Juan Aksaya

Photo credit from www.sharefaith.com
Photo credit from www.sharefaith.com
Photo credit from www.sharefaith.com

Lagi ka bang namumoblema sa pera? Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Lahat ng tao sa mundo ay ito ang problemang hindi matapos tapos.

Ang tanong ay Bakit nga Ba? at ang sagot, dahil ito ay isa sa mga pangunahing bagay na kailangan ng tao para matustusan ang pangangailangan niya sa araw-araw.

Maraming paraan din para maibsan ang kakulangan ng pera sa buhay ng isang tao, ngunit maraming tao din kasi ang mas inuuna pa ang luho kaysa sa pangangailangan.

Isa na diyan si “Juan Aksaya”. Gusto ba ninyong makilala kung sino siya? Kung ganun ipagpatuloy n’yo itong basahin.

Si Juan aksaya ay isang tipikal na pinoy na lumaki sa isang mahirap ngunit marangal na pamilya. Marami siyang adhikain sa buhay, pero kahit anong sikap niya sa pagtatrabaho ay hindi siya makaangat-angat sa kinalalagyan niya sa dahilang siya ay isang gastador at hindi marunong mag-impok o ni magtipid.

Sa tuwing makukuha niya ang kanyang kinita ay mas inuuna na ibili ito ng kanyang mga luho.

Isang araw habang naglalakad si Juan papunta sa trabaho ay nakasalubong niya ang kanyang kapitbahay at una niyang napuna ang high tech nitong dalang bagong cellphone. Naengganyo si Juan na bumili rin kaya lang ay kulang ang kanyang pera. Doon ay naisipan niyang mangutang sa kaniyang kasamahan sa trabaho para makabili ng bagong cellphone at pinautang naman siya nito.

Tuwang-tuwa si Juan at lagi niyang idinidisplay sa kanyang mga kapitbahay ang bagong biling cellphone. Sumunod na araw nakita ni Juan ang kanyang kababata na busy sa paglalaro ng games sa kanyang laptop nang siya ay bumisita sa bahay nito. Naengganyo na naman si Juan kaya pinambili niya ang kanyang suweldo ng laptop kahit isang buwan siyang magtitiis na sardinas ang ulam; basta ang mahalaga ay masaya siya sa bago niyang libangan.

Lumipas ang ilang buwanat  nauso ang ibat ibang socia media sites at ito’y mabilis na nalaman ni Juan kaya gumawa rin siya ng sariling account. Dahil sa social media account maraming nakilala si Juan pati na rin ang dati niyang mga kaibigan at dating kakilala. Lagi niyang tinitingnan ang mga shinashare ng bawat isa at lumawak na ang mga kakumpetensiya niya na dati mga kapitbahay lang, ngayon buong sambayanan na.

Kaya naisip ni Juan na kumuha ng credit card para makiuso o makisabay sa mga kaibigan niya online, shopping dito, shopping doon at ipinopost niya ang bawat resibo ng pinamili niya para masabing siya ay maraming pera. Araw araw ay sa mamahaling restaurant siya kumakain at halos sa mall na siya tumira pag wala siyang trabaho o pagkatapos ng trabaho.

Dumating na ang araw na baon na baon na si Juan sa kanyang mga utang, wala nang natitirang suweldo dahil kulang pa itong pambayad niya. Pinapalayas na rin siya sa kanyang niloan na condo at binabawi na rin ang kanyang inutang na sasakyan.

Lugmok na lugmok na siya at labis niyang pinagsisihan kung bakit mas inisip pa niya ang sasabihin ng ibang tao kaysa mamuhay nang simple at nang ayon lamang kung ano ang meron siya.

Saglit na nagmukhang mayaman sa mata ng mga kaibigan at kapitbahay ngunit habambuhay yata siyang maghihirap sa totoong mundo niya kung hindi niya babaguhin ang kanyang pag-uugali. Masyado siyang naging ambisyoso at ang pagiging mayabang ang naging sanhi kung bakit naging Juan aksaya siya.

Walang masama na maghangad ng mga bagay, pero dapat natin itong paghandaan at pagipunan, dahil mayroong tamang panahon para ito ay ating makamtan. At kung hindi afford na bumili, huwag mangutang o ubusin lahat ang pera para sumabay lang sa uso. Higit sa lahat, huwag natin sanayin ang ating mga sarili na masanay sa mga bagay na puwede namang wala sa ating buhay.

Sana ito ay magsilbing aral sa lahat na dapat pahalagahan ang bawat sentimo na ating pinaghihirapan. Magtipid at mag-impok para sa kinabukasan. Huwag idepende ang buhay sa sasabihin ng iba o kung ano ang meron ang iba. Mamuhay lang kung ano ang kaya mo at kung ano lang ang mayroon ka. Magpakatotoo dahil ang isang kayabangan na wala sa lugar ay siya rin sanhi ng kahirapan.

About Butterfly Kisses

Just simply love to write on my spare time and I love web designing too.I started writing from a young age and most of my writing skills are self taught.My goal in any of my writing is to uplift and encourage people,sharing my thoughts to express myself and convey message to others.