Knocking Blow

11/28/2013 2:57:04 PM
(Photo Credit:  gmanetwork)

Ang labo din ng BIR no?

Teka, malabo nga ba? Bakit ko nasasabi ang mga ito? Pansinin.

Wala pang bente-kwatro oras matapos ang kanyang mala-epikong pagbabalik sa eksena ng boxing supremacy ay may isang malaking knock-out blow na ipinutok kay Manny Pacquiao. At hindi ito usapin ng kung sinong mapangahas ang naghahamon sa kanya para sa kanyang susunod na laban. Ano ang tinutukoy ko? Ito lang naman: ang laban sa “buwis.”

Tama ang isang pilospong nagsabi nito: “sa buhay natin, dalawang bagay ang hinding-hindi natin kayang takasan – ang kamatayan, at ang buwis.”

Pag nagtrabaho ka at sumahod, mayron kang binabayarang buwis. Kapag ikaw ay bumibili ng mga produkto, meron ding buwis sa pamamagitan ng VAT. Unless kung informal settler ka o kung nangungupahan ka (siyempre, bahala na ang landlord o landlady mo dun), ang tinitirhan mo, babayaran mo rin ng “real estate tax.” Oo, halos kahit saan, may buwis na binabayaran.

Oh, ang sa lagay ba, pinupulitika ba ng mga taga Kagawaran ng Internas Rentas si Pacquiao? Hindi raw, siyempre ide-deny yan. Pero malay mo, baka wala naman talaga. Eh kaso kasi, timing eh. Kung kelan siya planong mamahagi ng tulong sa mga nasalantang kababayan, kung kelan siya nanalo, kaya ang dating tuloy ay… ganyan.

To the extent na 2.2 bilyong piso pa ang utang ng pambasang kamao, at mahigit 1 bilyon lamang ang na-garnished ng BIR sa kanyang mgabank account. Kaya ito naka-freeze. Damay pa nga ang mga account sa bangko ng asawang si Jinkee (ke “conjugal property ba iyan?”). At kahit nga daw ang bahay ni Aling Dionesia, damay. Kelangan ding bayaran. Maliban pa yan sa samut’t saring ari-arian niya.

BIR nga naman no? Lahat hahamakin makuha lang ang pera. Hmm, madaling magsabi ng ganyan. Pero bakit nga ba nagngangawngaw ang mga taga-BIR? Taon na raw kasi mula noong unang winarningan si Pacman ukol d’yan. Sabagay, parang minsan ay narinig ko na ang balitang ‘yan eh. Manatkin mo kasi, noong (circa) 2008 yata ay siya ang pinakatop taxpayer sa bansa nun nang bigla siyang umadsad sa ranggo sa sumunod na taon dahil sa napakababa na ang buwis na binayaran. Sa madaling sabi, mahaba-habang panahon na raw kasi mula noong una itong binigyan ng babala. At hindi raw nakinig si Pacquaio? Baka busy lang, eh kelangan niya na maging puspusan ang training nun eh. Pero sa batas kasi, no ifs and no buts. In short, bawal ang tinatawag na “excuses.”

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.