Kung Ikaw Ako, Ano ang Gagawin Mo at Paano?

girls cry

Alam mo, alam ko na pinalalabas mo pa rin akong masama sa lahat para magmukha kang malinis.. kaya nga takot na takot kang magkausap kami nung isa, ‘di ba? At kapag ganyan ang mga message ko, saka ka lang magrereply para makapang-insulto at makapagmalaki lalo. Totoo at seryoso ako sa bawat sinabi ko.  Magulo dahil magulo ang nararamdaman ko.

Topak? walang pang-unawa? Ano ang hindi mo maintindihan? Ano’ng ginawa mo???

Isa-isahin natin lahat kung bakit humantong sa ganito at kung paano ako nagbago at kung anong dahilan ng “topak” ko ayon na rin sa ‘yo at sa mga pinagkakalat mo,at para malaman natin kung sino ang totoong siraulo at wala sa katinuan.

2003..

Umpisahan natin sa PAGKAKAMALI ko. ang PAGSAMA KO SAYO. matagal mo na ko kinukumbinsi na magtanan dba? matagal mo na ko pinipilit gawin ang mga bagay na hindi ko nman gustong gawin pa. ang pakikipagsex sayo at pagtatanan. Dumating pa ung pagkakataon na nahuli tayo sa kahiya-hiyang eksena ng nanay ko at kahit wala nman tlga nangyari sinabi mo pa ring meron dahil sa makasarili ka noon pa man. Hindi mo insip ang kahihiyan ko basta masunod lang ang gusto mo at nagmalaki ka pang pananagutan kuno ako. Nakuha mo pa kong takutin ng magalit ako sayo at magdesiyong iwasan ka na lang pagkatapos ng ginawa mo. Tumawag pa nga kapatid mo sakin at tinatanong ako kung bakit nagtatangka ka magpakamatay dba??

“Anong bang ginawa mo sa kuya ko, iyak ng iyak  at may hawak na kutsilyo?”

lahat ng paraan ginagawa mo para pumayag ako noon hanggang sa dumating ung pagkakataon na nagkagulo ulit ang dati ng magulo kong pamilya. tulad noon simantala mo pagkakataon. Inaya mo ko sumama sayo at tutulungan kunwari. Pinaabangan mo uwi ko para hindi ako makaderetcho ng uwi samin. sumama ako dahil ayaw kong umuwi samin dahil sabi mo galit na galit ang magaling kong ina sakin. At yun nga natupad ang matagal mo ng gustong mangyari. May nangyari na rin satin sa wakas. nakuha mo na matagal mo ng pinipilit makuha. At ng magdesisyon ako na umuwi na at bumalik na samin lahat ng pananakot ginawa mo sakin! Hindi mo ko pinauwi. Pinapagilan mo ko sa mga kaibigan mo. Iniwan mo pa lahat sakin ang personal na gamit, pera at passbook mo kasabay ng pangungusensya at pananakot na magpapakamatay ka na nman! Nagmakaawa ako sa lahat ng tao dun noon dba? At yun nga nakauwi ako. Pero hindi na nawala sa isip ko ang pagmamakaawa at pananakot mo. at nahiya na rin ako dahil ipinaalam mo na sa lahat na may nangyari na rin satin kaya nagdesisyon akong bumalik na lang sayo tutal magulo rin nman ang pamilya ko at talagang gusto ko ng makaalis samin noon pa man.

OO sige nung una ginawa mo lahat para mahalin kita. Nagpanggap kang mabait at mapagmahal. Nagsakripisyo ka ng husto para mapanindigan mo ang pagpilit mo magsama tayo. Ginawa mo lahat ng paraan na kahit sinong babae imposibleng hindi maniwalang karapat dapat ka talaga. Pero pagkalipas ng 2 months ng lumipat na tayo sa bahay ng tito mo lumabas na totoo mong kulay! hindi mo na naitago totoo mong pagkatao. Sobrang seloso mo at possessive. Pag galit ako noon umiiyak lang ako at sinasaktan ko sarili ko dahil wala akong masabihan ng sama ng loob at paghihirap ko. Nakakapagsalita man ako noon sayo pero never kita pinagbuhatan ng kamay alam mo yan. Sa sobrang seloso mo ginusto ko ng makipaghiwalay sayo. nagdesisyon ako bumalik samin. Pero duon mo ko trinatong parang hayop. Sinaktan mo ko sa lahat ng paraan na hindi ko kailan man inisip na mararanasan ko sa kamay ng kahit na sino maliban sa magaling na tatay at ina ko. Sa bahay pa lang ng tito mo inumpisahan mo na ko i-torture. Sinisigawan, minumura mo ko habang sinasaktan mo rin ako ng husto. at kahit anong pagmamakaawa ko walang tumulong sakin kahit alam kong naririnig nila ako. Hinawakan mo ko sa muka at sa tenga at inaalog ang ulo ko habang minumura mo ko at pinagsasalitaan ng kung ano-ano na halos idikdik mo na muka mo sa muka ko. Kinaladkad mo ko palabas. patuloy mo ko kinakalad sa kalsada habang sinasabi sakin na ” gusto mo ng umuwi dba? cge ibabalik kita!” kahit anong pagmamakaawa ko sayo hindi mo ko kinaawaan! Ibinalik mo ulit ako sa bahay ng tito mo at kinabukasan kinausap ka ng magaling mo ring ama na pinagmanahan mo. Nakumbinsi nila akong pagbigyan ka ulit. Pero hindi na yun nawala sakin. Kaya nagdesisyon ako takasan ka! Nakatakas ako sa tulong ng pinsan mo. Pero hinanap mo ko at nagpunta ka pa samin para mag makaawa makuha ulit ako. Kahit na anong awat sayo at harang ng stepfather ko nagpupumilit ka makausap ako. At dahil sa tanga ako. naawa na nman ako sayo. Hinayaan kita makusap ako. At doon ka lumuhod sakin at nagmakaawa ng husto na hindi kana uulit dba? Na pinagsisihan mo ng sobra lahat. Dahil na rin sa kahihiyan at kahit pa naging rebelde ako wala akong ibang lalaking nakarelasyon. ikaw ang nakauna sakin at dala na rin siguro ng kabataan ko naisip kong dapat panindigan ko na. kung sino ang una gusto ko yun na ang huli dahil ayaw ko maging kagaya ng ina ko. ayaw kong mahusgahan ng iba dahil lang sa wala na kong maipagmamalaki. kung noon kahit anong sabihin nila sakin wala akong pakialam dahil alam ko sa sarili ko na malinis pa ko. pero may nangyari na satin at pakiramdam ko noon pagtatawanan na ko ng lahat kaya pumayag na ko bumalik na naman sayo. Pero hindi ko pinaalam sa magulang ko ginawa mo sakin. Hindi nila nalaman ang ginawa mong kahayupan sakin. Nagdesisyon ako na wala akong ibang maasahan kundi sarili ko lang. walang ibang magtatanggol sakin kundi sarili ko mismo. Kaya pag nag aaway tayo at sinasaktan mo ko mas doble binabalik ko sayo. Mas naging matapang ako dahil na rin sayo. Hindi ako nagpapatalo dahil nagdesisyon akong hinding hindi ko na hahayaang maargabyado ulit ako ng kahit sino lalong lalo ka na. Nagsama ulit tayo. Naging mabait sakin ang mama mo. Pinag-aral nya ko at tinuring na anak at naramdaman ko yun kesa sa sarili kong ina. Lumipat tayo sa bahay ng lolo mo dahil na rin sa naging gulo sa bahay ng tito mo dahil sa pinsan mo. Pinag-aral ako ng mama mo dahil pinabayaan na ako ng tuluyan ng magaling kong ina. Mas nagpaka magulang pa ang stepfather ko kesa sa kanya. Duon ko ulit naranasan maliitin at insultuhin. Nagtiis ako. ang mahalaga hindi nila ko sinasaktan ng pisikal. At kahit naging madalas din ang away natin at pisikalan okay lang. Nagagawa ko naman maipagtanggol sarili ko sayo. At ginagawa mo rin naman na maging masaya ako sa paraang alam mo. At alam mong ganun din ako sayo. walang perpektong relasyon ang mahalaga kahit paano masaya ako kesa bumalik ako sa pamilya ko at maging mas miserable ang pakiramdam ko. Ginawan ako ng malisyosong kwento ng asawa ng tito mo sa school na pinapasukan ko at sa mismong lamay ng kung sinong hindi ko na matandan kung sino. sinisiraan ako sa lahat ng nandun. “Nagtatrabaho daw ako sa club sa gabi kaya ako late nakakapasok school.” Wow! ibang level ang talent ng asawa ng tito mo. teacher pa naman at may mga anak na.. “no comment na lang” Hindi ako nagsusumbong samin ng lahat ng nararanasan ko sa inyo. Alam mo at alam nyo bahay at school lang ako noon. Wala akong ibang kaibigan o ibang tao na pinupuntahan. Sayo lang umikot buhay ko dba? At dahil duon pag masama loob ko, sayo ko nabubuhos dahil wala akong ibang masasabihan at inaasahng magiging kakampi bukod sayo. Madalas natin pag awayan ang gingawa sakin ng alam mo kung sino-sino sa pamilya mo. Naranasan ko rin pagsabihang pinalaking baboy dahil lang sa napagsalitaan kita na “ang baboy mo” dahil sa tinatakot mo ko duraan at naglalaro ka ng laway sa paghaharutan natin. Hindi ko rin malilimutan ung marinig ko mismo na siraan ako sa kapit bahay nyo ng makadiyos kuno at numero unong naninira sakin noon pa man. Naging babae lang daw ako dahil sa ari ko. at kung ano-ano pang kasiraan na alam ng diyos kung gaano kasinungaling!

