Kritiko ni PNoy

pnoy2Sa mga kritiko ni Pnoy na nambabatikos at walang pakundangan kung makapanlait. Pati pagkatao ay isinasama sa panlalait sa kanya. Ang iba, tinatawag siyang ABNOY, Panot etc. Saan na nga ba napunta ang mga pinag-aralan ninyo?
Kayo ba ay nagsisimba pa tuwing linggo?
Kilala n’yo pa ba ang Diyos, nagdadasal pa ba kayo?
Proud ba kayong tawagin ang sarili ninyo na Pinoy o Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa kung ganyan ang pag-uugali ninyo?
Ultimo Presidente ay binabastos na ninyo, nasaan na ang salitang respeto?
Mukhang nawala na nga ang kabutihan na tinataglay at itinuturo sa atin ng ating mga magulang.
Kung makalait kayo kay Pnoy, para bang ang laki-laki ng naiambag ninyo sa kaunlaran ng ating bayan.
Puro kayo reklamo at sisi sa presidente, kayo ba ay may nagawa para sa bayan?
Mataas na ba ang narating mo?
Kaya mo bang pantayan o higitan ang nagawa ni PNoy?
Si PNoy may pinag-aralan, buong puso na naglingkod sa bayan. Ginawa ang lahat upang umunlad ang bansa. Sa  abot ng kanyang makakaya ay naging huwaran siyang presidente at tunay na maipagmamalaki dahil hindi siya corrupt at kailanman ay walang bahid ng dumi ang kanyang mga kamay. Bakit, may nabalitaan ba kayo na ninakaw niya? May kaso ba siyang graft and corruption?
‘Di ba wala!?
Gusto ko si PNoy dahil hindi siya corrupt, gusto ko si PNoy dahil ibinangon niya ang Pilipinas.
Noon, inakala ko na ang lahat ng pulitiko ay magnanakaw dahil lumaki ako na naririnig ang paniniwala na nagsasabi na lahat naman ng pulitiko ay magnanakaw.
Pero noong umupo si PNoy sa pwesto bilang pangulo ng bansa, binago niya ang paniniwala ko. Hindi n’yo ba naramdaman ang pagbabago?
Malamang hindi ito nararamdaman ng mga kritiko niya na walang ginawa kundi magreklamo.
Walang ginawa kundi mambatikos kay PNoy. Hindi mo mararamdaman ang pagbabago kung habang buhay mong tinatakpan ang mata mo upang hindi makita ang katotohanan na malaki na nga ang pinagbago ng bansa.
Para sa mga mabababaw ang pang-unawa at walang respeto kay Pnoy.
Hoy! Gumising ka!
Bakit hindi mo harapin ang salamin nang makita mo kung ano ka kumpara kay Pnoy. Sino ka ba para manghusga o laitin ang isang presidente na siyang gumawa ng kasaysayan sa ating bansa?
Kung hindi kayo kumbinsido o kuntento, sa susunod na halalan ay tumakbo kayo at nang malaman ninyo kung paano maging presidente.
Ang tanong, kung mananalo ba kayo?
Ang hirap kasi sa ibang kababayan natin, kung makahusga, WAGAS.
Kung makapanlait, WAGAS, hugas kamay naman sa huli aba’y para na kayong si HUDAS!
PILIPINO TAYO. IISA ANG BANSA NATIN. MATUTO TAYONG RUMESPETO.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.