahong tumutulo ang luha mo HINDI dahil sa tampuhan natin,
kundi dahil sa sobrang saya na ‘di mo mapigilan.

‘Yung panahong naba-bad trip ka HINDI dahil sa mga pinaggagawa ko na ayaw mo,
kundi dahil sa walang tigil kong pag-kiliti sa paa at tagiliran mo.

‘Yung panahong nasasaktan ka na, HINDI dahil sa pananakit ko sa iyo,
kundi dahil sa pagkagat-kagat ko sa tenga at ilong mo.

‘Yung panahong nauumay ka na, HINDI dahil sa nagsasawa ka na sa akin,
kundi dahil sa araw-araw kong pagsasabing mahal kita..

‘Yung panahong feeling mo napapagod ka na, HINDI dahil sa paulit ulit kong paggawa ng mali
kundi dahil sa araw-araw kong pagpaparamdam sa ‘yo na mahalaga ka sa akin.

‘Yung panahong pakiramdam mo na nag-iisa kang pasan ang lahat ng problema at akala mo iniwan na kita,
‘yun pala nasa likuran mo lang ako at handang saluin ka habang paakyat sa pangarap mo.

‘Yung panahong nalulungkot ka, HINDI dahil sa hindi ko pagbibigay ng importansya sa ‘yo,
kundi dahil pag naiisip mo ‘Yung mga panahong mawala ako sa ‘yo.

‘Di ako mawawala, ‘di ako aalis , ‘di kita iiwan, patuloy akong magiging anino mo
hangga’t ‘di mo sabihin ang “layuan mo na ako”. Ganyan ako, ganyan ako sa iyo.

Ikaw??  Kailan nga ba darating ‘yung araw na ako lang ang laman ng isip mo?

-Dedicated to a very special someone… Someone whom, I am willing to wait for, no matter what others will say..
someone whom I believe in, will be a part of my life someday. Someone whom I want to spend the rest of my life with.

We may be at the wrong time right now, but someday I know, the skies will align for us. For me to prove,
to make you feel what I feel towards you deep inside my heart.. to my dear “ilong”…

About malaya06

a deo et rege; humanus crede.