May pagkakaton din na tinakasan mo ko ng tulog ako at hindi ko alam kung ilang beses mo na yun nagawa sakin ng hindi ko alam. Hinanap kita hanggang umaga para lang marinig ang kwento mong hindi kapani-paniwala.

“Bibili lang ako ng noodles kasi nagutom ako. Dinukot ako pauwi ng mga nakatricycle, ginulpi at hinulog sa may sosan, eto nga oh ang dumi ng likod ko at durog ung noodles.” sabay labas ng noodles sa bulsa ng shorts mo.

Kilala kita. hindi ikaw ung tipong tatahimik lang sa ganun. at nagutom ka? sa pagkakaalala ko ngapupumilit ka sakin gabi pa lang na lumabas kahit naka-locked na ung gate nyo. at asan ang mga pasa mo? At nakakapagtaka rin ng sobra na 2am hinahanap na kita maliwanag na ng magpakita ka at tlgang yung moment na nakauwi na ko. At hanggang ngaun hindi mo naman yun naipaliwanag sakin ng maayos dahil halatang noon pa man may ginagawa ka ng milagro! at sinungaling ka.

Meron din eksena noon sa UE at STI. Kung ano ano binibintang mo sakin at pinagseselosan na kasama ko pero obvious nman ikaw ang may ginagawang kakaiba.

Nagsasama tayo habang nag-aaral din tayo pareho at malaking pasalamat at utang na loob ko lahat yun sa mama mo. Highschool ako at college ka na. Naalala ko na ugali kong icheck ang bawat gastos mo sa baon mo. May isang pagkakataon na hinuli lang kita at tinanong.

“Sino ung nakita kong kasabay mo na kumain kanina? pinuntahan kita sa school nyo.” kahit hindi nman talaga ako pumunta.

ang sagot mo sakin at ikinagulat ko talaga. “Classmate ko yung babe. Nanglibre lang sya sakin ng fishball nahihiya nga ako kasi sya pa nanlibre sakin. kwentahin mo baon ko.”

At sa STI. may pinagseselosan ka noon na classmate ko at pinagiinitan mo lagi dahil lang sa narinig mo na nagbiro sakin. pero ikaw ang huling huling may ginagawa. Project ko noon at kaylangan ko ung laptop dahil walang vacant na computer sa lab. Hinanap kita at tinext pero wala kang sagot. May nagturo na nasa library ka at huling huli ka sa akto na nakadikit at nakikipaglandian sa isang babae. wala pa kong sinasabi sayo at tinawag pa lang kita pero takot na takot ka na lumapit sakin at sabing “wag dito pls nman. nagpapasa lang sya sakin ng files sa phone nya. “ Hindi na ko nagsalita at umuwi na lang dba? pero muka akong tangang iyak ng iyak dahil sa ugali mong gaguhin ako at lagyan ng malaking T (tanga) sa noo. Ikaw yung tipong huling huli na pero nuknukan talaga ng sinungaling at paninidigan ang mga kasinungalingan mo kahit baliktarin pa lahat sa garapal na paraan.

kagaya na lang ng birthday mo. Pinaghanda kita at nagpakapagod ako ng husto para masunod ang gusto mo at pinagbigyang magpainom kasama ng lahat ng barakada mo. Pero hindi ka pa nakuntento at tlgang sinagad mo kahit alam mong wala ka pang kakayahang gumastos na sobrang laki para sa alak lang at may usapan tayo at nangako ka sakin. Huling huli kita nag-aabot ng pera pambili ulit ng alak kahit paumaga na pero sinabi mo pa sakin na inaabot lang sayo ung suki??! ikaw ang nagbibigay at hindi ikaw ang kumukuha! Mas nakakatuyo ng dugo ang pagkasinungaling mo kesa dun sa nakita ko. Umalis ako ulit at nangako ka na nman na hindi ka na uulit. Sobrang dami ko noong dahilan para iwanan ka na pero pinili ko pa rin panindigan ang pagsama ko sayo.

Hanggang sa may gawin sakin na hindi katanggap tanggap ang ama mong magaling na syang painagmanahan mo. Hindi ko malilimutan yun, dahil yung ang mga panahon na inaatake ako ng ulcer ko at halos dugo na inalalabas ng katawan ko. Nagsumbong ako sayo pero pakiramdam ko noon wala lang sayo. naging masyado ako maramdamin dahil wala akong ibang masabihan at yung inaasahan ko magiging kakampi ko hindi ko man lang maasahang maipagtanggol ako at maprotektahan ako. dumating pa sa eksena nagkagulo kayo dahil na rin sa palagi ko yun naisusumbat sayo. Ikaw ba nman ang gawan ng ganun at tingnan pa ng taong yun at makingiti na akala mo demonyo. Pagusapan at sisihin pa na kasalanan ko kaya ginawa yun sakin. Nagtangaka pa magpakamatay kuno ang magaling mong ama. Nakiusap ako sayo na wag mo ko iwanan mag isa. na marami naman ang sumama magdala sa hospital kaya sabi ko wag ka ng sumama. wag mo ko iwanan mag isa dun sa lugar na yun dahil pakiramdam ko wala akong kakampi. pero hindi mo ko pinakinggan iniwan mo kong umiiyak dun sa kalsada sa tapat nyo. Siguro nga makasarili na hilingin kong wag kang sumama pero hindi mo ba maintindihan ang pakiramdam ng mag isa ka at takot na walang kahit isang tao na gustong samahan ka at iparamdam na may maasahan kang magtatangol sayo sa lahat?

Naging mas magulo pagsasama natin. palaging away at sumbatan. Hanggang sa magkagulo na naman dahil sa paglalasing mo. Inaasar ka noon ng tiyuhin mong may sapak at pinipilit kita awatin sa pagwawala at pambabato mo. pero ako pa lumabas na masama. ako pa ang sinisi ng tita mo sa lahat. Na naging ganun ka lang daw mula ng nagsama tayo. Na hindi daw nila ako talaga tanggap. alam mo ba kung gaano kasakit yun? Ano ba kayo? Royal blood? habang ikaw nagtatakbong mukang baliw sa kalsada ako nandun nakatayo sa labas nyong basang basa at walang sapin sa paa dahil na rin sa pag-awat ko sayo sa pagsindi sa super kalan na gusto mong pasabugin dahil sa malaki sapak mo sa ulo lalo pag nakainom ka! Pagkatapos ako pagsalitaan ng ganun pinad-lock yung gate habang umiiyak ako sa labas na basang basa at walang tsinelas. Nalaman ang nangyari ng gabing yun ng iba pang kapatid ng mama mo kinabukasan. at ako ang sinisisi ng lahat. May isa ka pang tito na nagsabi sakin na pwede ka niyang ipakulong at lagyang ng shabu ang gamit at suot mo para masigurong hindi ka makakalabas sa kulungan.

