Kayabangan ng mga Pinoy….talaga rin naman oo

(Photo Credit: angsabinicheche.blogspot.com)

ARKILADO ANG ISANG LALAKE ng kanyang kapit-bahay at dala niya ang old model niyang VAN na sasakyan na nabili lang niya sa napaka-murang halaga at paminsan-minsan ay naaarkila siya . At paminsan-minsan din ay bumibiyahe siya ng tricycle . Dati siyang namasukan sa isang private company at ngayon ay retirado na at pensionado na ng SSS .

SUSUNDUIN NIYA NGAYON sa Airport ang anak ng kanyang kapit-bahay buhat sa kanyang pinagtratrabahuhang isang international company sa NAGASAKI , JAPAN at 6:00 pm ang nakatakdang schedule sa arrival ng eroplano mula sa FUKUOKA Airport pero alas tres pa lamang ng hapon ay nag-aabang na sila sa Airport. Inagahan niya ang pagsundo dahil ika niya ay mas mainam na iyong maaga kaysa matraffic pa sila sa daan. At ika niya ay gano na ba ang tatlong oras na ipaghihintay eh malilibang naman daw siguro siya doon at excited siya dahil first time niya sa Airport na susundo at nasasabik din siyang makita ang anak ng kapitbahay na halos parang anak na rin niya ang turing na first time din nakapagtrabaho sa Japan. Naisipan niyang maglalakad-lakad sa harapan ng Terminal 2 upang malibang-libang sa mahabang oras na kanyang ipaghihintay nang may makita siyang isang bagong kaba-babang Balik-bayan na nakikipag-usap at tila nakikipagtalo sa isang tsuper ng taxi .

WHAAT ! ANOW SAY MOW , WHAAT AGAIN…..I DON’T REALLY UNDERSTAND YOW……. OH COME ON , SPEAK CLEARLY … at nang hindi magkaintindihan ay napahimutok ang Balik-bayan .

OH MY GOODNESS…..SHIT

Pa-slang na salitang inglis na medyo inis na at di maiintindihan kapag binigkas at maririnig mong parang ungol lang ang sunod-sunod na maraming sinasabi nito ..

AT ITO ANG ILAN sa medyo malinaw sa mga sinabi ng bagong baba sa eroplano na isang dating Pilipino na matagal ng nanirahan sa amerika pero dito na ipinanganak at nagkaisip sa Pilipinas at sinuwerte lamang na nakapag-asawa ng isang foreigner at doon na tuluyang nanirahan sa america . At ngayon nga ay nagbalik-bayan at gustong magpahatid sa driver ng taxi sa isang lugar na di pa napupuntahan ng driver at tinatanong naman sa kanya kung saang lugar ang uuwian niya pero parang nalimutan na yata kung saan lugar at palibhasa ay baguhan pa lang ang driver at di niya gaanong maintindihan ang english nitong pa-slang at ni mag tagalog man ay dadalawang letra o dalawang salita lamang at pilipit pa .

AT SIYA MAN ay di naman gaanong makapagsalita ng english at di siya katulad ng mga datihang driver na naglalagi sa Airport na talo pa ang tourist guide kung magsalita ng english kahit pa-slang na english ang isasagot at itatanong sa kanya .

At di na napigilan ng lalakeng nakakita at nakadinig ang makapagsalita sa sarili..

ABAA NAMAN , NATUNTONG LANG SA AMERICA, hindi na marunong magsalita ng tagalog ah .

Hahaha, NAKAKATUWA NAMAN ang matandang lalakeng ito na nakasuot pa ng amerikana at tag-araw ngayon at tirik na tirik ang araw at 37 degres celsus ang temperature. Kulay kayumanggi ang balat at sarat o pango pa ang ilong , isang pandak , malaki ang mata at animo magbubukid lamang na sunog ang balat . Me hikaw sa tenga, me hikaw sa ilong , me hikaw din sa dila , me pulseras sa dalawang kamay na sinlalaki ng kadena ng aso , me necklace na sinlaki ng ID ang palawit na nakakasilaw at me tattoo sa magkabilang kamay na kahit natatago sa manggas ng amerikana ay iisipin mong buong katawan ay balot ng tatoo at sampung daliri ang me suot na sinsing at isip niya ay teen-ager pa siya na nakikisunod sa uso at pilit na kinulayan ang itim na buhok upang maging blonde at ng magmukhang isang foreigner at wikang english na slang pa ang gustong gamitin kahit kapwa Pilipino na ang kausap .

