Kailan Ka Huling Nagpasalamat?

Habang sinusulat ko ang artikulong ito, hindi ko pa alam kung maipupublish ang aking sinulat na may pamagat na “Apat na Oras, Saan ka Napunta?”. Eto ang dahilan kung bakit nagbiyahe ako noong araw na ‘yun…

Sa tagal ng biyahe ko, hindi ko nasimulan ang praise and worship. Usually, I am already at the church around 10 o’clock in the morning. I prefer to be there earlier so that I have ample time to change into my dance uniform. If you’re in a Ministry, dapat palagi kang handa at alerto. Sa bawat galaw ng kamay at indak ng iyong mga paa, dapat masisinag din sa mukha ang  kagalakan habang nagsasayaw in the presence of our Almighty God.

Pero nalate ako noong Linggo. Naiba nga ang routine ko. Plinano ko naman ang biyahe ko kasi may strike ang VIVA at YRT buses. But I didn’t anticipate the maintenance na nangyayari sa subway station. Anyway,  hindi ko na naabutan ang joyful songs (suppossed to be kasama ako sa mga nagsayaw doon). Patapos na ang unang solemn song noong dumating ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ‘yun. Magkagayunpaman, masaya pa rin ako kasi naabutan ko ang preaching ni Pastor though iba pa rin ang pakiramdam. Alam mo yung pakiramdam na hindi kompleto… kasi hindi ko nasimulan… kasi hindi ako nakapagsayaw…

I want to share Pastor Ron’s preaching that Sunday. It is all about being thankful for all the things na nangyayari sa ating buhay. First is being thankful when you are blessed. It is so easy to say a prayer of thanks especially when the answer to our prayers is YES.  We are always thankful when we received the blessings we asked for. We even shout it when we can’t express the happiness we feel.

Second, being thankful for blessings yet to come. Lahat tayo ay may mga kahilingan sa Kanya… para sa ating sarili, sa ating pamilya… sa ating mga kaibigan… at sa mga taong malapit sa ating mga puso. Nagagawa ba nating magpasalamat kapag ang kasagutan ng ating Panginoon ay WAIT sa ating mga kahilingan? All we need to do is to have faith and hope because our Lord knows what we need the most. While we’re waiting for an answered prayer, He is preparing everything. And at its proper time, He will provide it and we’ll be blessed.

The third one is the most difficult to do. It is being thankful in the midst of the storm, difficulties, trials, or circumstances. Ako man ay nahihirapang gawin ito lalong-lalo na kapag problema sa pamilya ang pinag-uusapan. Kahit na ilang ulit kong hilingin na tanggalin niya ang problema na yun o di kaya’y turuan niya ako ng tamang solusyon para mawala na lang… pero kadalasan ang sagot niya ay NO. Dito Niya tayo sinusubukan kung gaano kalalim ang ating pananampalataya sa Kanya. Sa mga pagsubok na yun, doon Niya tayo hinuhubog para tayo’y maging mas matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Ginawang halimbawa ni Pastor Ron si Helen Keller. According to Wikipedia, she was the first deafblind person to earn a Bachelor of Arts degree. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan para makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. At dahil sa kapansanang ‘yun ay malaki ang pasasalamat niya sa ating Panginoon. Sabi niya, “For three things I thank God everyday of my life: thanks that He has vouchsafed me knowledge of His works; deep thanks that He has set in my darkness the lamp of faith; deep, deepest thanks that I have another life to look forward to… a life joyous with light and flowers and heavenly song.”

Aren’t we thankful for everyday of our lives, too?

… because we woke up in the morning and still breathing.

… for the fresh air that we breathe.

… for the sun that shines every morning.

… for the rain that waters the plants and trees and vegetables.

… for our family who loves  and cares for us.

… for our friends who always lend a hand and offer a shoulder to cry on.

… for another day has passed in our life.

As my Kuya Musa said,  notice the simplest things in life and be grateful about it. Smile… smile… and smile… 🙂

Ngayon, nagpapasalamat ako at nasa website ka ng Definitely Filipino. Nagpapasalamat ako at natawag ng iyong pansin ang aking artikulo. Nagpapasalamat ako at naglaan ka ng konting oras para basahin ito. Maraming salamat… 🙂

Ang iiwan ko ngayon, kaibigan, ay isang katanungan: “Kailan ka huling nagpasalamat?”

About c-anne

nangangarap maging nobelista pero hanggang "plot at summary per chapter" lang ang nagagawa...