“KASAL”

(Photo Credit: Myles and August R)
(Photo Credit:  Myles and August R)
(Photo Credit: Myles and August R)

“Kasal…gaano nga ba kahalaga ang salitang kasal sa isang tao o sa isang buhay may-aswa?

Kasal..ito raw ang salitang nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan at nagsisilbing sacramento para sa isang sagradong pagsasama.

Kasal … isang kapirasong papel subalit ang kapirasong papel na ito ay napakahalaga pra sa buhay ng isang mag-asawa.

Marami ang naniniwla sa kasal … sa pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan … na mahalaga raw ang magpakasal muna bago sila magsama sa iisang bubong..para daw mas maging matibay ang kanilang pagsasama.

Marami din ang hindi naniniwala o againt’s sa salitang kasal…Kasal??? importante ba ito?..eh kapirasong papel lang naman ito diba? di ba mas importante sa isang pagsasama ang salitang pagmamahal..what u will do sa isang kapirasong papel kundi nyo naman mahal ang isat-isa?? diba mas mahalaga at mas magiging matibay ang pagsasama nyo kung ngmamahalan at nagkakaintindihan kau.

Sa panahon natin ngayon ang daming mag-asawa ang nauuwi sa hiwalayan..mga ordinaryong tao o mga sikat na personalidad ng ating lipunan..magaganda at glamorosong kasal meron sila,.subalit ano ang kinahitnan nila? diba nagkahiwalay din sila? dahil di sapat ang kapirasong papel na nagbuklod sa kanila ,para tumagal ang kanilang pagsasama,dahil kulang sila sa pagmamahal at pagkakaintindihan sa isat-isa.

Kasal..dito ay nagsumpaan ang dalawang taong nagmamahalan,sa harap ng panginoon,subalit paglipas ng panahon ang sinumpaan nila sa mata ng diyos at sa mata ng mga taong nakasaksi sa kanilang kasal ay biglang nagbabago..di nila natutupad..di nila napapanindigan ang binitawang salita na”Till death do us part”

Kasal…isang kapirasong papel subalit napakahirap takasan.

Minsan, nagsasama ang dalawang mag-asawa dahil lang sa kasal sila..kahit hindi na nila mahal ang isat’isa, nagsasama pa rin sila just to save the marriage… ‘di ba ang hirap non?

Paano kung hindi pala siya ang taong inilaan sa iyo? Paano kung iibig o titibok muli ang puso mo sa iba?..Hindi ka puwedeng maging malaya nang basta-basta dahil nakatali ka sa isang kapirasong papel..na kung gusto mong makawala ay hindi rin basta-basta dahil kailangn mo munang dumaan sa isang mahaba at matagal na proseso.

Nakakatawa kung iisipin..dahil minuto lang noong pinirmahan mo ang papel na iyon, but it takes a long time, bibilang ka ng taon bago mapawalang-bisa ang kapirasong papel na iyon.

Kasal… isang pagpapatunay para sa isang legal na pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan.

Kasal… para sa matibay na pagsasama kung sasamahan mo ng pagmamahal, pagkakaintindihan at tiwala sa isat-isa.

” A Happy marriage begins when we marry the one we love and they blossom when we love the one’s we marry.”  Kailangan ng isang matibay na pundasyon para sa isang successful na pagsasama. 

Always remember “A SUCCESSFUL MARRIAGE REQUIRES FALLING IN LOVE MANY TIMES, AND ALWAYS WITH THE SAME PERSON”.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.