Kumusta na kayo ng EX mo?

Image from SayingImages

Siguro ngayon, nahihirapan ka pa ring makalimot. Hirap ka pa ring maka-move on kasi, si EX pa rin ang lagi mong naiisip at bukambibig. Pero ang totoo, niloko at sinaktan ka lang niya. Pinaniwala sa mga matatamis niyang pangako na sa huli ay pawang mga kasinungalingan lang pala.

Kaya marami tuloy ang nagtatanong sa ‘yo: “Bes, hibang ka na ba talaga?”

Aminin mo man o hindi, ang laki mong BOBLAKS dahil ayaw mo pa ring mag-let go. Umaasa ka pa rin sa isang imposibleng bagay na sa umpisa pa lang ay alam mo nang hindi na mangyayari pa.

Kaya tama lang na sabihan ka ng mga friends mo ng ganito: “Bes, tama na. Gumising ka na sa katotohanan. Hindi ka na babalikan ng ex mo!”

Masakit sa pandinig, pero totoo, ‘di ba?

There are things in life that are hard to accept. There are situations that even if we know it won’t give us happiness anymore, kumakapit pa rin tayo. Ayaw nating bumitaw. kasi nahihirapan tayong tanggapin sa sarili natin na wala na ‘yong taong nagbigay dati ng kulay sa mundo natin. ‘Yong taong parte na lang ng nakaraan mo, at hindi na kailanman magiging bahagi ng kasalukuyan at hinaharap mo.

Si ex na hindi na ikaw ang mahal. Si ex na nang-iwan sa ‘yo sa ere. At si ex na kahit niloko ka, ayaw mo pa ring palayain sa puso mo.

Pero hanggang kailan ka mananatiling hibang at baliw sa taong nanloko sa ‘yo? Hanggang kailan mo mari-realize na it’s about time to face your own life without thinking of your ex?

Alam ko, hindi madali ang lahat ng  ito. Walang madali sa pagmu-move on, lalo pa’t nagmahal ka nang lubos. ‘Yung feeling na binigay mo na ang lahat, kasi ganu’n ka magmahal. You love without thinking about the consequences of being too much in love. ‘Yong tipong hindi mo na nakikita ‘yung worth mo bilang ikaw. Kasi, naka-focus ka lang sa taong mahal mo. Kaya at the end, ikaw ngayon ang nasasaktan at nagsa-suffer nang husto.

Pero huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Take this experience as a big lesson for you. Isipin mo na kapag dumating ang araw na naka-move on ka na, mas matapang at maingat ka na kumpara noon.

At kapag dumating ang araw na naghilom na rin ang sugat at may nagtanong sa ‘yo ng: “KUMUSTA NA KAYO NG EX MO?”

For sure, masasagot mo na ‘yan nang walang bitterness, walang galit sa puso at higit sa lahat, na puno ng kumpiyansa sa sarili.

E ikaw, KUMUSTA NA KAYO NG EX MO???

 

 

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!