Ng dahil dun pumayag na mama mong bumukod tayo at natuklasan din natin na buntis na pala ako ng mga panahon na yun. Nangako ka na nman sakin na magiging maayos na tayo at hinding hindi ka na ulit iinom pa. nagtrabaho ka at pareho tayong natigil sa pag-aaral. Masaya ako noon dahil alam mong matagal ko ng gustong maging mommy kahit hindi ko pa alam kung gaano kabigat na responsibility yun. Nagtrabaho ka at sa gabi lang ang bakante. sumasama ako sayo, nagpupuyat at nagtatrabaho rin ako ng libre dahil sa takot ako na maiwan mag isa. Naaawa ako sayo kaya kahit puyat at nahihirapan din ako sa kalagayan ko alam mong sinusubukan ko bumawi sayo. Hinahayaan kita matulog at naglalaba ako para lang makapagpahinga ka kahit hirap na hirap ako sa pakiramdam ko at gusto ko lang din humiga. hindi ako nagdadrama. yun tlga ang pakiramdam ko noon bawat araw. ayaw ko halos tumayo pero pinipilit ko. Marami rin pagkakaton na nakikiuusap na ko sayo na umuwi na tayo ng maaga dahil gusto ko ng makapagpahinga ng maayos. napakahirap ng pakiramdam ko noon sa pgabubuntis ko. pero mas pinipili mo palagi makipaglaro ng computer games sa mga players at madalas pa magbigay ng libreng time para lang makapag enjoy ka ng hindi iniisip kung ano ba sitwasyon ko.. hinahayaan mo ko matulog sa ibabaw ng kitchen counter at sa pinagsama-samang upuan. alam mo ba kung gaano kasakit yun sa tiyan ko? alam mo ba kung gaano kahirap yun sakin? nagsabi ako sayo na palagi akong binabangungot sa lugar na yun pero balewala lang. patuloy na ganun pa rin. Minsan nagtampo na ko sayo at umalis ulit dahil pakiramdam ko talaga wala kang pakialam sa kalagayan ko.

Hanggang sa makapanganak na ko. 2007..

Nakita ko kung gaano ka din naging masaya. Naging mapagmahal ka at naging responsableng ama sa kanya. Mas ikaw ang kumikilos kesa sakin. Ginagawa mo lahat at talagang mahal na mahal mo anak mo. Inaamin ko noon na dun kita mas talagang minahal. Hindi ka perpekto pero marami ka ring magandang ugali na maipagmamalaki ko lalo na pagdating sa pagiging ama mo NOON.

Pero kahit nga sa panganganak ko hindi ako nakaligtas sa pamilya mo. Habang nanganganak ako may ginawa ang asawa ng tita mo sa nanay ko at yun ay ang ideny ako na kilala nya kahit alam nyang kasalukuyang nagle-labor ako at nadun sya mismo sa labas ng bahay natin habang inaantay ang asawa nya sa loob. hinayaan nyang maghanap ng maghanap ang nanay ko sa bahay natin.

At pagkapanganak ko ano pa? Nagkamali ang magaling kong doctora sa pagtahi sakin at pati yun nagawa pang isisi sakin dba? Yung mga taong akala mong dumalaw para sa bata pumunta lang para lang may makuhang info at may magamit na nman laban sakin. Pati damit, diaper pagpapainjection ng anak mo issue pa. na hindi naman sa kanila galing ang gastos. Na pinag awayan na nman natin. dahil paging nakakumpara sa anak mo mula suot at pagpapadoctor bakit hindi na lang daw sa center para libre. bakit hindi yung anak nila dalhin nila dun? hindi naman sila gumagastos sa anak mo. ayaw ng nasasapawan hindi naman ako sa kanila nakikipagcompete.

Nagbinyagan..

OO nga at walang naibigay na share ang family ko.. pero diba responsibility mo naman yung bilang lalaki? at bilang wala ka pang ganun kakayahan noon pra sagutin lahat, mama mo na man ang sumalo. pero daig pa natin ang hindi magulang ng nagpabinyag. pamilya mo lahat ang bida sa eksena at sila na ang nagmane-obra ng lahat dba? at halos sila sila lang din nman ang nag enjoy ultimo sa pagkain puro soup lang ang nagawa nilang ipaubaya. Kung hindi pa tayo ang sumagot sa invitation at souvenirs hindi pa ako magkakaroon ng papel.

Nagkasakit ang anak mo.. lumapit ka sa kanila dba? pero imbes na tulungan ka maipa-check up sinabihan kang sayang lang at nagmarunong at binigyan ng gamot pinaggamitan ng anak nya.. kung hindi pa tayo nagbukas ng alcansia hindi pa natin mapapachek up ang bata at malalaman na maling gamot ang binigay kaya grabe ang iyak ng bata pag pinapahid at hindi naman gumagaling.

Dumaan pa mga araw at lumipat na naman tayo.. Sa mga araw na yun inaamin ko na talaga nman ginagawa mo rin yung mga responsibilty mo kahit na may mga pagkakataon na hindi mo maalis ang pagiging isip bata mo rin. Pero pareho tayong nagpapsensya sa pagkukulang ng isa’t isa. masaya tayong tatlo kahit madalas tayo mag-away at magtampuhan dalawa dahil ugali mo rin ang manuyo at unang magsorry. Bossy ako pero paraan ko yun para maramdamang mahal mo talaga ako. (yun ang akala ko)

Hanggang sa magkagulo ulit dahil naman sa kapatid mo at sa Gf nya.. ako na nman ang nasisi at naging tagasalo. Alam ng diyos kung ano totoong nangyari at kung sino nag umpisa ng gulo. Umiwas akong madamay sa kanila pero ikaw mismo nagbigay ng way para masisi na nman ako sa huli. Nagsabi ka at ang mama mo na pakisamahan nating ung babaeng yun dahil nakakaawa din nman. Pinayuhan ko at inawat na wag ng palalain kung anuman ang problema nila. Hindi ako ang lumapit kung hindi sya. Nadamay ako sa gulong wala nman akong kinalaman. Pinagbintangan sa wala naman akong alam. Ipinahiya ako ng kapatid mo sa maraming tao at sinuntok ako habang hawak ko ang 8 months old na anak mo. at ipinagsigawang sa gitna ng kalsada sa harap ng bakery at maraming tao na “POKPOK KA! UMAASA KA LANG SA MAMA KONG POKPOK KA! POKPOK!” paano ako naging pokpok? may nakahawak at nakagalaw ba saking ibang lalaki bukod sayo na ama ng batang hawak ko noon? Anong karapatan nya ipahiya ako sa lahat at pagsalitaan ng mga salitang hindi nya iniisip kung gaano kabigat at kasakit? at sa huli ano? ako pa ang binaliktad at sinabing nagsalitas laban sa kanya ng hindi maganda? na sinabi ko daw na hindi sya mkagraduate at pabigat sya sa mama nya? Ibang klase dba? Pano ko masasabi yun kung wala naman akong alam sa kanya? Ni wala akong idea kung bagsak o pasado sya! OO Nagkagulo na naman at nagpangabot kayo. Nagtext ang tito mo at pinagsalitaan ako ng kung ano ano. Ng ipagtanggol kita at ang sarili ko pinagsalitaan akong wag makigulo sa pamilya nyo? bakit sino ba ako? ano ba ako? Nagtiis ako sa lahat. Pinilit ko kayanin at ang gusto ko lang, magawa mong gawin kung ano ginawa ko para sayo. Pinaglaban kita sa pamilya ko. Hindi kita hinahayaang tratuhinka katulad ng ginagawang trato sakin ng pamilya mo. kaya nga halos hindi ka mautusan samin dba? Mas ikaw ang mabuti sa paningin nila kesa sakin. Mas ulam mo ang iniisp nila pag nadun ka. Mas kinakampihan ka nila kesa sakin dahil kahit sino sa kanila hindi ko hinayaang maliitin o laiitin ka. Hindi ko sila hinahayaang abusuhin ka. pero kabaliktaran ang nararanasan ko sa inyo pero kahit isa sa pamilya mo walang naksagot sa tanong ko na “ANO BA GINAWA KONG MASAMA SA INYO?” “BAKIT GALIT NA GALIT KAYO SAKIN AT GRABE NYO AKO SIRAAN SA HALOS LAHAT NG TAO!” “KAYA NYO BANG PATUNAYAN LAHAT NG PANINIRA NYO SAKIN?” “MAY MAILALABAS BA KAYONG KAHIT ISANG TAONG MAKAKPAGPATUNAY NG LAHAT NG KASIRAAN NA BINABATO NYO SAKIN?”

wala silang nasabi dba? ang sagot lang nila.. matalas ang dila ko.. at sila nman mismo ang nag-hasa ng dila ko ng husto.

Nag isang taon ang anak mo.. Nagbirthday sya.. Alam mo na hindi kita hinahayaan magmukang ewan dba? palaging kayo mag ama ang mas inuuna ko.. Nahihiya ako noon tumabi sa inyo dahil sinasabihan ako harap harapan ng pamilya mo na muka akong yaya at katulong.. Ultimo sa sarili kong ina at pamilya nakakatikim ako ng panlalait.. pero okay lang basta ayaw kong nalalait kayong mag-ama.

January 2009..

