“Kengkoy Pilipinas Debate”

Photo credit to owner (Youtube)
photo credit to owner;
photo credit to owner;

Pilipinas Debate, habang nasa biyahe ako ng bus, nakita ko sa newsfeed ko sa Facebook, Twitter, na puro Pilipinas debate ang nasa topic.

Kinagabihan, kahit na hindi ko napanood ang livestream kasi late naman ang oras dito, sinubukan ko na panoorin ang Second debate kung saan ginanap ito sa UP Cebu.

Napanood ko rin ang unang Presidentials debate na ginanap sa Cagayan de Oro at ito’y naging maayos naman.

Ang unang debate ay kumpleto silang lahat, pero sa pangkakataong ito ay wala si Presidential Candidate Miriam Santiago.

Marami ang naging haka haka ng mga Netizens sa social media na umurong na si Miriam sa pagtakbo sa kanyang kandidatura. May mga larawan na nakasuot si Miriam ng Tshirt ni Duterte. Maraming ispekulasyon na naggive way na raw si Miriam para suportahan si Digong.

Maraming mga katanungan ang sambayan Pilipino kung ano na nga ang status ni Miriam. Marami ang nakakapansin kay Miriam na halos ‘di siya makita na nangangampanya.

Ano kaya ang dahilan bakit wala siya sa debate, hindi kaya dahil sa kalagayan niya sa kalusugan?

Sa ngayon ang tanging nakakaaalam kung ano kalagayan ay ang mga malapit sa kanya. Pero ganun pa man, para sa oipinon ko, siguro unahin na muna ni Miriam na isipin ang kanyang kalusugan at kung ano ang makakabuti sa kanya. Pwede naman siya maging kabinete kung manalo si Digong.

‘Di ko pinalampas na panoorin ang pangalawang Debate, at sa opinion ko lang naman, parang magulo ang pangalawang debate. ‘Yung unang debate, sa tingin ko mas  maayos ang coordinasyon ng Comelec at lahat ng mga Presidentiables. Naging maayos ang unang debate kung saan ang GMA network ang nag Host. Pero sa tingin ko ngayon medyo magulo, at parang maraming naging aberya. Aside na wala si Miriam at maging si VP binay ay nahuli sa oras at ‘yun nga hindi naumpisahan agad.

Mapapansin mo na sa una palang para na silang Kengkoy, at parang mga  bata na nag aaway at nagtuturuan at naglalabasan ng mga baho at mga palpak na nagawa nila. Una palang di mo malaman kung ano ba talaga rules, pwede ba magdala ng kodigo? nakakalito kung ano ba talaga ang rules. Hindi naging malinaw at kulang sa koordinasyon ng comelec at mga presidentiables.

Please ayusin ninyo naman, bilang manonood  sana umpisahan ninyo ng tamang oras.Umpisahan ninyo ang debate nang ayon sa pinag- usapan, huwag yung iba iba ang rules at pati kami mga viewers naguguluhan sa inyo. Sana sa susunod na debate mas maging professional naman kayo, kayo pa naman ang ang may mataas na pinag-aralan at pinakamataas na pwesto sa bansa ang inyong hinahangad.

Pansin ko at siguro napansin ninyo na rin na kulang sa preparasyon ang isang network sa pangalawang debate. Sa tingin ko ay nakukulangan ako  sa pag-Host  ng isang network. May mga pagkakataon na ‘di niya masaway ang ibang presidentiables, ratsada pa rin sa kakasalita.

Siguro kailangan dalawa dapat ang maging Host o mediator sa debate na to. At mapapansin mo rin na parang halos  lahat ng nagtatanong ay puro sa sa isang network lang. ‘Di man lang nabigyan ng chance ang mga karaniwang mamamayan na makilahok sa mga pagtatanong sa isang kandidato.

Maraming pagkakataon na ang mga kandidato ay puro patutsada at siraan sa mga palpak ng nagawa ng mga kalaban. Ang debateng ito ay rumble na, diko masabi na pormal or impormal na debate.Maraming issue na di natugunan bagkos marami pang issue na di nabigyan ng linaw.

Di man ako expersto sa debate pero, ang punto ko lamang ay sana naging professional man lang kayo, para kayong mga bata/ kengkoy na nawala ang pinaka essence or laman kung bakit kayo umatend sa debate. Marami pang mga bagay bagay na ‘di nabigyang linaw/ may suliranin na hindi nabigyan ng linaw at hindi pa masolusyonan. Maraming mga oras na nasayang sa debateng ito.

Sana sa sunod na debate ay mas preparado at may koordinasyon ang bawat isa sa comelec man yan or sa isang kandidato. Hindi ako naninira sa kandidato bagkus ang punto ko lang ay gusto kong maintindihan ng mga manonood at mga boboto  na ang tunay na plataporma ng isang tatakbo.

Tandaan ninyo kaming mga botante pa rin ang huhusga  kung sino ang iboboto namin. Nakasalalay pa rin sa aming  kamay kung ikaw na nga ba ang nasa puso namin. Kaya mga botante, maging maging mapagmasid at maging matalino , iboto natin ang kandidato na tunay na makapagpapabago sa ating lipunan at sa buong bansa.

 

Goodluck sa ating lahat………

Mar Roxas said that it is not about the actual notes, but are we a rules based society.
credit photo to the owner