Isang Pinggang Longganisa

Mayroon daw mahigit 25 na klase ng Longganisa sa Pilipinas?

Bawat probinsya kasi yata sa bansa natin may kanya-kanyang timpla ng longganisa. Bukod pa riyan kung baboy o baka ang gamit na meat sa longganisa. Pero kung tutuusin, sa dalawa lang naman nahahati ang all-time favorite breakfast nating mga Pinoy—matamis o maalat. Pero kahit ano pang  lasa niyan, ang mahalaga ay malutong ang pagkakaluto at papartneran ng masarap na suka! Ay! #MayForever 🙂

Kaya nga ako napasulat tungkol sa isang bagong kainan sa may Caloocan na dinayo namin noong Lunes. Parang nagfield trip kami kasama ng mga longganisa. Maliit lang ynug kainan kasi nagsisimula pa lang, pero ang “homey” ng kainan!! Para kang ibinalik sa probinsya dahil sa simpleng interior design. (Na-feature na pala siya sa Umagang Kay Ganda. 🙂

1930336_1672504109633838_4583919187341760948_n  12507431_1672504036300512_4453838746242138834_n

12400924_1672731986277717_6147529519972462477_n

Pero ang bida dito ay ang mga longganisa, syempre! Sa halagang 60-70php lang may isang serving ka na ng longganisa of your choice (plus sinangang at itlog 🙂 )

Mamili ka na from Lucban, Cebu, Ilocos, Pangasinan, Cabanatuan at Nueva Ecija. Meron din mula sa Calumpit, Aklan, Bohol, Dagupan, Tacloban, Batangas.

Authentic na authentic yung mga longganisa kasi galing talaga ang mga ito sa mga lugar na yan. Meron ding Longganisa platter na nandun na lahat ng longganisa ng gusto mong matikman, pero mura lang. Promise!

Oh diba, nakapag food/field trip ka na, nakatulong ka pa sa mga kababayan natin na gumagawa ng mga orihinal na recipe ng longganisa.

952_1672048053012777_71012075749932795_n
Longganisa Platter!!!

Naku, masarap yan ka-partner ng Hot Choco na  Tablea na galing pa ng Bohol, may kasama pang suman. Kung gusto mo naman sabayan mo ang masarap nilang Kamias shake ng  sikat na sikat na Pancit Habhab ng Quezon. 🙂

For dessert, nakatikim din kami ng Special Binagon  at Moron from Tacloban, oh diba. Lakas maka-Department of Tourism ng kainan ni Ate Joy?

Special Binagol and Moron Tacloban
Special Binagon at Moron from Tacloban

 

 

Dayuhin na ang Kainan ni Ate Joy sa Caloocan!

#12 Pilar Street Morning Breeze

Caloocan, Philippines

(02)448-04-75, 0917-939-7733, 0922-220-8708

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.