Kalayaan

Naaalaala pa kaya

O naiisip man lamang ba,

Nabilang ni nagugunita

Ang nakaraan ng tadhana,

Ng bago at muling simula,

Minsan sa tuwi-tuwina;

Nagsawa matapos magsaya,

Mga naragdag o nawala,

Nagkapiling sa pangungulila;

Walang pag-amot nakamtan,

Pilit mang hinagkan

Bago tuluyang mamaalam,

Sa nalabing lakas at tapang,

Hamon pagtanggap kasagutan

Nang maghilom lubusan;

Mainam kusang talikdan,

Unti-unting nalimutan,

Sa hinagap nagliparan,

Di na mahagilap ni mahawakan.

About razelFilipino

"...simpleng pangarap, malaking hamon. ito ang nais paghandaan at maranasan." Experience leads to learning as it shapes one’s perspective towards everything around us. Writing has been a very powerful tool for me to see things through, think out of the box, reflect, look at things on a bigger picture and be keen on details; to be rational, open-minded and just to be simply free. For every thought, for every word, for every phrase and for every emotional state may be kept or conveyed... http://razelfilipino.blogspot.com/