Kuwento ng pagsisikap: Unang student-athlete at magna cum laude ng UST-ECE

Image from Jay Patrick Nieles via Facebook

Kapag may tiyaga, may nilaga

Ito ang pinatotohanan ni Jay Patrick Monton Nieles sa kaniyang Facebook post, na mayroon nang mahigit 10k likes at 2k shares.

Dito ibinahagi ni Nieles ang kaniyang mga pinagdaanang hirap, sakripisyo, at pagsubok upang marating ang kaniyang mga pangarap bilang isang student-athlete.

Mula si Nieles sa University of Sto. Tomas at isang Electronics and Communications Engineering (ECE) student kung saan ay isa rin siyang athlete ng track and field.

Kuwento ni Nieles, ni-recruit siya ng UST bilang isang track and field player noong siya ay nasa high school pa lamang. At dahil sa kaniyang mga pangarap ay tinanggap niya ang hamon bilang isang student-athlete.

Noong una, inakala umano ni Nieles na ang pagiging atleta ay madali lamang, ngunit hindi niya inasahan ang naghihintay sa kaniyang mga pagsubok.

Image from Jay Patrick Nieles via Facebook

I thought being a student-athlete was easy but as soon as I started my first year in college, things became much more complicated and so does my pain and suffering,” kuwento ni Nieles.

Bilang isang atleta, naranasan ni Nieles ang gumising nang sobrang aga halos araw-araw upang mag-ensayo.

Ibinahagi niya, “Training is very hard because Track and Field is a measure of strength and athleticism. Winning in the sport is a matter of talent, hard work, and conditioning which involves training the whole-year round for a race that just lasts for 11 seconds or less.”

At upang mapanatili umano ang kaniyang scholarship sa UST, kailangan niyang mag-uwi ng mga medalya at upang mabigyang karangalan na rin ang kaniyang unibersidad.

Pinagsabay ni Nieles ang kaniyang pag-aaral at ang pag-eensayo. Kinailangan niyang humabol hindi lamang sa pagtakbo sa kaniyang trainings kundi pati na rin sa mga deadlines ng kaniyang subjects.

Image from Jay Patrick Nieles via Facebook

Everyday, I fought the tendency to sleep in class despite being desperate for a whole day rest because of the physical and mental exhaustion from training and academics,” ani Nieles.

Ibinahagi rin niya ang hirap bilang isang ECE student.

ECE is one of the toughest majors in engineering which made things much more difficult. Just like running to reach the finish line, I have to study hard and do all my projects and assignments with everything that I got.”

Isa umano sa mantra ni Nieles kaya rin niya nakayanan ang mga pagsubok bilang isang student-athlete ay ang mga katagang: Gagawa lang din naman ako bakit hindi ko pa ibibigay and best ko.

Ngunit hindi nagtagal, sa pag-usad ng kaniyang pag-aaral at pag-eensayo ay hindi na kinaya ni Nieles ang pressure. Sa mga klase at subject niyang pahirap nang pahirap at ang mataas na expectation sa kaniya bilang isang senior athlete sa UAAP.

Kuwento ni Nieles, dumating umano siya sa punto na halos tatlong oras lang ang kaniyang tulog kada araw. Hindi na rin siya gaanong nakakakain dahil mas focus siyang matapos ang kaniyang mga gawain bilang isang student-athlete.

Ngunit sa lahat ng paghihirap na kaniyang pinagdaanan, isa umano ang kaniyang ina sa mga sumuporta sa kaniya at nagbigay-gabay.

Image from Jay Patrick Nieles via Facebook

At these hard moments, si Mama ang partner ko with all my endeavors. I am so blessed to have her since she gave up her profession as a registered nurse for us. But it is still lacking. At the deepest point of my life, I wanted to give up.”

Ibinahagi rin ni Nieles kung paano niya natagpuan ang Panginoon sa gitna ng kaniyang pagsuko sa buhay. Ang Panginoon daw ang nagbago sa kaniyang mga pananaw.

I am drained of performance. I am exhausted of pleasing everyone. I am tired. And then Jesus came into my life. Noong time na tinanggap ko Siya sa life ko, it changed me and my perspective in my life.”

Napagtanto umano ni Nieles na ang buhay ay hindi lamang tungkol sa talento at abilidad, kundi kung paano maglilingkod sa Maykapal.

Nakita umano niya ang kapayapaan sa Panginoon, at natutunan niyang magpaubaya at isuko ang lahat ng pagsubok at paghihirap sa Maykapal.

Sa kaniyang 5th year, kinailangang isuko ni Nieles ang kaniyang pagiging atleta upang mas lalong makapag-focus sa kaniyang pag-aaral.

Nawala man ang kaniyang scholarship, tinulungan umano siya ng isang UST Engineering Alumni sa pagbabayad sa kaniyang tuition fees.

Sa huling bahagi ng kaniyang post, pinasalamatan ni Nieles ang lahat ng taong tumulong at sumuporta sa kaniyang mga pinagdaanan bilang isang student-athlete.

Nagtapos si Nieles bilang kauna-unahang student-athlete na magna cum laude ng UST-ECE.

Image from Jay Patrick Nieles via Facebook

To wrap it up. By God’s grace, we did it. This kid made history by graduating as the First Ever Magna Cum Laude Student-Athlete of UST ECE, a BPI-DOST Science Awardee, 1st Place in the Annual ECE Research Exhibit, has an international publication, went to an international summer camp for elite students in Hong Kong.

Para kay Nieles, ang kuwento niya ay hindi umano tungkol sa isang student-athlete at magna cum laude.

Ito raw ay kuwento ng isang taong nangarap nang malaki, sumuko, at sa huli ay natagpuan ang Panginoon na naggabay at nagbigay sa kaniya ng walang katumbas na pagmamahal kaya niya narating ang kaniyang mga pinapangarap.

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.