Isdang ginataan, ang ulam na hindi pagsasawaan

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Google Image Public Domain

Dear Tito Richard,

Hello po! Ako po si Liezel. 30 taong gulang. NBSB po, o “No Boyfriend Since Birth”. Pero hindi na po ngayon, hehe. May nakilala po kasi akong foreigner sa isang dating app. Naging kami na po, at dadalaw siya rito sa Pilipinas.

Ang tanong ko po, may mairerekomenda po ba kayong lutong Pinoy na pwede kong lutuin for him? Yung hindi niya pagsasawaan, parang ako… hihihi.

Salamat po sa reply!

Nagmamahal (sa Kano),

Liezel

Madali lang iyan, Liezel. Bakit hindi mo lutuin at ipatikim ang isdang ginataan, na tiyak na hindi ninyo pagsasawaan!

Makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang isang larawan ng isdang ginataan na tiyak na hindi pagsasawaan. Sa partikular, ito ay ginataang tambakol o tuna.

Umani ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Napakasarap talaga niyan! Actually, masarap ang lahat ng ulam na may gata.”

“Miss ko ‘yan isapaw sa bagong lutong kanin tapos magkakamay lang at mapapaso nang konti… Haha…”

“Mula pagkabata ko hanggang ngayon, paborito ko iyan. Masarap na masarap na ulam!”

Bukod sa isda, maaari ding gawing ginataan ang iba pang mga lamang dagat tulad ng talangka, alimango, suso, kuhol, gayundin ang karne ng baboy, mga gulay, hipon, at maging ang isang uri ng meryenda na “bilo-bilo.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Ang ginataan ay isang uri ng lutong Pilipino na pinasasarap ng kakang gata o coconut milk, samahan pa ng mga pampalasa tulad ng suka, bawang, sibuyas, at luya.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.