#ItsMoreFunInThePhilippines

(Photo Credit: visitpinas.com)
(Photo Credit:  visitpinas.com)
(Photo Credit: visitpinas.com)

Pango man iyang ilong mo at di kaputian ang balat, congrats dahil isa kang Pilipino.  Kung nabahiran man ng dugong foreign ang iyong  pagkatao, kahit one percent lang ang iyong pagka-pilipino, lagyan mo ng ngiti iyang labi mo. Di mo man gusto, pilitin mo dahil ganyan tayong mga Pilipino – ngiti lang nang ngiti, masaya palagi.

More smiles, more fun. It’s more fun in the Philippines!

Hahaha. Hehehe. Hihihi. Hohoho.
Pero walang Huhuhu!

Anong meron sa Pilipinas, bakit more fun?

BABALA: Ang mga mababasa sa susunod ay ilan lamang sa mga ‘ka-more-fun-more-fun’ na kaganapan sa Pilipinas na magbibigay hustisya sa “It’s more fun in the Philippines!” tagline.

#Pulo-puluan
Ang Pilipinas ay binubuo ng mga kapuluan na napapalibutan ng katubigan. Sa bawat pulo, may mga kanya-kanyang pakulo. Sagana sa likas na yaman, bansang kay ganda nga naman. More fun.

#Gumu-gobyerno
Isa tayong demokratik na bansa. Wala kay Darna ang kapangyarihan, nasa kamay ito ng mga mamamayan. Bida ang masa, kaya masaya. More fun.

#GayaGayaPutoMaya
Tayong mga Pilipino ay mga dakilang wannabe! May amerikanong-hilaw, chinitong-tutong, koreanang-tabang at kung anu-ano pang mga lutong pilit. Mahilig tayo manggaya ng ibang lahi. More fun.

#LeytKaNaNaman
Dito sa bansa natin, late ang orasan. May tinatawag tayong ‘The Filipino Time’. Isang kultura nang nakasanayan at patuloy yatang pinaninindigan. Akala mo maaga, late na pala. More fun.

#ManoPo
Sa Pilipinas, uso parin ang pagmamano na natutunan natin sa ating mga kaibigang tsino. Kay gandang tradisyon na sana’y magpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. Mano kay lolo, mano kay lola, mano kahit dun sa di mo na kilala.  More fun.

#ModelongNoypi
Ang Pilipinas ay pinamumugaran ng mga ‘topless tambay’. Dahil tayo ay nasa tropical zone —- mainit. Kaya katanggap-tanggap ang pagpapakita ng abs. Uso ang maghubad ng sando, habang nakikipagkwentuhan sa kanto. Pero tandaan, mga lalaki lang ang gumagawa nito. More fun.

#Mapamahiin
Tayong mga Pilipino, mahilig maniwala sa kung anu-ano. Yung pamahiin ni lolo, sinasalin sa kanyang mga apo. Ang malas at swerte, sa mga pamahiin nakadepende. More fun.

#SusMariaHusep
Masyado din tayong relihiyoso, grabe ang kapit natin sa kristyanismo. Kapag nasa mabigat na sitwasyon tayo, binabasa natin ang sobrang habang listahan ng mga santo. More fun!

#TabiTabiPo
Nuno, tsanak, manananggal, tiktik, kapre, mambabarang, tikbalang, at kung anu- ano pang mang engkanto… maraming mga kakaibiang elemetong bumabalot sa mundo ng mga Pilipino. More fun!

#KaraOkey
Pilipinas Got Talent. Lalo na pagdating sa kantahan, bidang bida tayo dyan. Hindi nakapagtataka, dahil sa bawat sulok ng Pilipinas, sa karaoke di ka makakalampas. More fun!

The more, the merrier sana, kaya pasensya kung hanggang sampu lang ang aking kota.  Kung gusto mo pa, aba magmatyag ka, tyak na makakapaglista ka ng mas marami pang iba.

Why is it more fun in the Philippines?
Because we Filipinos are fun (and funny too).

Tayong mga tao mismo ang dahilan kung bakit sinasabing It’s More Fun in the Philippines. Tayo. Oo, tayong mga Pilipino. May sumasapi sating kakaibang ispiritu na nakakapagpaligaya sa kahit sino.

Umulan, bumagyo, gumunaw man ang mundo, may ngiti pa rin sa labi ng mga Pilipino.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.