Kailan mo ba masasabing In Love ka na?

“Love is blind…”im+in+love+2

“Love is  when you start caring for someone…”

“Love is like a rosary; thus is full of mystery…”

Tatlo sa libo libong sikat na quotes ng mga pinoy kung anu nga ba ang Love para sa kanila.

We actually start to define love when we feel it’s already in. Na oo in love na tayo sa mahal natin. Pero teka, umiibig ka nga ba talaga? O isa na naman ito sa mga maling akala mo, sa mga naging haka haka mo. Tatanungin kita. Sasagutin mo. Hindi ko sinasbaing 100 per cent na totoo, pero maaring oo.

Dumating ba sa puntong siya lang ang nakikita mo, at lahat ng mga taong nakapaligid ay nagmimistulang malabo na sa iyong paningin? Kung ang sagot mo OO, sorry pero hindi ka pa in-love. Pag nagmahal ka, hindi ka matapang, natatakot ka. Natatakot ka na baka isang o isa na namang pagkakamali ang magagawa mo kaya nagagawa mong tumingin sa paligid mo, iniisip mo kung right timing ba ang lahat, nasa right place ka ba, o nasa right moment. Madalas mas napapansin mo pa sila, ang iba kesa sa kanya, kasi iniisip mo na dapat perfect ang lahat, perfect time, place kasi alam mong siya yung perfect man/woman para sayo.

“Mahal ko siya kasi maganda/guwapo siya, mabait, mayaman, sexy/matipuno, matangkad, cute…” Kung ito ang unang paraan ng pagkakadescribe mo bakit mo siya mahal, teka lang bro. Kasi baka hindi ka nagmamahal dahil nakita mo sa kanya ang isang bagay na baka mamaya makita mo din sa iba. Minamahal mo ang tao dahil biglang nagiba ang mundong ginagalawan mo sa unang beses mo siyang nakita. Love is undefinable. You start to define love as “Hindi ko nga alam eh”, ang dami kasing bagay na pumapasok sa isipan mo kung bakit mo nga ba siya mahal, pero isa lang ang tanging umiikot sa isipan mo, “eh mahal ko siya eh. hindi ko din alam kung bakit, pero sigurado akong mahal ko siya…”

Do you think on the most crucial state of what could happen to both of you, and still you choose to be with him/her? If Yes you are. Then, you’re definitely in love. Hindi yung basta bastang nagfafantasize ka lang na mala cinderella love story or any princess type of story. Yung pang realidad talaga. Iniisip mo na oo kaya mong i-give up “sila” para sa “kanya”, na oo kaya mong iwan ang “Lahat” kahit “siya lang” ang matira at oo kaya mong harapin ang “sakit” na nadarama din niya, madamayan mo lang siya sa “hirap at ginhawa” kasi ganoon pagnagmamahal. Hindi ka nagpapaka martyr, hindi ka dumadating sa punto na okay lang na ikaw yung nasasaktan, na ikaw lang ang umiiyak. Hindi ganoon ang love. Love was created for both happiness and sorrow, hindi ito sinosolo, kumbaga dapat shineshare.

after all, these are all a matter of opinion, but always remember, when you love don’t force yourself, kaya nga tinawag na “fall in love”, you.just.fall.

About jessapeanutpunch

A frustrated writer and singer. Never been noticed. A once in a blue moon beauty is what I contain. 100% Pinoy by blood, soil, character.