TILA LIMOT NA at di na naalala ng nagbalik-bayang ito na noong bata pa siya ay laging itinuturo sa escuwelahan ang salitang binitiwan ni Gat Dr. Jose Rizal na….
ANG DI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA at ito ngang taong ito ay NAPAKA-LANSA AT MABAHONG ISDA O HAYOP na tinutukoy ni Rizal .

AT MARAMI DIYAN na katulad niya na natira lang sa America at maging sa ibang bansa man na kapag uuwi rito ay slang na english at pilipit pang managalog at isip mo ay napakataas na ng kanilang uri sa kanilang kapwa Pilipino at talagang nalimutan na ang pananagalog .

Eh ako nga ay magta-tatlong taon gulang pa lang noon ay di ko na malimot-limutan ang salitang tagalog na sabi ng Nanay ko…..ANG POGI-POGI NAMAN NG ANAK KO….manang-mana sa kanyang Tatay . Eh siya pa kayang GURANG NA bago pumunta sa ibang bansa ang makakalimot sa salitang tagalog .

WHEW……di yata ako makapaniwala at kinikilabutan talaga ako

Pwede rin masabing NAGING MAYABANG na ito upang maipakilala sa kanyang kapwa Pilipino na CLASS NA SIYA NGAYON at DI BASTA-BASTA PILIPINO LAMANG na kahit alam naman talaga niya ang wikang Pilipino ay kunyari ay English talaga ang alam niya , at wari’y talagang ikinahihiya na niya ang wikang Pilipino. Daig pa siya ng ilang mga foreigners na nagpupumilit mag-aral ng salitang Pilipino upang sa pagdating nila rito ay magkakaintindihan sila .

EH yun nga daw mga Japanese ay talagang mahal nila ang kanilang wika at di interesadong mag-aral ng English…eh bahala ka raw magsalita ng NIPPONGO o mag-aral ng kanilang wika kung ikaw ay pupunta sa kanila . Ibig sabihin….ikaw ang makikibagay sa kanila at hindi sila ang makikibagay sa iyo . Samantalang tayo ay proud na proud magsalita ng English .

At tatawa-tawa siya at naiiling pa…..TALAGA RIN NAMAN ANG MGA PINOY OO……KAKAIBA.

AT NAALALA NIYA… ..tandang-tanda pa niya , nagkaroon siya ng isang kapit-bahay pero hindi likas na tagaroon at isang dayo lamang .

ISANG MAGILAS NA LALAKE na empleyado sa isang di naman kalakihang kompanya pero sumusuweldo siya na sabihin na nating ang kinikita sa isang buwan ay sapat-sapat o lumalabis pa at maaring makaraos sila sa pang araw-araw na pamumuhay na nakakariwasa. Kumuha ito ng isang hulugang luxurious na sasakyan at komo dahil hindi pa naman sapat ang kanyang naiipong pera upang ipambili nito ay nangutang siya sa may patubuan at ito ang ipinang DOWN PAYMENT NIYA.

BIRUIN MO dahil lang sa kanyang LUHO at KAPRITSO sa katawan ay inuna pa niya ang kanyang KAYABANGAN upang masabi lang sa kanya ng kanyang mga kakilala at mga kaibigan na siya’y DE KOTSE NA AT BIGATIN NA ANG DATING .

INUNA PA NIYA ANG KANYANG LUHO kaysa bumili ng lupa at magpagawa ng sariling bahay. Kaya ang nangyayari lahat ng hindi nakakakilala sa kanya ang akala ay tunay siyang mayaman na. Pero hayun at nagtitiis sa mainit at masikip na eskinitang kinatitirikan ng inuupahang apartment. At ang kanyang magarang sasakyan na wala man lang magandang garaheng paglalagyan ay ulanin at arawin na lamang doon at bahala nang mabulok at mabunggo-bunggo dili na lang ng mga katabing ibang sasakyan doon .

