Kamusta, Pangarap

Photo by Stergo (Pixabay)

 

Malawak, magulo, mapanghamon na mundo,
Sa araw – araw ay hinaharap mo.
Kakain, matutulog, magtatrabaho,
Ito ang paulit – ulit na takbo ng buhay mo.
Ang tanong sa iyong sarili ‘Masaya ba ako?’

Photo by ThePixelman (Pixabay)

Sa bawat pagpikit ng iyong mata,
Ibang bersyon ng sarili ang nakikita.
Malayong-malayo sa kung nasaan ka,
Ang totoong magpapasaya sa ‘yo, ‘di ba?
Itinuon ang atensyon sa iba,
pangarap sa sarili isinantabi para sa pamilya.

Photo by Bess-Hamiti (Pixabay)

Prayoridad muna, bago pantasya,
Dahil ‘yun ang tama, sabi nila.
Pagkalipas ng mahabang panahon,
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon,
Kamusta, pangarap na nakabaon?

Mayroon pa bang natitirang oras at pagkakataon o tuluyan nang hindi nakaahon?
Natangay na ng hangin at alon, sa ‘di alam na direksyon.
Saan ka ba naroroon? Saan dapat nandoon?
Sa paglipas ng panahon,
Heto’t naghihintay pa rin ng pagkakataon,
Handa pa ring subukan lahat ng opsyon,
kahit hindi pa tuluyang maabot sa ngayon.

About Kimberly Frivaldo

Your favorite hello and your hardest goodbye