Joyce Pring, Juancho Trivino umamin na

Image from Joyce Pring via Instagram

Nagdiriwang ngayon ang mga supporters ng Juanchoyce dahil sa rebelasyon na ibinunyag ng mga Kapuso host na sina Joyce Pring at Juancho Trivino noong nakaraang linggo.

Sa isang Instagram post ni Joyce ay tinanong niya ang kaniyang mga followers kung napanood na ba nila ang latest vlog ni Juancho sa YouTube.

Nagpahiwatig pa ang Kapuso host sa mga ginamit niyang hashtag sa kaniyang IG post: #joythtotheworld, #juanchoyce, #thejuan

Image from Joyce Pring via Instagram

Marami ang kinilig noong inamin ng dalawa na sila nga’y magkarelasyon na. Sa 15-minute video vlog ni Juancho, kasama niya roon si Joyce kung saan ay sinagot nila ang mga katanungan na ibinigay ng kanilang fans

Isa sa mga tinanong ay kung paano sila unang nagkakilala. Kinuwento ng dalawa na una silang nagkatagpo noong 2014 sa isang clothing brand event.

Ipinakita rin sa vlog ang unang picture nilang dalawa noong una silang nagkakilala.

“During the show, I was tasked to pick out mga best dress to call on stage. I picked out four people. Three or four girls, and then one guy. And that one guy just happens to be Juancho,” kuwento ni Joyce.

Dagdag pa niya, “He approached me. He asked for a photo. ‘I said, sino itong cute kid na ito.’”

Tinanong din sa vlog kung ano ang first impression nila sa isa’t isa.

Maganda!” Walang pag-aatubiling sagot ng binata

Image from Joyce Pring via Instagram

Ikinuwento rin nila kung paano muling nagkrus ang landas nila sa morning show na Unang Hirit kung saan sila ay naging host.

Mula sa pagsasama sa hosting, na-develop ang dalawa hanggang sa nanligaw na si Juancho kay Joyce.

“Lahat ng ginawa ko on social media, lahat ng pangliligaw 101s ko, was me trying to catch her attention. Papasayahin ko siya, iintindihin ko kung ano yung mga needs niya over wants,” kuwento ng binata

Sa huling bahagi nga ng video ay tinanong nga kung “Kayo na ba?” at ang dalawa ay mabilis na sumagot ng “Yes!”

Ngunit paglilinaw ni Joyce, ayaw nila umanong gawing big deal ang kanilang relasyon. Ang mahalaga raw ay ang malaman ng kanilang mga fans na sila ay masaya sa piling ng isa’t isa

Click image to watch Juancho’s vlog


“We’re very happy and we both prayed about this relationship and we keep praying about it. It’s the first time for us to be in a relationship that feels right,” ani Joyce.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.