Nagkaroon ka ng pagkakataon magkaroon ng mas maganda at maayos na trabaho.. Natuwa ako at umasang unti unti na nating mababago situation natin.. Pero wala pang isang buwan kinain ka na naman ng pagkamakasarili mo.. Hindi mo inisip na pamilyado ka na at unahin ang responsibilidad mo.. ayusin ang mga dapat ayusin kesa unahing paligayahin ang sarili mo.. Wala akong matandaang puro away na sinasabi mo.. Dahil ang natatandaan ko noon palagi akong nagaantay sa pag uwi mo.. Palgi akong naiinip pag wala ka at masaya pag nakauwi ka na.. kaya nga hindi ako nagpapagising sayo pag aalis ka dba? dahil hindi na ko ulit makakatulog at madalas ako bangungutin. Nagsisimula na rin ako magbilang ng oras sa paguwi mo. kinaiinipan ko bawat minuto pag wala ka. Nililibang ko sarili ko at madalas gumagawa ng way para matawagan at kumustahin ka.. Madalas ko itakas noon ang cp ng stepfather ko para lang matawagn ka. kung para sayo negative yun pero gingawa ko yun noon dahil mahal kita.

Feb 2009..

Nagbirthday ka.. sobrang excited ako at hindi ko malaman kung ano gagawin ko para masurprise at mapasaya kita.. Kilala mo naman ako di ba? mahilig ako isurprise at regaluhan ka. Masentimental ako sa mga ganung bagay at okasyon. pero anong oras ka na dumating noon at sinamahan pa ng mga negative thoughts mula sa magaling kong kapatid.. Pero nagselos man ako noon hindi ko pinagdudahan na magagawa mo ang mas pinakamasahol pa sa sinasabi nya. Habang nagtitiis ako sa bahay at ang batang hindi mo na inisip habang nagpapakasaya ka sa kababuyan mo.. Ultimo baryang maiiwan samin pinipilit ko pa ibigay sayo dahil mas iniisip ko magiging sitwasyon mo.. tuwing sumasahod ka? sino ba inuuna ko? diba kayong mag ama? Hindi ako bumili ng para sakin palaging mas para sa inyo at para sayo. alam na lam mo yan. kahit na palagi nila ako winawarningan hindi ako nakikinig basta masaya ako maging maayos ka sa paningin ng iba dahil ayaw kong nalalait ka at ang anak mo ng kahit na sino. sa inyo lang umiikot ang mundo ko. Masaya ako dahil sa pakiramdam ko noon may sarili na kong pamilya. Na meron na akong matatawag na sakin talaga. at wala na akong pakialam noon basta kasama ko kayo.

Pero anong ginawa mo? Sa lahat ng pinagdaanan ko mula ng sumama ako sayo.. Ano pa ginawa mo?

Pumatol ka sa may asawa at tatlong anak! Gumagastos ka sa kababuyan mo habang ultimo pangdiaper ng anak mo problema pa natin. Hindi mo inisip na kung wala ang mama mo hindi mo kami mabubuhay. Nagkaroon ka ng pagkakataon gawing tama ang lahat pero nagpakamakasarili ka!

March 26 2009..

nangako ka na uuwi n ng maaga dahil birthday ng nanay ko na natuklasan ko na birthday din pala ng putang kinahuhuumalingan mo pero iba na pakiramdam ko noon pa.. palagi akong kinakabahan sa hindi ko maintindihang dahilan.. at palgi ako nagtataka sa mga sagot mo saki noon.. pagtinatawagan kita para tanungin kung bakit wala ka pa at kung nasaan ka na 5pm ang out mo pero hatinggabi at madaling araw na lagi ang uwi mo. sobra sobra mo kong ginawang tanga. kahit anong deny mo sigurado na ako na noon pa man ay nag-umpisa ka na.. kaya tigilan mo kakadeny dahil tuwing babalikan ko lahat sobrang linaw na ng dating sobrang gulo sa utak ko..

april 7 2009..

Unang beses ko naiwan ang anak mo para lang hanapin ka. Madaling araw hanggang umaga dahil hindi kita macontact.. Hindi ako nagduda noon mas pumasok sa isip ko na baka naglaro ka o napahamak ka.. never no naisip na may kasama ka.. sa maniwala ka at sa hindi mas natakot ako noon para sayo kaya hinanap kita at ipinagtanong tanong sa mga bus driver dala ang picture mo kung may nagyaring aksidente o ano.. tumawag ako sa opisina nyo at sinabing marami kang pinasok na babae dun at naghalf day ka lang.. duon na ako nagisip.. muka akong tangang iyak ng iyak sa byahe at daan.. panay ang dasal na makita na kita.. Tumawag ako at magtatanghali ka na sumagot at nagkamali ka ng mabanggit mo ang salitang “SORRY BABY” “PAUWI NA KO BABY”

BABY???! kelan mo ko tinawag na baby? MOMMY o MAHAL KO lang dba? san galing yung BABY???!

at ang nakakagago pa sa lahat ng sabihin mong galing ka sa office nyo dahil naiwan mo dun ang cp mo kaya hindi mo sinasagot ang tawag ko. hindi mo alam dun din ako galing at sa mga lugar na sinabi ng isa sa mga boss mo na possible mo puntahan. Nag-antay ako sayo at para na kong masisiraan ng ulo dahil naririnig ko boses ng anak mo hindi ako sanay na hindi sya nakikita o naririnig.. Isinama sya sa pag alis ng pamilya ko dahil sa hindi ako kaagad nakabalik sa paghahnap ko sayo.. Umuwi ka na halatang bagong ligo sa buhok pa lang.. Nagkagulo at nagkasakitan ulit tayo dahil sa galit ko sayo.. Pero nagawa mo pa kong pagmalakihan at takutin dba? Hindi ko makakalimutan ang salita mo sakin na “OO sana nga meron na. dahil ipakikilala ko sya sayo! at ipagmamalaki ko sya sisiguraduhin ko yan sayo” Paano mo nagagawang magsinungaling ng deretcho sa mata ko? Nagawa mo pa mag alsa balutan at magmalaki lalo sakin. Nagmuka akong tanga sa pagsunod sayo.. Sobrang naging magulo utak ko sa lahat ng nangyari.. Hindi ko akalain na mangyayari sakin lahat yun.. palgi ko dinadasal na sana binabangungot lang ako sana magising na ko..

Nakiusap ako sayo pero nanindigan ka sa kababuyan mo.. nagpatuloy ka pa rin sa kabila ng paghihirap na nakikita mo sakin..

Umalis kami mag ina. At sa maniwala ka at sa hindi buntis ako noon.. alam ng diyos kung ano buong nangyari at muntik mangyari. Naranasang matulog ng anak mo sa kalsada dahil hindi ko alma kung saan kami pupunta sa gulo ng isip ko sa mga ginagawa mo Dinugo ako sa kakalakad at kakaiyak.. Nagtext ako sayo pero ako pa minura mo at pinagmamalakihan dba? pruweba ang sangkaterbang pinagduguan ko na dala dala ko sa bahay ng kapatid kong hudas din. Palagi ako tumatawag at nagmamakaawa sayo pero naninindigan ka sa kabababuyan mo..

Nagpakatanga ulit ako at bumalik.. Nagkagulo kami ng pamilya ko ng dahil sayo! Pati bata naipit sa gulo. Napasama ako ng husto sa paningin nila dahil hindi ako nagsasalita ng mga kademonyohan mo sakin! pero hindi ka pa rin tumigil! Palagi kami nag-aantay.. palagi akong umiiyak.. Nagaantay na walang tubig at kahit ano sa bahay.. Wala panghugas sa bata, wlang pang diaper man lang. Pero ikaw nagpapakaligaya sa kandungan ng naturingan ina na rin pero masahol pa sa pakawalang puta. Hindi ko na kinakaya mga ginagawa mo.. lalo na ng matuklasan ko lahat ng kasinungalingan mo.. Dahil na rin sa isang taong palaging natatakbuhan ko. Umamin sya para lang mapigilan ako sa desisyon kong umalis na ng tuluyan sayo. Nalaman ko lahat ng katarantaduhan at kahayupan mo. At tlga nagmamalaki ka pa pala. Nabuntis mo pa ang tingin mo.. at nakuha mo pang ibilin para libangin ako? Pinalabas mo pa kong baliw sa putang yun at sa mga kasamahan mo sa trabaho? Pati tungkol sa hindi pagtanggap sakin ng pamilya mo napalabas mong ako pa ang talagang masama. Hindi na ko magtataka kung ikaw ang pasimuno na siraan ako sa pamamagitan ng tiyuhin mong masahol pa sa babaeng dalahira ang bunganga sa pagkachismoso at galing gumawa ng kwento. Noon pa ugali mo ng siraan ako para magpaawa at magamit sa mga willing victim mo ng kamanyakan mo. Umuwi ako at pinagmukang marumi ang sarili ko sa paningin mo para mapasakitan ka at mapaamin ka.

