Kailan nagiging Mali ang Pag-ibig (Kailangan pa ba I-memorize Yan)?

Bawal (photo credited: Ching25)
Bawal (photo credited: Ching25)
Bawal (photo credited: Ching25)
Bawal (photo credited: Ching25)

Basahin mong maigi ito, inoobliga rin kitang tapusin ang pagbabasa at nang mahimasmasan yang puso mo na malamang ngayon ay luray-luray na.

Kung bakit kasi ‘masarap ang bawal’, isang salawikain ng mga may bahid ng dugo ni Taning. At dahil feeling ko, ako si Dr. Love, one-on-one ang talakayan natin tungkol sa dapat  nating inaasal patungkol sa pag-ibig. Ideal girlfriend, ideal wife at malamang ay ideal mother ako in the future (in my dreams).

Halos puno na ang Df site ng mga blogs tungkol sa ‘es-KABET-se’ menu, kaya dumako tayo sa kakaibang session ng pagmulat sa mga matang dilat ng ating mga kababayang ‘mahilig umepal’ at kumakaringking sa nanahimik na kaluluwa. Naalala n’yo pa ba ito ‘Sitsiritsit alibangbang, salaginto at salagubang, ang babae sa lansangan kung kumendeng parang tandang’? Wala lang, trip ko lang kumanta.

Kailan nga ba matatawag na mali ang pag ibig? Sabi nila, wala raw mali sa pag-ibig, sino nagpasimuno ng linyang iyan at mayaya nga ng duelo? May mga pagkakataong mali, hindi ang pag-ibig kundi ang tao at maging sitwasyon.

–Umibig sa may asawa o may jowa na –Kailangan pa bang i-memorize yan? O gusto mong dagukan kita para alam mo? Kung hindi mo alam na mali, paki-mixd ng utak mo gamit ang sandok, o kaya’y i-blender mo ang utak mo para maintindihan mong napaka MALI ang mang-agaw at umeksena sa isang relasyon. Kung sasabihin mong nagmamahalan kayo, both party should be clear sa bawat isa. Hindi yung mga panakaw na eksena. Para sa babaeng mahilig umepal diyan, huwag kang magpakita ng motibo na gusto mo ang isang lalaki dahil magte-take advantage yan sa iyo. Yung tipong ikaw ang unang mag-aadd sa kanya sa Facebook, letse.  Ipusta ko lahat ng barya ko rito, hindi ka seseryosohin niyan, manigas ka, uuwi at uuwi ka sa bahay n’yo nang luhaan. Tapos sasabihin mong ‘nagmahal lang ako?’   Itong kamao ko, gusto mo?

Hindi yan jeep, na kahit puno na ay puwede ka pa ring sumabit. Pandalawahan lang ang romantic relationship at hindi animo’y tong-its na puwedeng tatlohan, gets mo?

Kaya dumarami ang mga lalaking nagloloko dahil na rin sa mga babaeng nagpapakita ng motibo at gumagawa ng first move.  Ano yan, ‘te, larong chess?  Pero nag-eexist pa rin talaga ang mga lalaking hindi makontento sa iisang ulam lang. Ang dapat sa mga lalaking ganyan ay tinuturuan ng leksyon.. Oplan Putol. Kahit AIDS ay sapat nang karma.

Kung ikaw kaya ang malagay sa sitwasyon ng naagawan o naloko? Iimbakin mo ang iyong mga luha at gagawing pandilig ng halaman? Huwag mo nang panghimasukan ang buhay ng may buhay.  Marami namang puwedeng landiin diyan, utang na loob,  huwag lang yung taken na. Ang iyo ay sa iyo, ang akin ay sa akin lang!!!

–Mali ang Pag-ibig kung alam mong ikaw lang ang nagmamahal –Obviously, kung makikipagrelasyon ka, dapat pareho n’yong mahal ang isa’t isa. Hindi yung alam mo na ngang hindi ka mahal, hala, tiis pa rin, kahit mukha ka nang kalansay sa kakamaltrato niya o dahil sa sama ng loob na dulot niya. Hindi ka yayaman kung magpapakamartir ka, move on.. maraming nakapantalon diyan. Ang sakit na mararamdaman mo ay lilipas din. Maniwala ka, ako ito, si Dr. Love, ang nagsasabi.

–Mali ang pag-ibig kung ito ay sumusobra na –Ibig kong sabihin, yung tipong mag su-suicide bomber ka kapag iniwan ka niya. Kapag siya lang ang nagpapaikot sa shunga mong puso, yung hindi mo na kilala ang sarili mo dahil wagas ang pag brainwash niya sa iyo. Pati pamilya mo iniitsapwera mo na, may pagkakataon pang pineperahan ka lang ng kumag mong jowa ay blind ka pa rin. Sige, magtampisaw ka sa mga luha mo.

Kung makikinig ka sa payo ko, apir tayo. Kung pasok sa tainga labas sa ilong, eh ‘di bahala ka. Malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali, ang mabuti at masama, at sa kung ano ang bawal at hindi.

Back ground music…’’Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang aking mahal’’ Ikamamatay ng puso ko ..ngunit sisiguraduhin ko ring ikamamatay mo.

Ngayon, alam mo na kung kailan mali ang pag ibig?

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.