Isisi ba lahat?

Kaya daw maraming mahirap, naghirap, naghihirap at maghihirap palang dahil daw sa GOBYERNO. Pero hindi ba TAO mismo ang may pag-kukulang, TAO rin ang dahilan kung bakit sya mahirap, naghirap, naghihirap at maghihirap palang. Marami dyan talagang galing sa hirap at walang pera pero nagsumikap umahon sa buhay.

 

Bakit kailangan mong isisi sa Gobyerno ang iyong mababang sahod? gayong kumpanya ang mismong nagpapasahod sayo at hindi ang Gobyerno. Bakit kailangan isisi sa Gobyerno ang pag-taas ng presyo ng gasolina o nag iba’t-ibang bilihin? Sisihin mo ang namamahal sa World Market at yung iba’t-ibang unos na nagiging dahilan kung bakit nagmamahal ang gulay at isda. OO alam kong kurakot ang Gobyerno, pero kayang kaya mong umangat sa buhay ng hindi nangangailangan ng kahit sinong magnanakaw sa Gobyerno dahil IKAW mismo ang maghahanap ng trabaho at hindi sila, makikinabang lang sila sa buwis mong binabayaran.

 

Lagi mo rin sinasabi na kung nakapag-aral ka lang sana titulado kana sana at kumikita ng malaking pera, pero diba marami namang naka-tapos at yumaman dahil sa pagbabasura, pagtitinda ng pisbol, pagbebenta ng tingi-tinging sigarilyo sa kalsada at dahil sa kanilang sipag at tiyaga kaya wag mong sisihin na mahirap lang kayo kaya naging tambay, adik, pusher, prosti ka ngayon.

 

Lagi mo ring sinasabi na kaya ganyan ang nangyari sayo dahil Kapalaran mo yan, wag kang tanga ikaw ang pumili ng kapalaran mo hindi nangyari yan dahil nagkataon lang.

 

Walang mangyayari sa buhay mo sa kakasisi mo sa iba. Ang mga ginagawa mo ang siyang nagiging bunga ng mga nangyayari sayo.

 

25 Comments

  1. Totoong-totoo lahat ang sinabi ng author. Walang ibang dapat sisihin sa buhay mo kundi ikaw dahil ikaw ang nagdedesisyon at hindi iba. Nasa kamay mo palagi ang buhay mo. Kaya kung nakasadlak ka sa hirap ngayon, kasalanan mo yun!!!!!

  2. ung mga nagpo-protesta naalng sa kalsada .. sino ba sila? sino ang lider nila? alam ba ng lahat sa kanila kung ano ang ipinaglalaban nila? di ba karamihan sa kanila binayaran lang naman? then ung lider na nag-organize ng protesta, nasan? di ba nakaupo rin sa kalaunan? bakit ung mga mangmang ang laging hinahakot sa kilos protesta? kc ang P500 napakalaking bagay na sa kanila …. alipin ang mga tao ng kamangmangan kc gobyerno ang numero unong dahilan ng kamangmangan ng mga pilipino … an gobyerno, sinamantala tayo … tayo na nag babayad ng buwis …. ang daming lubak na kalsada, importante un sa pagunlad ng isang bayan … kulang ang eskwelahan, libro at guro, importante un sa edukasyon .. kulang ng gamot, ospital at doktor importante un sa kalusugan .. si senador, si kongresman, si mayor, nasa party lang .. BAYAN GISING!!!!!

  3. dito kahit anong sikap mo, sa baba ng sahod, kulang pa rin .. tapos ang taas ng basic necewssities .. sa ibang bansa, mahal nga nag bilihin pero mababa naman ang basic necessities at may help from gov’t .. at mataas ang pasahod … health at educ system sa ibang bansa napakaganda … dito sa pilipinas … may napakahirap at napakayaman .. sa ibang bansa, sa isang restaurant pedeng kumain ng sabay ang mahirap at mayamn … kc can afford sila … sisihin ang kurakot na gobyerno kc gusto nila maraming mangmang na tao para marami silang maloloko pag araw ng eleksyon … sabi nga ni RIZAL, WAG MAGING MANGMANG DAHIL SA KAHIRAPAN … pero ung pagiging mangmang ng karamihan ang ginagamit ng mga pulitiko para makaupo sa pwesto …

  4. No. 1 kaya mahirap itigil ang pag-gawa ng maraming bata….2nd Mag-tanim tayo ng kahit anong makakain ,mahirap kasiy marami sa mga pilipino mga tawad ..umaasa lang sa bigay…hingi!!!

  5. Government means Act, manner, fact, of governing; portion of country ruled by governor, province; system of governing, form of polity. Body or successive bodies of persons governing a state; the state as an agent; an administration or ministry; form of prime minister select colleagues; house, official residence of governor; bonds, securities, etc., bonds, exchequer bills, etc., issued by government. Governance an act, manner, fact, or function, of governing; sway, control.

  6. Ang tao nga naman, palaging gusto me masisisi, lahat tayo ay binigyan ng abilidad ng diyos para umasenso sa buhay, kung tatamad-tamad ay walang mapupuntahan. kung tuturo ka isang daliri ang gamit at tatlong daliri ay nakaturo sa iyo. 🙂

  7. mababa talaga ang sahod sa atin kahit anong sikap mo rin talaga, pambayad lang ng koryente di pa rin sapat ang sahod mo sa isang buwan pano pa kaya kung nag rerenta ka lang ng bahay at meron pang kuryente pati na bilihin pangkabuhayan sa pang araw araw. kalahati sa atin at kalahati rin dapat sa gobyerno dapat nagtutulungan talaga para tayo makaahon..

  8. wag isisi sa gobyerno ang kahirapan ninyo! kayod kayod lang kayo ng kayod para umaangat kayo pag may tiyaga may nilaga….!

  9. tama! parehas lng tyo, corap ung gob. ts puro reklamo nmn mamamayan e bkt di sla mgtrabaho ts mgrreklamo sa gob. tsss

  10. Diskarte Lang sa buhay.. Kahit di ko Natapos kurso ko, I was able to go around the world, legally ahehe, experience 3 months of sunshine on top of the world and chase penguins in the Antarctic. Sabi nga ni JFK.. “Ask not what your country can do for you but what you can do for your country.” greetings from Spain everyone

  11. para sa akin hindi tama isisi lahat sa gobyerno kung bakit naghihirap ang tao,wala nman perpekto gobyerno,sa america nga at europa mayaman bansa na sila pero bakit may mga tao HOMELESS pa rin tayo nakikita,maghihirap ang tao kung hindi ka magsisikap may pinag aralan ka man o wala kung marunong ka sa buhay ay aasenso ka

Leave a Reply

Your email address will not be published.