Pero hindi pa yun ang pinakahighlights ng eksena dba? Madalas tayo magbugbugan dahil naninindigan ka sa mga kahayupan mo. at hindi nman ako nagpapatalo sayo.. dahil habang nasasaktan ako mas lalo kong pinipilit makatayo ulit para maibalik lahat ng gngwa mo. Kung demonyo ka noon sa paningin ko sigurado ako ganun din ang naging tingin mo sakin. dahil masahol pa sa hayop ang ipinaranas mo sakin. kinakaladkad mo ko ng hubo’t hubad na parang baboy. Kaya gumanti ako dba? at sigurado ako na hindi mo rin makakalimutan ang ginawa kong balik sayo.

At isang gabi nga naisip ko kunin ang harddisk mo. At dun mo ko pinagsusunktok sa muka para lang ilabas ko.  At panay ang sigaw saking ng.. “PUTANG INA MO ASAAN?!! ILABAS MO!!!” Takot ka matukalasan ko lahat ng pagiging baboy nyo? Sinakal mo ko ng sarili kong sinturon hanggang sa mangitim ako mawalan ako ng malay dba? may eksena rin na binalugbog mo ako at bialiktad sa bahay mismo ng kapit bahay habang nadun ang mga magulang nya. Eksenang hindi ka uuwi para lang magayos magdamag ng computer ng isang babaeng kaibigan mo na hindi ko alam kung na saan din ang utak dahil pamilyado na rin at may anak pero hindi naiisip kung ano mararamdam ko? Kahit sa kalasada nagaaway tayo. Nagawa mo rin akong isama at iharap sa taong kasabwat mo mismo sa kababuyan nyo at umarteng wala lang. ultimo sa opisina ng putang kababuyan mo kinumbinsi mo ko isama na parang normal lang sayo at hindi nakukunsensya.

July 2009..

Araw ng bday ko nagising ako wala si vrittany at pinagtataguan mo ko.. dahil sa noong gabi pinarurusahan kita sa lahat ng kahayupan mo. Lumipas ang buong araw ng birthday ko na naghahanap at umiiyak ako mag isa..

Nagawa kong iwan sayo ang anak mo sa trabaho mo para makunsensya ka at maisip mo kung ano mga ginagwa mo pero nagawa mo pang umuwi at makipagchat at makipagwebcam at ipakita ang bata sa cam sa putang yun habang hindi ko alam gagawin ko kung paano  at saan ako makakahanap ng trabaho. Imbes na pagsisihan mo at makita kung anong gulo at hirap ang resulta ng ginagawa mo. Nagpatuloy ka lang. Marami akong nagawa na hindi ko kaylan man naisip na magagawa ko at hinding hindi kaylanman maipagmamalaki dahil sayo. Ugali mo noon pa man na siraan ako at magmalinis. Marami akong nagawa at naging kaaway dahil sayo.. Nakakawala sa katinuaan ang galit, hirap at sakit na pinaranas mo sakin. At aminado ko na muntik ko ng totohanin ang lahat.

Hanggang sa lumipat ka ulit ng trabaho.. Pero mahirap na magtiwala sa kagaya mo. At tama nman ako. Hindi ko man nalaman ng maaga pero napatunayan ko. Ang mga dagdag kasinungalingan mo at panloloko. Hindi tayo naging maayos dahil hindi mo rin ako binigyan ng dahilan at hindi mo rin nagawang iparamdam na pinagsisihan mo at handa kang magbago. pero sa lahat isa ang mas higit na naapektuahn at nagdursa. sumasalo sa lahat ng masamang epekto ng gulo sa pagitan natin.

Nagdaan ang mga araw na palagi tayo naghahanap ng malilipatan dahil na rin ayaw kong maiwan sa lugar na makapagpapa-alala sakin ng lahat ng masasakit na pinagdaanan ko sayo. Puro pangako at plano sinasabi mo tuwing naghahanap tayo sabay hawak pa sa kamay ko pero hindi ko na maramdaman ang sincerity mo kaya hindi na lng ako umiimik at minsan dinadaan na lng sa biro ang side ko..

Hanggang sa araw ng malapit ka na umalis.. Hindi ko alam kung bakit pero bago un marami na kong nararamdamng kakaiba ulit sayo.. Hindi ko maintindihan pakiramdam ko nung makita ko ang picture nung andie na yun.. ginising pa kita at tinanong dba? at nagsimula na ang tawag sa phone na pag ako sumasagot binababa lang o hindi umiimik.. Umaakyat ka p sa building ng baklang si morte para tawagan sya dba? Pumupunta sa inyo para kunwari maglaba para matawagan lang sya.. Nagempake ka rin ng hindi ko nalalaman kung ano mga dala mo dahil tinanggalan mo ko ng karapatan at tumahimik na lang ulit ako. kinim-kim ko na lang lahat kasama na ang lahat ng kahihiyan sa lahat at sa eksena sa kalye na humantong sa baranggay inisip ko na paalis ka narin.. pakiramdam ko namamanhid na rin ako..

July 2010..

Araw ng bday ko.. Isang araw bago ka umalis.. Nagantay ako at anak mo sa labas ng gate at ng hindi ako makatiis at iba na tlga pakiramdam ko umalis ako.. para lang matuklasan pagkatapos na habang muka akong tanga sa pagaantay sayo tama pala lahat ng kutob ko..

Umalis ka papunta sa CANADA at nangako na magbabago at aayusin lahat at babalikan kami para bigayna ng maayos na buhay. Ng araw na umuwi ako duon ko naramdaman na mahalaga ka pa rin sakin. Na handa ko ng kalimutan at patawarin ka. Na mahal na mahal pa rin pala kita. Hindi ko alam kung nanibago at nalungkot lang ako pero pinagsisihan ko noon na pinayagan kita umalis. Yung pakiramdam na kahit ano pang gawin ko.. hindi na kita makikita at mahahawakan tulad dati. at hindi lang ako ang nakaramdam nun pati batang iniwan mo na lalong nakapagpahirap sa loob ko. Pero bago ka pa lang umalis puno na ng kasinungalingan. Isa isa kong natuklasan ulit lahat. Niloloko mo sa lahat ng paraan at hindi lang sampung beses kundi higit pa. Namimilit ka magpahatid sa airport sa ibang babae sa araw mismo ng birthday ko habang muka akong tangang nagaantay sayo. Nanliligaw at nakikipagchat ka kung kani-kanino. Napakaraming pangalan, number at account. Bago ka pa umalis at paglapag pa lang ng eroplano puro panloloko. mas nauuna ka pa mangamusta ng ibang babae kesa sa sarili mong mag-ina. Mas inuuna mo pang alalahanin ang iba kesa sa sarili mong anak. Napakarami kong natuklasan sayo na hindi ko na kaya pang magtiwala kahit konti man lang. Tinatanong ko sarili ko kung sapat bang dahilan ang away natin dahil na rin sa pamilya mo na palagi mong dinadahilan para lokohin mo ko ng paulit ulit at sisihin pa ko sa huli. hindi ko maintindihan kung ano nakita mo sa mga babeng pinagiinteresan mo. Hindi ako perpekto at ganun ka din. Pero minahal ko kayo ng sobra mag-ama sa paraang alam ko. Wala akong bisyo o bagay na pinaglaanan ng atensyon ko kundi kayo. hindi ko nagawang gawin ang mga ginagawa mo sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko rin sayo.

Sino ang hindi mawawala sa katinuan sa lahat ng ginagawa mo? Paano ako makakapagisip ng tama at makakpagsalita sayo ng mahinahon kung lahat ng ginagawa mo pauli-ulit lang din. Tuwing magsisimula ako maging maayos palaging may panibago akong matutuklasan sayo.

Hanggang sa padagdag lang ng padagdag lahat ng panloloko at kasinungalingan..

una pa lng pinabayaan mo kami. Ilang buwan binalewala ng hindi alam kung nakakain pa at kung may sakit.. kahit hindi na lng ako kahit yung bata na lng.. Pinagkakasya ko ang 3,000 isang buwan o 100 isang araw. Nandun na lahat, panglaba, pagkain, tubig na inumin higit para kay vrittany at personal na pangangailangan. naransan namin mabuhay ng hopia at tubig lang para magkasya, isang noodles isang araw. Hindi na naman ako nakakatulog sa pag-iisp at pamomroblema.. Pinagtataguan mo ako madalas at naranasan ko pang murahin ng tito mo sa phone. pero ako na lang ang nagpakatao at humingi ng pasensya kahit ako na ang ininsulto at minura. wala kaming contact sayo na kahit ano. Tinatago mo samin ang cp number mo palagi hanggang ngaun. Ng hindi inaala kung pano kaming dalawa kung may emergency o mangyaring hindi maganda. Hinayaan mong gawin ng iba ang responsibility na ikaw ang dapat gumagawa. Hindi ako makagawa ng paraan noon dahil na rin sa kahinaan ko iwan ang batang palaging rin nagiging dahilan ko para bumalik ng bumalik sayo. Imbes na isipin at gamitin ang pagkakaton na meron ka para makabawi at maitama lahat ng pagkakamali mo, mas nagiging lalong makasarili ka lang. Tuwing mahihirapan ka sa sitwasyong ikaw rin naman ang gumawa at dahilan, palagi kang nagdedesisyon sa kung saan ka mas magiging maginhawa at masaya. Hindi mo iniisip at wala kang pakialam kung tama o mali ang mahalga sayo sarili mo lang. ang makatakas ka sa mga problemang ikaw naman ang may dala at nagsimula. balewala sayo kung may nasasaktan at naaragabyado ka. kung may labis na nagdurusa at nahihirapan dahil pagiging makasarili at mahina mo.

