Karen

Image by Pixabay

 

Sabi nila,“People come into our lives for a reason, for a season or for a lifetime”.

Nagkakilala kami nang ‘di sinasadya, sa mga panahong pareho kaming hindi malaya.

Sa pag-usad ng mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ewan ko, ako puwede kong sabihin sa sarili ko na ganun ang nararamdaman ko. ‘Di ko lang alam kung ganun din siya sa akin.

Siguro. Sana.

‘Yun ang kailangan kong paniwalaan eh.

Masaya ako sa tuwing magkausap kami at mas masaya ako tuwing nakakasama ko siya. Nabuong muli ang mundo ko, unti- unting lumiwanag at nagkakulay.

Kahit na palagi ‘yang sinasabi na bawal ko siyang mahalin, alam ko sa sarili ko na ‘yun ang nangyayari. Mahal ko na siya oo, pero hindi ko maaring aminin o sabihin sa kanya. Ang hirap, pero mas kaya kong tiisin ‘yun kaysa naman mawala siya agad.

Oo, 18 months, isang taon at kalahati na lang ang pagkakataon na ipinahiram sa amin. Bakit kaya ganon? Kasama ba kami sa “for a season” lang? ‘Di ba maaaring kaming dalawa na lang ang magdesisyon na dapat “for a lifetime” at hindi ang tadhana?

May mga tao talagang sadyang ipinapahiram lang ng tadhana sa atin. At tulad ng lahat ng pinahihiram, darating ang oras na babawiin din siya sa akin. Tanggap ko ‘yun.

Masakit, magiging masakit pero kailangan kong maging matatag. Isipin ko pa lang parang pinipiga na ang puso ko. Pero sa ngayon ‘di ko dapat bigyan ng puwang ang kalungkutan at isiping ‘yan. Kailangan kong ipakita ang kahalagahan niya at iparamdam sa kanya kung gaano siya ka-espesyal sa puso ko. At lahat ng masasaya at makukulit na alaala, ‘yun ang babaunin naming dalawa. ‘Yun ang mga bagay na ‘di kayang bawiin ng tadhana. ‘Yun ang mga bagay na walang makakakuha at maaari kong itago sa puso ko at balik-balikan.

Sa loob ng maikling panahon, sisikapin kong maging masaya ang bawat pagkakataon na ipinahiram sa amin. Sisikapin kong maipadama sa kanya kung ano ang tunay kong nararamdaman, kahit na hindi ko maaaring sabihin ay maaari ko namang maipadama, ‘di ba?! Nakaka-excite ang mga susunod na mga araw, ‘di na ako makapaghintay…

About Shengski

I'm just an aspiring writer.