“Kagat Ng Kapalaran – Ikalawang Bahagi” (OFW-Kuwento Ng Buhay)

kagatDahil sa matinding pangungumbinsi ng aking mga kaibigan at dahil na rin apat kaming sabay-sabay na sumubok makipagsapalaran sa edad na labing-walong taong gulang ay hindi ako nilukuban ng katiting na takot o kaba.

Naniniwala kasi ako sa sarili kong kakayahan lalo na kung sa kahusayan sa trabahong bahay.

Naging mabilis ang pagproseso ng aplikasyon kung kaya’t halos dalawang buwan pa lamang ay nakatakda na ang paglisan sa bansang sinilangan patungong Qatar.

Sobrang kasiyahan ang aking nadama noong panahon na lulan ako ng eroplano. Tinatanong sa sarili kong totoo bang nagaganap sa lahat ng iyon.

At saka pa lamang kami nakaramdam ng kalungkutan noong magkakahiwa-hiwalay na at ihahatid sa kanya-kanyang amo.

Ang dinatnan kong amo ay ibang lahi. Hindi sila Qatari at mga lahing Ehipto.
Apat na bata at mag-asawang nasa edad apatnapu pataas.

Magiliw at maituturing kung mabait ang amo kong babae. Ngunit sadyang kuripot lamang. Hindi buwan-buwan kong magpasahod at kadalasan ay inaabot ng hanggang apat na buwan.

Ng mga panahon na iyon ay sumubok na akong gumawa ng paraan makibalita sa aking mga magulang at mga kapatid. Ginamit ang pinagkakitaan para sila ay makausap.

At doon ko napag-alamanan na sinugod ni tatay ang sariling kapatid matapos pagsinungalingan ng napakaraming taon.

Hindi pala ipinapadala ang aking mga liham at kapag sinasabing dadalaw sila tatay o nanay ay sasabihin nilang isinasama ako sa pangingibang bansa at ako ang ayaw umuwi sa amin o makita sila.

Pinaghahanap pala ako ng aking pamilya at labis kong dinamdam kung bakit hindi ko sila pinuntahan bago ako nagpakalayo-layo.

Sila ang naging inspirasyon ko sa napakalungkot na buhay dito sa ibang bansa.

Panahon pa iyon ng puro sulat pa lamang at nakikitawag lamang ako sa kapitbahay na may linya ng telepono.

Kung kaya’t sabi ko ipapadala ko na lamang ang mga kinikita ko para magpatayo ng bahay sa kakarampot na lote na mayroon kami, tutal ayaw din naman ng mga kapatid ko ang magsipag-aral.

Matulin na lumipas ang panahon at hindi namalayan na tapos na ang dalawang taon. Hindi ako nagdesisyon magbakasyon kahit sabik na sabik makita ang pamilya sapagka’t nais ko ay matapos muna ang ipinapatayong bahay.

Kaya naman nagparelease ako sa amo ko at nagpahanap ng employer na mataas ang pasahod.

Suwerte naman at mayroon akong nalipatan. Ngunit hindi ko akalain na may nakaamba pala sa aking panganib.

Ang amo kong babae ay ubod ng selosa, sa kanya ko naranasan ang masampal, masabunutan at mabato ng kung anu-ano.

Kung kakulangan sa tulog at pagkain ay sanay na ako at kaya kong palampasin.
Pati ang sakit ng katawan ay kaya pang pagtiisan.

At ang kinakatakutan ay nangyari, minsan naalimpungatan ako na may humahawak ng aking suso at hiyas.

Nakatali ang kamay ko at paa na siguro sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan. Hindi pinalagyan ng kandado ang kuwarto na pangkasambahay.

Laki ng takot ko at hindi rin ako makasigaw kasi bigla niyang tinakpan amg bibig ko.

Bumulong pa ang walanghiya na amo kong lalaki, “Madam and children go to another place! You are mine the whole day!”

Nagpupumiglas ako at kada piglas ko na mahubaran ay lalo siyang nauulol. Ilang beses akong pinagsasampal at halos sakalin na rin sa inis. Ngising demonyo ang hayop na amo!

Kaya naman mabilis akong nag-isip! Sabi ko bahala na…Tumigil ako sa pagpipiglas at habang winawasak ang damit ko ay dinidilaan ang aking katawan. Pumikit ako sa pandidiring nararamdaman.

Tapos sabi niya, “You now want to have sex with me, right? Come on, you will enjoy!”

Tumango ako at laking gulat ko na nagmadali talaga siyang maghubad… tinanggal ang busal ko sa bibig at sabi ko na naglakas loob, “Untie me and let us enjoy!”

Mabilis na kinalagan ako at hindi ako pumalag habang hinuhubaran.
Sabi ko ay maghintay siya at huwag magmadali.

Kahit nasusuka man gawin ay nakipaghalikan ako para makuha ang loob niya.

Sakto naman na gusto niyang ipasubo amg ari niya ay sabi ko walang problema. Kaya ginawa ko ang kanyang nais habang makikita ang sobrang kalibugan ng hayop na lapastangan. Sa gitna ng kasarapan ay bigay todo kong kinagat ang kanyang ari at hindi talaga sana bibitawan hangga’t maputol ngunit tinigilan ko, sapat na ang nagkasugat ng malalim at bigla akong lumayo habang umaaringking siya sa sakit. Tumakbo ako sa kusina ay kumuha ng kutsilyo at pagbalik sa kuwarto ay nasa ganun pa rin puwesto sa sobrang sakit.

“Once you dare come near me, I will kill you! I will tell the police today what happened and I have evidence! I am a virgin and I can prove that you really want to rape me!

Kaya naman sa takot ay naging sunod-sunuran siya pinasundo ako sa agency at binayaran lahat ng kulang na sahod at binigyan ako ng 5000Riyals para sa pananahimik ko.

Nagpasya akong bumalik sa amo ko at matagumpay na lumipas ang pitong taon ay natapos ko ang bahay na pinapangarap ko at ng aking pamilya. Sa pitong taon na iyon ay buong atensiyon ko ay nakatuon lamang sa minimithing matupad. Hindi ko nagawang makipagligawan, parang bigla akong nandiri sa pakikipagtalik. At sa mga taon na iyon ang tanging nasa isip ay makapiling ang pamilya.

Ang inaasam-asam na pagtatagpong muli naming pamilya ay natupad din sa wakas. Masaya kaming nagkasiyahan at nagkuwentuhan sa tahanang pinagsikapang mabuo para manatili kaming sama-sama.

Itutuloy…