Lahat ng pinangako mo at plano puro lang kasinungalingan.. Naglilibang ka.. Nagpapakita at nagpapahiwatig ng interes sa iba sa pamamgitan ng paninira sakin at pagpapaawa sa iba.. garapalan ka na kung lokohin ako at magsinungaling.. Kausap mo ako o hindi wla kang pinipili. Pag kausap mo ko magpapalalam ka sandali para lang makipag usap sa iba. Kahit na narinig ko na at huling huli ka na garapalan mo pa rin akong gagawing tanga. “Rence! nandito na sila KAREN” habang kausap kita at sasabihin mong nasa work ka. sabay baba ng phone at hindi na kita macontact. Mula sa pagiinom, pagka-club, pageenjoy sa kung ano ano kasama ang kung sino-sino. sa mga nabasa ko sa iba’t ibang account at page. Ung tungkol dun sa matanda walmart na alam mo sa sarili mong pinaginteresan mo. ung sa karen, ung sa kaibigan nung aliah, ung sa mga babaeng old classmate mo kuno. at hindi ko rin makakalimutan na dati pa lang ganyan ka na. ultimo sa bakla papatol ka para lang makagawa ng paraan makuha ang gusto mo at pinagiinteresan mo. (jobel). Ultimo sa laro. handa kang gumastos sa at maloko dahil lang sa ugali mong pagkamahilig. Pinanghihinayangan mo ang obligasyon mo pero galante ka sa sarili mo at sa ibang bagay lalo na sa lahat ng tingin mong mapapakinabangan mo.

JULY 2011..

Birthday ko humiling ako sayo at sinunod mo pero dahil lang pala sa may matutuklasan na nman ako sayo.. Humingi ka ng tawad at sinunod lahat ng inutos ko sayo pero dahil lang sa takot na mapahiya ka sa lahat. pagkalipas lang ng ilang araw balik ka ulit sa dati. nagmamalaki, nagmamatapang at nagmamalinis. Hanggang sa hindi ko na kayanin dahil garapalan na tlga kung paano mo ko gaguhin at gawing tanga. Hindi na kita kinausap at pinabayaan na lng kita

JUNE 2012..

huling usap natin na nag-away na naman tayo dahil ulit sa garapal mong pagkasinungaling.. pagkatapos ko matuklasan lahat ng mga panibago mong katarantaduhan.. naloko ka ng isang lalaki at naperahan sa pocket legends dahil sa pagiging mahilig mo sa babae. Napahiya ka sakin at sa takot na magamit ako laban sayo kusa kang umamin. pero masyado ka ng nagiging mayabang at mapagmalaki sa lahat dahil lang sa alam mong nakaasa kami ng anak mo sayo dba? Kaya nga todo pigil at tanggi ka noon pa na makapgagtrabaho ako dahil dun mo lang ako nahahawakan sa leeg, sa perang sustento.

JULY 2012..

Nag message ka pa at sabi mo..

“mahal na mahal ko kayo ni vrittany kahit ganito lang ang ginawa mo sakin”

“KAHIT ANONG MANGYARI IKAW ANG MAHAL KO TANDAAN MO YAN!”

“advance happy bday sana maging masaya ka na sa panibagong taon ng buhay mo”

Wow! ako pa tlga may ginawa sayo at ako pa ulit nakuha mo kunsensyahin at palabasing masama. nagdecide ako wag na ulit maniwala pa sayo at piliting maging masaya na lng tutal nagagwa mo nman ang obligsyon pagdating sa PERA. inisip ko na lng na kahit papano hindi naman kami nagugutom at hindi ko na kaylangan problemahin at iwan pa si vrittany para mabuhay kami pareho. Kahit palagi mo gingamit sakin yun at ginigipit, alam ko rin na hindi magtatagal yun dahil ugali mong manggamit ng sitwasyon at pagkakataon.

October 2012..

Nagdesisyon ako na umalis ng november dahil na rin sa gusto ko na talagang magsimula at maging maayos ang buhay namin ng batang palagi mong binabalewala. At sigurado at ramdam ko na may gagawin ka na namang hindi maganda. weird, pero walang palya ang panaginip ko na palaging nagsisilbing warning sakin kahit noon pa. kaya kaylangan ko na kumilos at magdesisyon kesa mag antay ng himalang magbago ka pa. Pero bago ko gawin yun sinubukan ko muna ulit na pakiusapan ka magbago. na maging maayos ang pamilya na natin na sinira mo ng husto. Nagsimula ako mag message sayo ng october pero puro pagmamalaki at pambabalewala lang natanggap ko sayo. Kilala na kita pag ganun ka. Ibig sabihin mayron ka nman milagrong ginagawa. dahil nauulit lang lahat ng nangyari at mga sinabi mo. hindi kita macontact.. ilang araw bago magreply.. at pagnagreply matapang pa at nagmamalaki.. at ginamit mo nga ulit ang talagang nakapagpa-alala sakin ng lahat.. “naiwan ko sa office ung phone ko kaya di ako sumasagot. ngaun ko lang nakuha, sarado office kasi holiday” Sigurado na ko kaagad at bilang ugali ko magimbestiga, naghanap ako ng katibayan.. nakita at napatunayan ko na naman na tama lahat ng mga hinala ko sayo. Pero hindi na ko nagsalita pa at tumahimik na lng.. nakiusap na lng ako sayo na wag mong pabayaan ang obligasyon mo sa bata at nagkunwaring walang alam sa ginagawa mo. Alam ko na pagnapahiya ka mas lalo mo lang kami gigipitin. Pinanghawakan ko na lang muna yung sinabi mo sakin na.

“hindi ako magpapabaya sa inyo. habambuhay ko na kayong obligasyon at hindi ko inisip na talikuran anak ko.”

Umalis kami at hinayaan ka na lng tulad ng hiling mong pabayaan na kita sa gusto mo. at sabi mo nga hindi ka na masaya. ganun din ako. Kahit gaano pa kasakit at kagusto kong maayos lahat, alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang magtiwala pa ulit sayo. at nahihirapan na rin ako magtiwala kahit kanino dahil sa mga ginawa mo. Nagdecide ako umalis na bago pa ko maging mas katawa tawa sa lahat lalo na sa pamilya mo. tutal binaha na rin kami sa lugar na yun at hindi mo nga nagawang kumustahin man lami kami o kahit ang bata kung buhay pa o inanod na. at pagod na ko sa mga paninira nila sakin. ayaw ko na ring makakita ng kahit ano o sino na makakapagpapaala sayo. yun lang batang kasama ko lagi araw araw torture na sakin dahil bawat araw nassasaktan ako. bawat minuto kahit anong gawin kong libang sa sarili ko.

NOVEMBER 2012..

lumipat kami ng bahay.. nagpilit magplano at makapagsimula.. Akala ko kahit pano bibigyan mo kami ng panahon na maging maayos man lng.. Dami ko sinimulan at inayos.. Okay na mga plano ko para samin dalawa.. pinipilit ko na lng balewalain ang kagustuhan ko makaalam ng tungkol sayo at makausap ka. Inisip ko na kung talagang mahalaga pa kami sayo ikaw ang gagawa ng way. Pero tulad ng inaasahan, balewala.. birthday, christmas at new year. OFFLINE. walang kahit isang message. so napatunayan kong tama ang naging desisyon ko. Tama lang na tigilan ko na katangahan ko. at pagpapakamartyr sayo bago pa tuluyang bumigay ang katinuan ko.

At ang pinaka bago sa lahat.. ang ginwa mo ng january..

