Kapag Napag-tripan Ka ng Mapagbirong Tadhana

enhanced-buzz-7459-1381866797-14
photo credit :www.buzzfeed.com

MGA NAKAWIWINDANG NA EKSENA NG BUHAY 101

Yung suot mo ang bagong damit na kabibili lang sa SM  dahil bertdey mo. Kaso merong dumaang kotse sa harapan mo at nasabuyan ka ng maruming tubig baha na galing sa magdamag na pag-ulan. Humulas ang make-up mo at nagmistulang lumpiang gulay na nababad sa suka dala ng pamumutla.

Yung ang tagal mong naghintay sa bus stop para makasabay sa kotse ni crush mo pero nung nakasakay ka na saka naman siya biglang dumating at na-miss mo ang iyong chance of a lifetime na makilala siya. Saklap, ‘di ba?

Yung 10 years na kayong mag-asawa at lagi namang sumasayaw ng lambada sa Obando para magkaroon ng baby pero pagkatapos n’yong mag-ampon dun naman kayo binigyan ng  kambal na anak. Whattda?

Yung trenta anyos ka na at single ka pa rin. Everyday kang nagdadasal kay Lord pero si Mr. Right ay still out of sight. Pero ‘yung araw na nag-give up ka na at nag-decide na mahalin na lang ang sarili mo, biglang Voila!  Naging “It’s Raining Men, Hallelujiah!” ang pambansang awit mo dahil nagsulputan na parang kabute ang mga admirers. Long hair? Anyare?

Sabi ni Alanis Morisette,

” Life has a funny way of sneaking up on you when you think that everything’s okay.”

Ito ‘yung point na walang anu-ano nagkaroon ng 360 degrees turn ang buhay mo, at naganap ang mga bagay na ‘di mo inaasahan either positive man ito o negative.

Pwedeng sisihin mo na ang lahat sa kapalaran mo. Mula sa pusa mong laging ginagawang hotel ang kama mo hanggang sa malakas na sigaw ng magtataho na dumadaan sa labas ng bahay n’yo tuwing umaga kasi bad trip ka.

Pwede ring magbunyi at magpainom sa buong barangay dahil sa mga magagandang bagay na dumating sa ‘yo nang walang ka-effort effort tulad ng isang meteor na out of the blue na bumagsak lang sa lupa.

Tulad nito   . . .

Yung moment na napaalis ka sa trabaho at umiiyak kang sumakay ng elevator nang biglang me pumasok na isang mala-Ryan Gosling look na lalaki at inabutan ka ng panyo dahil sa awa at yun na pala ang naging simula ng inyong nakakikilig na mala-fairy tale love affair. Yipee!

Sino bang mag-aakalang magkakaroon pa ng last minute na twist of fate ang pagsali ni Pia Wurtzbach sa pamosong Ms. Universe contest? Halos naloka ang buong mundo sa nangyari at nag-viral ang pagbubunyi ng mga kapatid nating mga LGBT members  dahil Team Wagi pala ang lola mo.

Kasi sabi ulit ni Ate Alanis . . .

” Life has a funny way of helping you out when you think that everything’s gone wrong and everything blows up in your face.”

“Isn’t it ironic?”
“Don’t you think?”

Oo, siguro that’s the irony of life.  It works both ways. Yung naiplano  na at tanggap  na ang istorya  ng buhay pero meron palang ibang script na nakasulat para sa iyo.. Ewan kung bakit ganun.  Pwedeng karma. Pwede ding destiny. Pwedeng fate. Minsan nagiging tragedy, pero kadalasan comedy.   Maari ring isang way lang yan para magkaroon ng faith at strength ang mga tao sa mga bagay na di maganda at para hindi mawalan ng pag-asa. O kaya magkaroon ng sense of gratitude kung tayo naman ay sinusuwerte sa buhay. Para naman makapagpasalamat  sa mga blessings na dumating at kahit pa napaka-surreal ng dating.

O baka naman oras na talaga ng pagbabago. Yung dating nakagawian ay kailangan nang palitan.  Every aspect ng buhay naman eh laging merong life lessons na kasama yan. Hanapin din natin minsan ang dahilan. Baka kailangan lang mag-upgrade ng  salamin para makita ng mas malinaw.

Minsan din kasi, ang utak ng tao pabaliktad  . . .

Yung mas mahal natin ang mga taong hindi naman tayo mahal. Yung mga nagmamahal naman sa atin ay hindi natin pinapansin. Minsan kailangan pang mawala muna  ang isang tao bago malaman na mahal pala siya. Kailangan ding mawalan  muna ng pera bago makita ang halaga ng pisong barya. Minsan kapag tahimik ang buhay naghahanap naman ng kaaway. Ang gulo. Isn’t it ironic?

Pero yan tayo, tao lang.Hindi natin alam ang bukas. Pero ang maganda doon merong mysteryo at excitement na dala ang mga bagay na hindi natin alam. Gayahin na lang natin ang pananaw ng mga bata sa tuwing makakatanggap ng regalo, walang kapares ang ningning sa kanilang mga mata. Walang katulad ang saya na dala ng kanilang mga tawa. Kahit na minsan iba ang laman nito sa kanilang inaasahan masaya pa rin sila dahil di pa kasi sila nilalamon ng sistema. So, when things happen, siguro sabayan na lang natin ang agos.

Oh siya, para naman malubos ang ating saya, tapusin na lang natin itong kanta.

A traffic jam when you’re already late
A no-smoking sign on your cigarette break
It’s like ten thousand spoons when all you need is a knife
It’s meeting the man of my dreams
And then meeting his beautiful wife
And isn’t it ironic…don’t you think
A little too ironic…and, yeah, I really do think…”

It’s like rain on your wedding day
It’s a free ride when you’ve already paid
It’s the good advice that you just didn’t take
Who would’ve thought… it figuresLife has a funny way of sneaking up on you
Life has a funny, funny way of helping you out
Helping you out

Yun naman pala. :)))

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.