HINDI KO NAMAN SINABING inuuna pa ang luho sa katawan ng aking kapwa ay dahil baka ako ay naiinggit lang…..Aba hindi po…eh ang isa ko ngang anak na nasa high school ay MALUHO RIN…ibibili na lang ng sapatos na gagamitin sa P E nila ang natitirang pera..nakakita lang ng mga alahas sa mga nagdedemo sa bilao na nakababad sa kalamansi ay agad na bumili. Eh ang sabi ko….ANAK NAMAN inuna mo pa iyang luho mo kaysa sa pangangailangan mo sa escuwela ah…..eh kapag suot-suot mo iyan ay …BAKA TAMAAN KA PA NG KIDLAT…at kung di ka man tamaan ay baka ipakain pa sayo ng hohold-up sayo niyan .

GANON PA MAN KAHIT GANON ANG MGA PINOY ay may isang hinahanganan at nagugustuhan naman sa atin ang mga taga ibang bansa ..ang pagiging HOSPITALITY ….maraming Pinoy ang HOSPITABLE at ayaw nating mapipintasan tayo ng ating mga nagiging panauhin. Walang duda ….kasi po nong magkaroon ako ng unexpected visitor at hatinggabi na at alanganin ng makauwi ay siya ang pinatulog ko sa aming kama at ako ay sa sahig .

KAUGNAY PO NITO….may isang Filipina raw na nakapag-asawa ng isang Australiano at sa Australia na ikinasal at gustong umuwi at bisitahin ang kanilang tahanan sa probinsiya sa Pilipinas . Pero nag-aatubili ang babaeng asawang Pinay dahil nahihiya siya at di raw presentable ang bahay nila lalong-lalo na ang COMFORT ROOM . Dahil daw ang CR pala nila ay tulad pa nong araw na nakahukay lamang sa lupa na parang balon at nilagyan lamang ng ilang kawayan na tuntungan at doon na sila dumudumi . Ang ginawa ng asawang Pinay upang hindi mapahiya sa kanyang asawang Australiano ay nagpadala ito ng malaking halaga sa magulang at ipaayos daw ang kanilang tahanan lalong-lalo na ang kanilang comfort room bago sila umuwi .

Diyan po sa mga bagay na iyan hinahangaan ang mga Pinoy .

MAKATAPOS ANG KANYANG PAGDIDILI-DILI at nalibang sa kanyang mga nakikita at dumating na ang hinihintay niyang susunduin ay inihatid na niya .

KINABUKASAN , MAKATAPOS MAKASUNDO SA AIRPORT ay naisipan niyang mamalengke kasama ang asawa dahil natutuwa siya at binigyan siya ng anak ng kanyang kapitbahay na nangggaling sa Japan ng dalawang lapad at may chocolate pa at isang souvenir pa-konsiderasyon sa kanya at ito pala ay galante . Dahil nong magpunta ito sa Japan ay nagpabaon naman siya ng karagdagang pang pocket money sa bata .Pero ang totoo ay di naman daw siya tatanggap ng bayad sa pag-arkila sa kanya dahil matagal na rin naman silang magkakapit-bahay …. eh ipinilit daw sa kanya…kaya ..tinanggap na rin niya .

MAKATAPOS MAMALENGKE AT PAPAUWI NA at papasok na ngayon sa may gate ng kanilang tahanan ang lalakeng may dalang tricycle na ito rin ANG SIYANG NAGKUKUWENTO NOON NA HINDI RAW NIYA MAATIM AT DI MASIKMURA ANG KINAGISNANG KAUGALIAN NG MGA PINOY at ngayon naman ay ang nasabi niyang ANG KAYABANGAN NG MGA PINOY walang katulad . Nang makita niyang inaabangan siya ng kanyang kapit-bahay at naging kumpare niya .

HOY PARE … eh bakit ba nagtitiis kang dalhin mo yang tricycle mo eh napakainit sa kalye. ..eh kung iyon ba naman ay dalhin mo yang luxurious mong sasakyan at ng hindi kayo naiinitang mag-asawa.

AH EH PARE talagang hindi ko dinadala iyan ……kasi sa palengke lang naman kami pupunta at okey na sa akin itong tricycle at kahit sa masikip na kalye ay makakaraan ka.

AH GANON BA…..eh pare me ipapakiusap sana ako sayo.

