Kilala Nyo Ba si Miss Angel Locsin?

angellocsinSiya ay ipinanganak noong April 23, 1985 at pinangalanan siyang Angelica Colmenares o Gel ang kanyang palayaw sa kanyang mga kaibigan. Pero nais ko lang itanong kung kilala ba ninyo ang tunay na babaeng ito? Karamihan sa mga bata ay kilala siya bilang si Darna noong siya ay naguumpisa pa lamang sa kapuso channel  at ngayon ay nasa Toda Max na siya ng kapamilya.

Sa ganda ng kanyang mukha at hugis ng katawan ay sigurado akong walang lalaking hindi naghangad na sana ay makilala o maging kaibigan nila o mas higit pa si Miss Gel. Pero parang nakakatakot kasi lapitan dahil sa imahe na kanyang napapakita sa larangan ng putting tabing. Parang isang mataas na pangarap ang makilala o langit na kay hirap abutin ang mga katulad niya. Na baka sa totoong buhay ay mahirap malapitan man lang.

Isipin na lang natin na isa siya sa mga kilalang endorser ng mga mamahaling pantalon at damit, Cover ng mga sikat ng magazine at mga pelikulang kumikita. Nauugnay din sa mga sobrang guwapong mga artista o atleta na kung ikukumpara sa itsura natin ay parang ang hawig lang doon ay ang parehong kasarian.

Pero hindi alam ng karamihan na si Miss Angel pagkatalikod sa mga ilaw ng showbiz ay isang taong totoo. Hindi mayabang at higit na may puso sa mga katulad natin. Akala natin na isa siyang lagging mas komportable na nasa pedestal pero mas komportable siya kapag tapos na ang palabas at nagiging ordinaryong tao na siya na humahanga sa galing din ng ibang tao.

Naalala ko yung si EfrenPenaflorida na siyang pinarangalan ng CNN noong mga nakalipas na taon sa ginawa niyang pagbibigay ng edukasyon doon sa mga batang naliligaw ng landas o kapus palad sa bandang Cavite sa pamamagitan ng kariton na puno ng libro. Parang nasambit niya na ang hinahangaan niyang artista ay si Miss Locsin at pinaunlakan naman niya at akala natin na magiging isang fairytale na love story pero nauwi naman sa magandang pakikipagkaibigan.

Noong panahon ng bagyo Ondoy at Yolanda ay nandoon din siya na tumutulong sa pag-impake ng mga ipadadala sa mga nasalanta at ayaw niyang malaman ng mga tao kung kaya nagkukubli pa siya ng sombrero o nakajacket pero sa ganda niya ay talagang mapapansin siya. Sa napanood ko kahapon sa isang palabas ay naikwento noong isang host na habang break time ay hindi nila napansin na nawala si angel at nandoon at nakikibalot din. At ng siya ay purihin ay makikita mo ang kanyang sinseridad at simpleng ngiti lang ang sagot niya.

Habang ang ibang mga artista ay nagbebenta ng kanilang mga “pre-loved” items, siya ay nandoon na at umaaksyon. Hindi kailangang ipagsigawan ang kanyang ginagawa , at kung maaari ay ayaw niyang malaman ang kanyang pagtulong.

Siya si Angelica o Angel, iilan sa ating mga tinitingalang artista na totoong tao. Iyan ang masarap tularan ng ating mga kabataan, maganda na at malinis ang puso at hangarin. Saludo ako sa iyo, sana dumami pa ang katulad mo!

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.