Kailan Ka Ba Talaga Nakinig?

tmp_28493-listen-23843989498483426Lahat ng tao ay may kahandaan at kakayahang makinig, pero hindi lahat ay may kahandaan at kakayanang makaintindi.

Ang pagsasatinig natin ng mga salita ang isa sa pinaka epektibong pamamaraan natin para makipag ugnayan sa isat isa. Kaya ngat ang simpleng pinakikinig at hindi pag inintindi sa mga salita ay nagdudulot ng di pagkakaunawaan.

Kung tutuusin hindi lang pandinig ang silbi ng ating mga tenga, tungkolin din nitong ianalisa o intindihin ang kanyang paligid para sa pagbalanse.

Sabi nila lahat ng dalahin, suliranin o problema ng isang tao ay gumagaan kung magagawa natin itong maibahagi sa iba.

Sa madalas na pagkakataon ibinabahagi natin ito sa ating mga kaibigan o kapamilya. Pero hindi bat mas nakakainis kung ung taong pinili mo para pagsabihan ng mga bagay na bumabagabag sayo ay nakinig lang. Simpleng nakinig lang.

Narito ang isang maiksing sitwasyon at sa dulo ng sitwasyon ay isang katanungan. Layunin nitong sukatin ang antas ng ating pakikinig at pag intindi.

Isipin natin na tayo ay mga estudyante, pitong araw bago mag pasukan kailangana mamili ng mga kakailanganin sa paaralan.

Narito ang listahan base sa lokasyon ng tindahan mula sa entrada ng mall kung san natin to bibilin.

Una sa listahan ay ang mga gamit na mabibili sa bookstore ang budget at 500 piso na hahatiin para sa notebook para sa limang aralin, 300 piso ballpen, papel at iba pa.

Pangalawa ang uniporme, ang budget at 1250 para savilang pares na sasapat sa loob ng isang linggo.

At ang pangatlo ay sapatos na may budget na 2000.

(Matapos banggitin ang sitwasyon maari mo itong ulitin ng isa pang pagkakataon bago ang tanong).

Para sa katanungan, itaas ang kamay sa kung sino man ang nakakaalam ng KASARIAN NG ESTUDYANTE.

Inaasahan na ang lahat ay mag tataas ng kamay. (maaring ulitin ng ilang ulit ang tanong maging ang sitwasyon kung kinakailangan hanggang sa maintindihan ng lahat).

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang maling gawi ng tao sa pakikinig.

Marahil ang ilan, matapos na mabanggit at marinig ang unang detalye ng sitwasyon ay agad na nag isip sa kung anu ang maaring maging tanong na maaring may kinalaman sa estudyante.

Sa puntong un huminto na tayo sa pakikinig.

Ang ilan ng marinig ang mga sumunod na detalye ay nag isip na maaring ang tanong ay tungkol sa pagkakasunod sunod o di kaya ay may kinalaman sa math, kayat naglaan tayo ng mas maatas na atensyon sa mga detalye na may kinalaman sa numero o sa pagkakasunod sunod.

Sa pagkakataong un pinili na natin ang ating pakikinggan.

Syempre sa huli ay ung mga taong sa simula palang ay wala na talagang intenyong makinig.

Ang sikreto sa epektibong pakikipag ugnayan o komunikasyon ay ang pagbibigay ng sapat na oras o pagkakataon para makinig sa bawat detalye bago ang masusing pag analisa at pag intindi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About Sinoknokako

Isa sa mga dugong tinta, tahimik na sumisigaw