O SIGE, PARE, ANO BA YON..

EH tutal , di mo naman gaanong pinaggagamit iyang mga sasakyan mo …..eh puwede bang mahiram ng anak ko, eh kasi me dinisdikartihan siyang isang ka-classmate niyang me kaya sa buhay. At ang pagkakaalam sa kanya ay may-kaya rin siya ……EH GUSTO NIYA NA TALAGANG MAKILALALANG ME SINABING PAMILYA RIN SIYA KAPAG ME DALANG SASAKYAN.

H A GANON BA PARE….eh iyon lang pala eh o sige mamili ka na diyan….ano ba ang gusto ng anak mo diyan …..YUN BANG ME CLUTCH o YUN AUTOMATIC .

AH eh he, he, he eh Pare kung hindi nakakahiya sa ‘yo eh yun na kayang pinaka-latest na modelo at nang MAS KAPANI-PANIWALANG MAYAMAN ANG ANAK KO .

Medyo lihim siyang nangiti .

GANON BA… o sige, walang problema .

Pero biglang me naalala.

AH TEKA NGA PALA PARE….. marunong na bang magmaneho ang anak mo.

HA AH EH PARE NAPAKALAKAS NG LOOB NG ANAK KO AT MALAKI ANG TIWALA KO SA KANYA at katunayan ay ka-iissue lang sa kanya ng student driver licence niya kahapon at nakapag drive na siya ng tricycle at katunayan din ay ngayon pa lang siya magmamaneho ng ganyang uri ng sasakyan at kayang-kaya daw niyang PAIKUTIN ANG HUHULI SA KANYA at wag kang mag-alala Pare…MAINGAT AT MALAKAS ANG LOOB NG ANAK KO kasi mahilig siya sa mga ADVENTURE .

H A !

SAMPUNG TAON niyang pinakakaingat-ingatan at ayaw niyang magagalusan man lang ito at sa mga special na occasion lamang niya ginagamit ito .

At kakamot-kamot na lang sa ulo ang lalakeng laging me dalang tricycle sa pamamalengke nilang mag-asawa habang minamasdan niya ang papalayong kumpare na dala na ang pinaka-latest na modelo niyang sasakyan.

ANG MGA PINOY NGA NAMAN OO……talaga rin naman….sa kayabangan walang katulad .

……Wakas…..

14 Comments

  1. sinasabi lang nya ang katotohanan.ang mag react syang tinamaan.bakit nga naman kasi uunahin pa ang luho kay sa mga pangunahing pangangailangan ?

  2. okay lang naman ang kwento..may pino point kasi pero totoo naman…nung umuwi ako galing ng australia few years ago..nasanay din ako magsalita ng magsalita ng English..of course sa araw-araw na makakasalamuha mo mga pinsan at uncle at iba pa nilang kaibigan..eh ako at mga tita ko lang ang Filipina..pero di naman sinasadya…you’ll just get used to it..at pag nabalik ka na ulit sa sariling bansa..abalik na naman sa dati..pero ngayon na andito ako sa ibang bansa ulit..mas gustong gusto ko pa nga gamitin ang sarili nating wika..even my own dialect pa nga..at kahit pag nag mi message ako sa mga friends ko sa fb..i wrote and replied it sa own dialect namin..which is pangasinense…at nakakatuwa sa puso…

  3. Unang salta ko sa Amerika 15 years ago. Sa mga pinasukan ko puros english ang salita kaya bwisit na bwisit ako, meron akong nakitang pilipina at tuwang tuwa ako sabi ko sa wakas makakapag tagalog din ako, aun kinausap ko siya me edad na siya mga 50+ na tinanong ko muan sabi ko are you filipino ? sabi nya yeah, un nagtagalog na ako pagod na ako kaka english kaso sabi nya sa akin can we talk in english ? kasi sabi nya she can’t understand some of my words … ahhh sabi ko ilang years ka na ba sa Amerika sabi nya 9 years uhhh … kung 9 years siguro mga 40+ ka na ng nagpunta Amerika, dyos ko day nakalimutan nya na ibang words… pero later on nalaman ko e ilocano pala siya sabi nya di daw siya masyado magaling tagalog ilocano daw ang master nya.
    ,

Leave a Reply

Your email address will not be published.