JANUARY 2013..

kilala na kita at inaasahn ko na gigipitin mo ulit kami sa pamamagitan ng sutento mo para  ako ang komontak sayo.. Inantay ko lang pero tlgang naninindigan ka.. Hindi pa kami handa at naguumpisa pa lang ako ilagay sa ayos lahat ng plano ko para samin dalawa. Wala pa ko trabaho at hindi pa rin ako makakuha ng mapagkakatiwalaan kong mag-aalaga. Naubos na natitira kong pera at bayaran na nman ng lahat. nasayang ang mga naumpisahan ko dahil sa biglaan mo nman kami ginipit. Pera at effort sayang pareho. Sinibukan kita makausap pero iniiwasan mo lang ako. Kaya wala akong ibang choice kundi tumawag sa trabaho mo.. Pero ultimo yun ako lang nagmukang katawa tawa at masama.. Kinausap mo nga ako pero ikaw pa ang matapang at may lakas ng loob na murahin ako. nagawa mo pa kong takutin at pagmalakihan. Binaliktad pa at pinagbintangan ng mga bagay na ikaw ang gumagawa. Nakiusap ako sayo para sa bata. Nagmakaawa na wag mo kami biglain at hayaan mo muna kami makapgsimula.. humingi ako sayo kahit 1-2 buwan lang.. pero Award winning ang mga lines na ginamit mo sakin..

“ALAM NG BUONG PAMILYA KO NA MAY MAY KINAKASAMA KA NA -RIN-“

“KAPAL NAMAN NG MUKA MO KUNG AKO MAGBABAYAD NG BAHAY MO”

“HANGGANG KELAN KAYO AASA SAKIN?”

“WALA KANG MAPAPALA SAKIN KAHIT PISO”

“PUTANG INA MO VANESSA”

“KUNG GUSTO MO SUPORTAHAN KO ANAK KO DALHIN MO SYA SA PAMILYA KO”

“PINABAYAAN MO AKO”

“IBANG-IBA NA AKO NGAYON”

“WALA AKONG PAKIALAM KAHIT MALAMAN NYA, MADALING MAGHANAP NG IBA.”

“ISPIN MO NA LANG NA PATAY NA AKO” (sagot ko sayo: “sana nga namatay ka na lng!“)

gusto ko lang sagutin lahat yan ngaun.. kasi tinanggalan mo ko ng pagkakaton noon dahil binabagsakan mo ko ng phone pag ako na nagsasalita.

-Una matagal na kong bilib sa pamilya mo sa galing manira at gumawa ng kwento. Lahi nga kayo malamang ng author at mga direktor at mga best actor at actress.

-San ba nakatira anak mo? Dba sa bahay kung nasaan din ako? Mas makapal ang muka mo dahil nagagawa mong mabuhay na parang wala ka pang obligasyon at responsibilidad. Matagal ng nanay mo sumasalo ng mga dapat na ikaw ang gumawa at nagpoprovide. At hindi man tayo kasal ayon na rin sa kagustuhan ng pamilya mo dahil na rin daw sa application mo para makatakas, responsibility at obligasyon mo bilang lalaki na panagutan ako dahil sa pamimilit mong sumama ako sayo at may anak pa tayo. Pagsalitaan mo ko ng ganyan kung ako ang nagloko at pinabayaan ko ang anak mo.

-Bakit may expiration ba pagiging ama mo? sana sinabi mo bago mo ko pilitin sumama sayo.

-Kahit ilang milyon hindi mababayaran lahat ng pagdurusa ko dahil sayo.

-SAME TO YOU. kung nalaman ko lang na ganyan ka ka-sweet di sana noong time na palagi mo kong tinatakot sa pagpapakamatay mo TINULUNGAN KITA, kakantahan pa kita para masaya!

-Ano ba akala mo sa anak mo tuta? Nag-iinaso ka? Kung ikaw asal aso wag mo iparehas ang bata sayo.

-Pansin ko nga noon pa.. kung noon akala ko tao ka pero hayop ka pala. may sa hunyango ka.. pede kang aso, demonyo, depende sa kaharap kung sino at ano ka..

-Sayang sana narinig nya yang line na yan.. Proud na proud pa nman sya na dead na dead ka sa kanya. Hindi alam ng unanong hitad na ugali mo naman talaga sisihin ang mga nabibiktima mo pag nahuhuli kita.

-Kagaya nga ng sinabi ko na.. SANA NGA NAMATAY KA NA LANG, PARA MAS MASAYA!

okay balik tayo sa kwento.. Kahit anong pakiusap ko sayo hindi mo ko pinakinggan at naninindigan ka pa..at todo deny ka pa rin kahit huling huli ka na.. Kaya gumawa ako ng way para malaman ko number ng babaeng bansot na kulang na lang itago mo sa baul dahil hindi mo magawang maipagmalaki sa akin.. at hindi nman ako nagtataka kung bakit.. dahil bukod sa mukha at hubog lalaki na (girl version nga daw ni dagul sabi ng isa ring hudas), asal kanto boy pa. Mukang tindera lang ng tinapa sa talipapa. So ayun nakausap ko at sinubukan ko mapakiusapan ng maayos. Pero bagay nga kayo kasi imbis na mahiya eh talagang nagmalaki pa rin sakin. Parehas kayong ubod ng sinungaling at garapal. todo deny pa sya ng una pero kung mag-inaso sakin wagas. Nakuha pa kong kwentahan sa sustento mo para sa bata at tanungin kung saan napupunta? At ang pinaka the best pa eh ang utusan ako iprint screen ang usapan natin mula last year? Kung makapag imbestiga at tanong sakin akala mo ako pa ang sumabit? Nahiya nman ako ng sobra. And take note, puno pa bunganga habang nagsasalita at nagmamalaki sakin. Di pa nabulunan.

So ayun ilang araw din ako nakikiusap sa inyo at wala kayang ginawa kundi pagtripan pa ko at kaylangan tlgang nka three-way tayo at pag hindi sya kasali hindi tayo pede mag usap.. At nagawa nyo pa ko babaan paulit ulit habang naglalandian kayo at pinaparinig nyo pa nga sakin dba? habang nakikiusap ako ng para sa bata? sabay proud na ipasend sakin ang account na ginamit ko sa “rencedee34” na account mo for her.. ibang level ang tigas ng sikmura at kapal ng muka nyong dalawa. bagay na bagay. May mga pagtawag pa sya sakin tuwing madaling araw para umiyak lang at magtatanong lang ng kung ano ano na wala nman syang karapatan pa malaman. pinayuhan at tinanong ko pa sya one time kung lasing ba sya at ang sagot nya hindi daw sya umiinom pero sa mga picture nyo that very same night after ng tawag nya ng madaling araw sakin puro kayo inuman at may hawak pa syang tagay nya. Lakas ng tama sa ulo. At ang pinaka umubos ng pasensya ko ay ang huling tawag nya na sinagot ko. pinagtitripan nya ko at ng mga barkada nyo.. pinagmatapangan ako sinigawan na sagutin ko ang tanong nya sakin. lakas ng loob porke malayo, swerte nya at nawalan na ko ng gana talaga, mayabang pa ko sinabihan na.. “edi sya kausapin mo tingnan nating kung sagutin ka.” binagsakan ko na lng kesa ibaba pa sarili ko sa kalevel lang ng aso.

(sa isip ko tawa ko lang sayo sa huli at nangyari nga.. nagmamakawa makausap lang ako.. PATHETIC. )

Kaya pinili ko na lang na pabayaan na lang kayong dalawa. Tutal bagay kayo at nagawa mo syang ipakilala sa buong pamilya mo ng hindi man lang nagawang iconsider makipag hiwalay muna sakin ng maayos. Wala ako kahit konting respeto na nakuha mula sayo. kahit bilang tao. Sobra-sobrang insulto at pambabastos ang ibinigay mo. Kung may pakialam ka sa bata alam mo nman kung pano, saan at maraming way para macontact ako. Hinayaan na lang kita kung magbibigay ka o hindi. Dahil ultimo mama mo pinakiusapan ko na sabihan ka para sa pag-aaral ng bata pero hindi daw ang sagot mo. So pinilit ko umisip ng paraan para mabuhay kami at mapag-aral sya ng walang tulong mo.

