Kung bakit malabong kausap ang mga Pinoy (The Ultimate Wapak Edition)

eto dos, bili ka ng kausap mo

The ultimate wapak edition?catchy ba? Naisip ko kasing lagyan niyan para isipin mong may sense yung blog ko. May kunting kiliti.Kakaiba. May adrenaline rush.Parang carbon sa soda,may espiritu. Parang hotdog na inipit sa pagitan ng dalawang hita, may protina.

Para ding yong pamagat ng mga pelikula noong dekada nobenta na laging may nakabuntot na subtitle; Anghel Molave (Sa dugo ng isang balang pumatay), Kidlat ng Maynila (Joe Pring 2), Boyong Manalac (Hoodlum Terminator) at kung anu-ano pang pinaglumaan ng tiyuhin mo.

Okey so balik tayo sa title ng blog ko; bomalabs nga ba talagang kausap ang mga Pilipino? Depende siguro sa dalawang taong nag-uusap;sa tinatanong at nagtatanong. May mga tanong kasing puwede na nating deretsang sagutin, pero mas pinipili pa nating maging confusing ang usapan. Yung tipong mga life and death situation tapos sasagutin ka ng pakupal na halos malaglag na sa floor yung utak mo. Bakit? Takot magkamali? Nahihiya? Tinatamad mag-isip? Hindi naman right minus wrong ang batas ng kalikasan. Nasa kultura? Ganito daw tayo lagi kausap eh, paasa at play safe. Mas masarap pang kausap yung mga lasing. Mas may sense pa eh. Magmula sa mga namumuno sa gobyerno hanggang sa pakikipaglandian mo sa crush mo sa facebook, lahat yan magulong usapan, MU. Walang gustong pumusta ng bayag para manindigan at sabihing “oo,keng ineng yan, panget nga ako, pero mas kick-ass panget naman kayo!” Eh paano na pala tayo uunlad niyan eh kung yung punyemas nga na pakikipag-usap natin eh magulo pa sa balbas ng arabo? Hindi ka naniniwala?Sige, narito ang ilang halimbawa.

1.) A: Saan punta mo?…

B:“Diyan lang..”

Diyan lang? Diyan mo lang napulot sa kanal ang utak mo? Anong gusto mong palabasin? Na masyadong confidential ang lakad mo kaya ‘di mo masabi, tipong may ka business meeting kang mga alien sa Taguig? Hindi mo ikaka-cute yung pag papa-hard to get mo nang minsan.

2.) A. Hala paano na yan?…

B.“Bahala na si batman”…

Lagi na lang tayong umaasa kay batman. Talo niya pa yung mga santo sa purgatoryo. Kung need mo pala ng superhero na tutulong sa lahat ng mga desesyon mo sa buhay, aba nandiyan ang avengers, anim pa yun, ewan ko na lang.

3.)A:Kailan ka magpapainom?…

B:“Titingnan natin..”

Ooh pucha sige try mong titigan yung bote ng red horse, pag ikaw nalasing, sasampalin kita ng napkin sa mukha, nagkukuripot ka na namang hudas ka.

4.) A.Ui bago selpon ah,how much?…

B: “Mura lang..”

Ah okey so put*ngina mo to the moon and back?Mura lang pala eh.

5.) A.Ui kelan na tayo kita?…

B: “Next time nalang..”

Ahh sa kabilang buhay nalang?Di bale sagot ko na ang kape at polvoron sa burol mo. Magbabaon din ako ng mga pamatay na jokes, tipong lahat ng tao sa lamay mo eh siguradong maiiyak sa kakatawa.

6.)A:Matatapos mo ba yung pinapagawa ko sayo?…

B:“Gagawan ng paraan..”

Teka, paraan ba ikamo? Mangho-hostage ka ng burger sa mcdo? Mag mamassacre ng 10 chicken joy sa jollibee? Mag-oonline sa facebook maghapon?Tapos magtataka ka pa niyan kung bakit hindi ka na po-promote?Eh kung tadyakan kaya kita with feelings.

7.) A.Anu papasok pa ba tayo?…

B. “Ikaw?…”

Yang “ikaw?” na yan ay walang pinag kaiba sa isang hot na babae.Mapanukso.Mapangahas.Ilalagay ka sa alanganin.Lalandiin ka dahil alam niyang kulang ka sa motivation sa buhay.

8.) A.bro sinu-sinong mga barkada natin na nandiyan na?…

B. “Kami lang dito…”

Wow heavy,wala bang name tag na nakadikit sa noo nila?Eh try mo kaya magpa attendance tapos mag roll call ka then usap tayo ulit.

9.) Bff:Sis guwapo ba yung bagong bf mo?…

Ikaw: Mabait.Lima yung kotse.May crocodile farm.Yung loob ng bahay nila may escalator tapos yung kurtina gawa sa tig-iisang libo..

