Just a Thought

(Photo Credit : Weddingplanideas)
(Photo Credit : Weddingplanideas)

Kanina, my seatmate suddenly asked me, “kapag ba ang isang babae, nagkaanak, pero di pinanagutan nung nakabuntis, mamahalin mo pa siya?”

Gusto ko sanang sabihin,”Ano ka ba, syempre oo. Kasi hindi naman yung tut-tut ang nakararamdam kung mahal mo o hindi. Hindi rin naman porke ang tut-tut niya ay ganoon na ang kalagayan ay wala nang magmamahal sa kanya nang matino. Dahil kung ganoon ang batayan, aba naman, wala sigurong mag-asawa na matatawag na may mga anak ang magkasama at tumatanda nang sabay,” pero ‘di ko sinabi siyempre. May sense, pero nakakabastos.

Ang sinabi ko na lang, “hindi exemption ang pagiging may-anak para hindi siya makakita ng  taong totoong magmamahal sa kanya.. Tao pa rin siya na may puso, babae pa rin siya na may posibilidad na may kaparehang lalaki.”

Hindi porke may anak ka na, at iniwan ng inaakala mo ay sasama sa ‘yo at makikipagpalitan ng tungkod sa pagtanda ninyo, ay iisipin mo na wala ka nang karapatan na mahalin. Although mayroon talagang mga tao na mag-iiba ng tingin sa ‘yo sa ganyang sitwasyon. Hindi naman mawawala yun. Kung yung tumanda nga na walang anak o asawa, may nasasabi pa sila, yung nasa ganyang kalagayan pa kaya?

Pero, hindi ibig sabihin noon, ay ganoon na ang tingin sa ‘yo ng lahat ng tao, particularly ng lahat ng lalaki sa mundo.

Huwag mong isipin, na wala ka nang matatagpuan na lalaki na katulad ng sinasabi ko. Maniwala ka sa kakayahan at kapangyarihan ng tinatawag na pag-ibig.

Hindi ko naman sinasabi na mas malaki ang tsansa na marami ang ganito.. But still, may chance pa rin.

Huwag mong pagkaitan ang anak mo na maranasan ang isang masayang pamilya, na may mapagmahal na ina at tumatayong mabuting ama para sa kanya. Pero hindi ko naman sinasabi in deeper thought na hindi mo kayang itaguyod mag-isa   ang anak mo.  Kaya mo rin yon..

1 Comment

  1. i asked my suitor once, “what if my anak na ako sa pagkadalaga are you still going to love me?”
    he answered, “oo nman kasi pag mahal kita mamahalin ko rin lahta ng mahal mo”..
    i liked it,, dagdag pogi points tuloy..=)

Leave a Reply

Your email address will not be published.