lahat ng pede ko gawin at kausapin ginawa at kinausap ko. Nataranta ako sa pagdedesisyon para hindi kaming magmukang kawawang dalawa. Ayaw ko kayong bigyan ng kasiyahan na makita akong nagdurusa at bigyan kayo ulit ng dahilan para insultuhin, maliitin at pagmalakihan ako. Habang nagpapakasaya ka at nabubuhay sa makasariling paraan at ugali mo kasama ang impaktang walang ginawa at tigil para naman sirain ang mood ko. Panay ang tawag at text noon sa broadband ko.. nagpalit ako ng number pero pati email at facebook ko denidelubyo ng demonyitang kasing sinungaling mo. Pinilit ko balewalain at wag magpaapekto. pero sa hirap ng sitwasyon namin at sa dami ng iniisip at ginagawan ko ng paraan at higit sa lahat ang makitang mas nagdurusa sa sitwasyon ang batang palaging mas apektado sa lahat. Hindi ako makakilos at makagawa ng paraan ng hindi ko kaylangan unahin at isipin ang magiging sitwasyon nya. Pinilit ko kayanin pero lalo lang naging magulo. Sa dami ng nangyayari dumagdag pa kayong dalawa lalo na yung impakta mong parausan. Sinubukan ko makipag ayos sa inyo at inisip na baka mas mabuting isantabi ko na nga lng ang galit at pride ko para sa bata.. pero useless.. ganun pa ring malaking pagkakamali lang ulit.. hanggang sa magdesiyon akong pumayag at magtiwala sa panibagong ahas lang pala. dahil lang sa kagustuhan ko magawan ng paraan ang sitwasyon namin. nagdesisyon ulit ako lumapit sayo para sa batang naiipit, at nakakaranas ng hindi maganda at nagtitiis ng gutom nitong huli dahil lang sa sitwasyong resulta ng pagkamakasarili mo. Pero ano ulit napala ko? Ang insultuihn at sisihin? Ang pagmalakihan at pagyabangan? Halos isang taon ko ding pinilit kayanin hindi ako sumuko at naging makasarili tulad mo. hindi sarili ko ang inilalapit at hinihingi ko ng tulong sayo kundi ang batang sariling dugo at laman mo rin. Hindi kita susumbatn kung hindi mo ko iniinsulto at sinisi sa mga naging desiyon ko na ikaw lang din naman ang may kasalanan kung tutuusin dahil hindi mo ko binigyan ng chance at oras para makapag desisyon ng maayos. Inilagay mo kami sa sitwasyon na wala akong pagpipilian kundi patulan kung ano lang ang meron. Hindi ko ikinagalit ang pagsali mo sa kung ano at at wala akong pakialam pa sa bawat activities mo. ang garapalang pangbabalewala mo ang ikinaubos ng pasenysa ko. Pede ka mag message at maglaan ng oras kung gugustuhin mo. o pede ka magiwan ng message na makabuluhan kesa walang kwentang hindi naman sagot sa tinanong ko.maraming paraan pag gusto at maraming dahilan pag ayaw lang. At ako napakarami kong nagagawang paraan habang ikaw mula noon puro dahilan. At wag mo rin ako tanungin kung ano gusto ko. Nagsabi ako sayo at puro hindi sagot mo. Nagsabi ka sakin ng opinion mo, hindi na ko nakipagtalo, tinaggap ko at pumayag ako. pero sa huli binaliktad mo ko ulit at nakikipagtalo ka sa desiyong sayo mismo galing. Nagsimula ka ng umiwas at magdahilan. halatang nananadya ka. dahil ang totoo ang gusto mo lang naman ay ang mapahirapan ako at mapagmalakihan. wala kang kakayahang paninidgan ang kahit na ano na mahirap para sayo. Ikaw ang sumisira sa pagkatao ko. Sa tindi ng ginawa mo sakin hindi ko na magawang macontrol ang galit ko pag dating sayo. At nageenjoy ka ng husto dun. Yun ang ego booster mo.

Hindi ko jinustify ang palagi kong pagbuhos ng sama ng loob ko sayo.. alam kong isa yun sa mga naging dahilan kung bakit naging mas magulo tayo.. pero ikaw lang ang inaasahan kong magiging kakampi ko sa lahat at poprotekta. pero ikaw mismo wala ng ngang nagawa, dinagdagan at hinigitan mo pa ang lahat. Sakripisyo at pagtitiis? ano alam mo dun? Compare mo sitwasyon namin sayo.. Ikaw ang gusto mo makapagpundar ng kotse.. ako ang mapag-aral ang anak mo.. Alin mas importante? Alam mo pakiramdam ng makita syang walang maayos na tsinelas at sapatos? Ang magkasakit pero kaylangan mo tumayo kada minuto para sa batang kasama mo? At isinusumbat mo sakin ang pagpapahirap ko kuno sayo at sa bata? Sino ba satin ang mas nagpapahirap kanino? pinagtaksilan ba kita? Kung hindi mo ko niloko magkakagnito ba ko? Ikaw lang ba ang nahirapan sa relasyon natin? Kung ang lahat ng hirap ko sa pagsasama natin ginawa ko ang ginawa mo? Hindi mo ba ko isusumpa? pagkakatiwalaan mo pa ba ko? Kung ako ang anak nanay mo? pareho din kaya sasabihin nya sa mga ginawa mo? at kung ikaw ako? Magagawa mo bang magtiis ng kasing tagal ng pinagtiis ko at manindigan sa tabi ng anak mo? sagot HINDI. dahil MAHINA KA.

sa tingin mo ba talaga mas may makakahigit ng mga nagawa at pinagtiis ko para sayo? at makakatagpo ka ng babaeng hindi iimik sa mga katarantaduhan mo? totoo ang sinabi ko na kaya kong palitan ka kagaya ng ginawa mo at higitan lahat ng pananakit mo sa loob ko Madali magloko. madali magpakasaya. at maging makasarili. pero hindi ako katulad mo dahil mas inisip ko ang anak mo.

PERO IKAW? Pano mo nagagawang balewalain ang sarili mong anak? Pano mo nagagawang tiisin sya at hindi malaman kung nagugutom o may sakit? Pano mo nabalewala ang karapatan nya makapag-aral? Pano mo nagawang itago at tanggalin lahat ng contact sayo sa kabila ng alam mong dalawa lang kami at pareho pang babae? Paano mo nagagawang isisi sakin lahat ng sarili mong pagkakamali at pagiging makasarili? Paano mo nagagaawang magmalaki sa kabila ng lahat ng sinira mo? Paano mo nagagawang manloko at magsinungaling na parang balewala lang kahit nakikita mo na kung ano resulta at ano epekto sakin at sa batang nadamay ng walang alam? Paano mo ako nagagawang sirain sa paningin ng lahat? paano mo ko nagagawang lokohin ng paulit ulit sa kabila ng nakikita mong paghihirap at pagdurusa ko ng dahil sayo? Paano mo kaming nagawang talikuran at ipagpalit sa kabila ng lahat ng mga pinangako mo? Pano mo ko kami nagagawang pahirapan at pabayaang patuloy na mahirapan kahit na may magagawa ka para matulungan kami? Paano mo nagawang balewalain ang mga hirap, iyak at pagdurusa ko dahil sayo? Paano ka nakakapagsaya, nakakatulog at nakakain ng hindi inaalala kung ano lagay namin o kahit ang sarili mong ank? Paano mo nagawa lahat sakin at sa anak mo mismo ang lahat ng ginawa mo at patuloy na ginagawa mo? SIMPLE LANG SAGOT SA LAHAT ULIT DIBA? DAHIL MAKASARILI KA AT WALA KANG PAKIALAM.

Solong katawan ka na nga lang at pera na lang ang obligasyon mo pero kahit yun gusto mo pa takasan. syempre mas madaling solusyon sayo ang tumakas.. hindi mo kayan problemahin ang kuha samin. Tipid ka na sa gastos, magagawa at makukuha mo pa gusto mo. Hindi mo kaylangan magpakahirap ibalik ang tiwala na sinira mo. Mas madaling kalimutan na lang lahat at magpapalit-palit. Enjoy ang buhay na walang pakialam.

KULANG PA BA YAN KASAGUTAN SA MGA TANONG MO? KUNG BAKIT AYAW KO NA PUMUNTA SA PAMILYA MO? KUNG BAKIT GANITO NA AKO? SINO TOTOONG MAY TOPAK? SINO ANG WALANG PANG UNAWA? AT HIGIT SA LAHAT SINO ANG MAS HIGIT NAGDUSA?

Sa bawat away at sakitan natin may isang batang takot na takot. Takbo dito, takbo doon para magtago. Sa mura niyang edad (1 year old) pinipilit niyang iligtas ang sarili niya sa nakikita niya. Palagi siyang naiipit at nasasaktan tuwing pag-aagawan siya. Napupuyat at nagigising sa takot.. Nag-birthday siya ng 2 na wala ka dahil hindi ka marunong makunsensya at mas inuuna mo ang iba.. Naranasang lumaboy at magutom.. Makitulog kung saan saan. Lumaki siya na puro away, sakitan, murahan at iyak ng ina  ang nakikita niya. Pag minalas, madadamay pa sa galit. Hanggang sa huli’y  siya pa rin ang mas higit na nagdurusa. Hindi nakapag-aral.. sabik sa atensyon… at ngayo’y magiging ulila na nang tuluyan.

Enhanced by Zemanta

1 Comment

  1. Alam mo, pagpuro dahilan(palusot, sinualing) ang tao, lalo na pagnasa labas siya, or magkatext kayo yesterday then the next day biglang walang paramdam. sign na un na nasa labas siya, may kasama siya at ang kadalasan na dahilan ay lowbat. so gets na un. magpaparamdam lang siya pagnasa bahay lng siya or magpapasama, etc. iwan mo na. makakahanap ka pa ng mas higit sa kanya. goodluck sa future relationship.

Leave a Reply

Your email address will not be published.