#Bitchplease!#MedyuHipon

That face...
That face…

10.)A.Puwede bang tulungan mo ako mamaya sa paper works?…

B.“Ayos lang…”

Ayos lang?…ayos lang ba kung hindi? Kasi pagod ako kanina sa biyahe,nakipag trip to jerusalem ako sa mga jeep at nakipag patintero ako sa mga sasakyan sa edsa kaninang umaga. At habang nasa daan ako, may dalawang lalake ang dumikit sakin,parehong may patalim. Inipit nila yung bag ko at dinala ako sa medyo hindi mataong lugar. Tinanong nila ako kung ‘bukas o bukaka’. Sa sobrang takot ko,bukaka yung nasabi ko.Inulit-ulit nila yung tanong, mga sampung beses yun pero pareho lang sinagot ko sa kanila. Tapos bigla nalang silang umalis, pinakyuhan ako nung isa tapos yung isa nasuka. Kaya na stress ako. Magpapatulong ka pa?

o.....tapos??..
o…..tapos??..

11.) A. Asan ka na ba??..

B. “Malapit na…”

Saan daw yun? Malapit na? Malapit na sa bunganga ng bulkan? Itong kaibigan mong to ay walang pinagkaiba sa ex mo, ang hardcore magpaasa. Paulit-ulit niyang sasabihin sa iyo ‘yan hanggang sa ikaw na ‘yung magmukhang makulit sa inyong dalawa. May upgraded version pa yan, si “dito na”.

12.) Magpapagamot:Magkano po?

Mangkukulam:“Bahala ka na lang..”

Bahala? Meaning kahit magkano?Kalokohan! Pag nagbigay ka naman ng mamiso o ‘di kaya ng isang supot ng rambutan, susuklian ka pa ng matatalim na titig. Sa sobrang talim, pati konsensiya mo mahihiwa.

13.) A.Ui kumain kana? Tara kain tayo…

B.“Sige lang…”

Dalawa lang yan. Either nahihiya ka lang at pabulong mo siyang sinumpa ng ‘kaya hindi magka boypren eh masyadong masiba sa pagkain’ o nababadtrip ka sa ideyang niyayaya ka nga niyang kumain, pero halos ayaw niya namang ipakita sayo yung ulam.

14.) Nanay:Bakit panay 5.0 at INC itong grades mong bata ka??!!!

Ikaw: Nay kilala mo ba yung ka klase kong si Kuracha? Ayon nabuntis daw ng bf niya. Ang malala pa dun, drug addict yung lalake, nagalit kaya binalatan siya ng buhay,  tapos pinatuyo sa likod ng ref.

Nanay: Juice colored kawawa naman.Kumain ka na ba?

Minsan yung malabong sagot ay maaaring maging life saver mo.

15.) A.Kelan ka ba magbabayad ng utang mo?

B. “Sa makalawa..”

Sa makalawang buhay? Malaki na ang magiging interes nun. Sa darating na Lunes? Hindi nauubos ang lunes sa kalendaryo. Next na sahod? Hindi ka pa bayad sa paluwagan mo. Next month? Next year? Dumadami na yung crush ko hindi ka pa rin nagbabayad ng utang mo.

16.) A.Hoy sis galit ka ba?

B.“Di naman…”

Anu yan? Medyu oo na medyu hindi oo? Ang labo! Pero kung pagninilayan natin ang component ng salitang yan eh ganito; 90% nagsusumigaw na OO at 10% na pa mysterious effect.’ Di naman’ is short for “Oo sobrang galit ko sa ‘yo, sagad hanggang birthday mo! Kundi ka ba naman malandi, pati tatay ko sinubmarine mo!! Ngayon magtatanong ka sa kin kung galit ako na impakta ka!..

Kaya kung balang araw, ibato sakin yung tanong na “Paano mo nasabing magulo kausap ang mga Pinoy?” sasagutin ko yan ng ganito; Di naman. Ayos lang. Creative lang talaga sumagot tayong mga Pilipino. Ayaw natin ng isang tanong lang, gusto natin may follow-up question kaagad na “di nga, tinatanong to nang maayos eh”,”huh,anu na nga potaaah?” .Hindi naman siguro ‘to isang epidemya na wala ng lunas. Hindi rin naman siguro ‘to masyadong big deal in terms of socioeconomic status. Eh anu kung malabo tayo sumagot?Ganun pa din eh. Gigising ka sa umaga na sumisikat yung araw sa silangan. Gigising ka, mag-iisip kung paano mo nanaman lalabanan ang naghuhuramentado mong sikmura.Pero kung uhaw tayo sa pagbabago ng sistema ng pangkalahatan,siguro dapat magsimula muna tayo sa maliliit na bagay,sa sarili natin.Wag mong isipin yung ibang tao,kung gusto mo ng pagbabago,simulan mo tapos bukas eh……bahala na si Batman.

—————————————-RIP——————————————————–

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/