Kailangan ka ba talaga?

Ang subject na Rizal, Science, Araling Panlipunan at kung anu-ano pang subject na kailangan mong maipasa para makatapos ng elementary, high-school at college.

Ang tanong ko lang, kailangan ba talaga ang mga ito sa kursong iyong kinuha? halimbawa ikaw ay isang nars sa ospital, tatanungin ba ng iyong paseyente kung kilala mo si rizal o kung alam mo ang buong pagkatao ni rizal?

Kung ikaw ay isang I.T. sa isang company kapag ba na-virusan ang pc mo gumagamit kaba ng biology anti-virus ? o tatanungin kba ng computer mo kung alam mo ang ibig sabihin ng H2O?

Napakaraming subject sa skwelahan ang hindi naman kailangan sa iyong kurso, pampalaki lang ito sa tuition na binabayaran mo. OO hindi ako naka graduate ng 2 year course dahil kay rizal masyado na akong naiirita sa kanya. Natapos ko na ang el fili at noli noong ako’y nasa high school pero kailangan parin daw kaming mag tagpo  sa College. 1st day of school Tinanong ko ang teacher ko noon sa Rizal noong nasa college pa ako, “Ma’am bakit kailangan pa ng subject na rizal gayong natapos ko na ito nung high-school ako” , simple lang sagot sakin “Kung ayaw mo ng subject na rizal, dalawa ang pintuan makakalabas kana”. Ganoon nga ang ginawa ko dahil sa mga WALANG KWENTANG SUBJECT at alam ko namang hindi ito makakatulong sa kurso kong Computer Science, nilayasan ko siya.

After 2 years yung mga ka batch ko naka graduate na at karamihan nag ta-trabaho sa SM bilang sales-lady or waiter. Nasan na ngayon yung mga subject na ipinasa nila? nakatulong ba ito sa kanila? tinulungan ba sila ng PE 1,2,3,4 para magkaroon ng trabaho?

Isa akong OFW ngayon at nagtatrabaho sa isang Factory sa labas ng bansa bilang IT, peke rin ang mga diploma ko. Maraming salamat sa aking experience at aking kumpare na si Patrick at natuto ako sa computer ng hindi  tinapos ang subject na Rizal. Hindi ako nagsunog ng kilay at konti lang din ang natutunan ko sa skwelahan noon tungkol sa computer ni hindi nga kami tinuruan kung paano ang mag format ng pc.

Ngayon tanging Manual at self-study ang ginagawa ko para matutunan ang program na binili ng company namin sa kung sinong hindi ko kilala. Pero kung marunong ka naman umintindi at meron ka namang konting kaalaman sa computer madali mo itong matututunan.

Dapat na sigurong alisin ang mga subject na hindi naman talaga kailangan sa iyong kurso, dagdag assignment, project, exam, recitation at tuition lang ito para sa isang mag-aaral. Hindi ko alam kung sinong tanga ang naglagay ng mga subject na ito.

 

26 Comments

  1. FYI as part of marketing strategy ng mga foreign investors, lahat pinag-aaralan nila mula sa traditions at paniniwala ng isang bansa dahil kailangan eto to set there standards at kung anu bang produkto ang papatok sa isang bansa, tapos ikaw ayaw mong pag-aaralan , UR so sick!!!

  2. @ Mercado Sarah, Good morning!! honestly we need Spanish Language , sayang nga wala me nun, kasi lahat ng letters and books nung time nila Rizal was written in Spanish even mga title ng lupa, So we need to learn this para we could understand yung mga sinaunang kasulatan..

  3. Sa tama lng n pag-aralan natin lahat ng subject n inioffer mula primary,secondary at hanggang college! Bakit? Kagaya ng history! Hindi lng n dapat mkilala mo c rizal! Kng d pra malaman din natin kng bakit tayo nasa pilipinas! Kng bakit tinawag n pilipinas ang ating bansa?pag hindi natin alam ang mga ito kahit n anong kurso pa ang ating tinapos! E masasabi pa rin n ignorante kang propesyonal!

  4. it pays to know who rizal is, what general and social sciences are even if you’re a nurse, an engineer, etc. it pays to have an intelligent discussion progressing from the elementary to the collegiate level. it’s still better to know that what you didn’t understand when you were a kid, you understand now that you’re in college.

  5. Dapat lahat iyan pag-aralan natin lalo na iyun tungkol kay Rizal at Science and I think Social Studies too. Ang di natin dapat pag-aralan as compulsary subjet ay Spanish Language. Ang dapat sa opinion ko eh dagadagan ang English subject dahil sa ayaw at sa gusto natin, ito ang Language na gamit halos sa lahat ng bansa. I mean not as first but second language…It’s very disappointing kahit iyun ibang tapos ng college sa Phils, kahit simple sentence di makasalita ng English, kaya tuloy napag-iiwanan sila. Sa Japan ibang kaso dahil Japanese language ay gamit kahit saan, kaya kahit iyun iba di magaling magsalita ng English OK parin. Sa Philippines, English Language ay gamit halos sa lahat ng communication. JUST listen to the Philippines news…

  6. i’m taking up Bs Psychology, natapos ko na ang Intro to I.T na subject, natapos ko na ang Phil. History, Rizal Course, Constitution of the Philippines, diba hindi sila related sa Course ko, pero natapos ko at I found out na wala naman problema as long as you have time to focus on your Major subjects, lahat naman yan mapapakinabangan, para maging versatile ako when it comes to adapting another various of tasks, fields, endeavor etc.

  7. KAYA TINUTURO ANG SUBJ. NA RIZAL PARA MAAPPRECIATE ANG KAMALAYAN NG MGA PILIPINO SA NANGYARI NUNG TIME NYA. HOW COULD YOU APPRECIATE YOUR SENSE OF PATRIOTISM KUNG UNG BAYANI NATIN HINDI NATIN PAGAARALAN DIBA..WALA NAMANG MAWAWALA E, KASI ANG DAMI NYANG NAIBIGAY SATIN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.