Labis na pag-overtime sa trabaho, nakapagdudulot ng hindi maganda sa puso

Image from Shutterstock

Para saan ka bumabangon sa umaga? Para sa pamilya? Sa trabaho?

Ngunit ang pinakamahalagang tanong — ikaw ba ay natutulog pa? O puro overtime na lang ang ginagawa mo sa trabaho?

Image from Freepik

Maaaring ang pag o-overtime ay nakapagbibigay ng dagdag sahod, ngunit hindi lamang dagdag pera ang nabibigay ng overtime sa trabaho. Ito rin ay maaaring magdulot sa iyong puso ng hindi magandang pangyayari.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng European Heart Journal, natuklasan na ang mga taong palaging nagtatagal sa kanilang opisina upang mag-overtime ay may malaking tsansa na makaramdam ng hindi nakabubuti sa puso.

Kumpara sa mga taong nagtatrabaho ng regular working hours, ang mga taong mahilig mag-overtime ay maaaring magkaroon ng hindi magandang lifestyle tulad ng kulang sa tulog at pagpapabaya sa kalusugan.

Sinuri sa isang pag-aaral ang 85,000 na respondents. Ayon sa ulat, halos 1,000 sa mga respondents ang nagkaroon ng atrial fibrillation. Ang mga respondents na ito ay iyong mga taong nagta-trabaho nang higit pa sa regular working hours.

Ang atrial fibrillation ay kondisyon sa puso kung saan ay nakararamdam ang tao ng irregular at mabilis na pagtibok ng puso. Ang kondisyon na ito ay maaaring makapagdulot ng mas malala pang kalagayan sa pus0.

Image from Freepik

Hindi man masamang kumita ng dagdag na pera dahil sa pag-oovertime, mahalagang isaalang-alang din ang kalusugan at malaman kung maganda pa ba ang naidudulot ng pag-oovertime o kaya naman ay magiging dahilan ng pagkapahamak ng ating pus0 at dagdag pang gastusin at alalahanin.

Kaya naman, ang ating paalala: Hinay hinay lang sa trabaho at huwag sasagarin ang katawan sa overtiime.