“Kahapon, Bukas, Ngayon”

Photo Credit: Pixhome

Dati, sa McDo lang kita naaalala. Pero ngayon, kahit saan ako dalhin ng aking mga paa, naaalala kita. Bakit kaya?

Dapat k’se kinakalimutan na kita. Pero paano nga ba lumimot kung lagi kang naaalala?

Sa umaga, sa tanghali, sa gabi, at hahabol pa ang hating-gabi, magti-tiktilaok na ang manok, pero ayaw ka pa rin dalawin ng antok. K’se sa puso mo, may kumakatok? Hindi mo alam kung pagbubuksan mo? O babalewalain? Paano mo babalewalain ang taong lagi mong nakikita, kahit di mo kaharap? Parang bubble gum na nakadikit lagi sa utak mo, hindi matanggal-tagal.

Pahirapan.

Kahit nga sa biyaheng Samar mo nitong nakaraang Linggo lang, naubos ang oras mo kakaisip, sa kanya. K’se hindi na siya ulit nagparamdam? Pero hindi porke’t hindi na nagpaparamdam, wala nang nararamdaman? Minsan ‘yun nga ang dahilan. Hindi na nagpaparamdam dahil sa nararamdaman? Pero puwede rin namang hindi na nagpaparamdam dahil wala nang maramdaman? Manhid na? Anesthesia mode ka na?

Pero habang tumatakbo ng mabilis ang sinasakyan mong van, wala kang pakialam – sa nararamdaman mo lang. ‘Di na nga maikakaila, “Mahal mo na siya…”, pero ang tanong, mahal ka rin kaya niya? Hindi porke’t pabalik-balik siya sa isip mo, eh ganun din siya? Wala ka pang katibayan na iniisip ka rin niya. Pero ikaw? Naks…! Nakakita ka lang ng mga dahon nakagawa ka agad ng tula? And you posted it on your page’s wall, para sa mga followers mo. Baka kamo may maka-relate?

sanjuanicobridge (briefstoriesblogspot)

 

“Ang pagmamahal ko sa’yo ay parang mga dahon, saan ko man ibaling ang aking tingin, laging naroroon. Kumakaway sa puso kong nalulumbay na para bang nagsasabing “Ba’t andyan ka pa rin? Ba’t di ka na lang maghanap ng ibang mamahalin?” Kung natuturuan lang ang puso, bakit hindi? Pero iisa lang ‘to, mabubuhay, mamatay, para sa’yo.”

Ang korni pakinggan. Pero bawat letra, bawat salita, dama mo, dahil totoo.
Isang beses ka lang magmamahal nang totoo. Pero maraming beses kang masasaktan at maloloko. At kapag ito’y iyong sineryoso, dalawa lang ang pagpipilian mo: Lalaban ka o magpapatalo? Pero pag mahal mo talaga, iisipin mo pa ba ‘yon?
Photo Credit: Weheartit
Sabihin na natin, maling tao. Maling pagkakataon. Maling panahon. Pero walang mali sa’yong nararamdaman. Walang mali na sa puso mo, siya ang pinipili mong mahalin.
“Ang bukas, parating pa.
Ang kahapon, natapos na.
Pero ang ngayon?
‘Andito mismo sa harapan ko.”
Walang pa ring nagbago.
Siya pa rin ang ang laman ng puso mo.
(Photo Credit: Pixhome/briefstoriesblogspot/Weheartit)

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.