“Isang Pad ng Papel” [Kuwento ng Buhay ni Kikay]

Ikalawang Kuwento

Sa sobrang hirap namin, tanging isang pad ng papel ang kayang ibili sa akin ng tatay ko.

Dahil bata pa, wala akong pakialam kung iisang pad lang ang papel ko. Ngunit pagdating na sa silid–aralan, nakikita ko ang mga kaklase ko na mayroong ilang pad ng papel na nababalutan ng makukulay na pangbalot with matching plastic cover pa. Naiinggit ako at sa pag-uwi ko, nabanggit ko sa tatay ko, at ang tanging nasabi ng tatay ay “Kikay, kahit konti ang papel mo kung mag-aaral kang mabuti at ilalagay dito (sabay turo sa ulo ko) talo mo pa ang may madaming papel”.

Hindi ko maintindihan subalit dahil sabi ng aking tatay kaya sumunod ako.

Napakatiyaga ni Tatay na magturo sa akin ng Math at Reading kaya sa sobrang gusto ko siyang matuwa mine-memorize ko ang pahina kung saan niya ako tinuruan at pagdating ko ng bahay ay agad ko itong binabasa sa harap niya, natutuwa naman siya, ngunit nang ilipat na niya ang pahina ay lagot hindi ko na mabasa. Tawa lang ang ibinigay ng tatay ko.

Kahit sa Math magaling din magturo ang tatay  dahil pagkatapos kumain ay magpapa-solve ‘yan ng Math at sasabihin “3 itik + 3 manok = ?” at sasagot naman ako ng 6 at paulit-ulit ang ganitong sitwasyon…nag-uusap ng kung anu–anong topic — “buhay, lovelife, Diyos, politika, kamatayan lahat under the sun..”

Sa kagustuhan kong mapasaya ng tatay ko, nagsikap ako sa pag-aaral upang mabigyan siya ng kaligayahan kahit sa ganitong paraan lang. Hanggang sa makapagtapos ako ng high school bilang isang valedictorian… very proud ang tatay ko. Lalo na nung makatapos ako ng kolehiyo (dahil isa akong iskolar)…

Medyo sad nga lang siya dahil that time pumanaw na si Inay (sa Gas Stove story). Tatlong taon pa kaming nagkasama ni Itay bago siya binawian ng buhay at sa tatlong taon na ‘yun ay puno ng mga magagandang alaala…“ ang mga debate namin tungkol sa buhay, lovelife ko (kung paano ako umiyak), politics, Diyos, at ang mga pangarap pa niya na tanging ako at ang aking tatay lamang ang nakakaalam.

father daughter photo
Photo by Keelco23 (Pixabay)

REWIND:

Higit na napamahal ang tatay ko sa akin nang minsan makita ko siyang umiiyak dahil sa kawalan ng pag–asa sa aming kalagayan sa buhay. Bigla kong nabanggit sa aking sarili, “I will make a difference”… at bigla akong lalabas upang mapasaya sila… ngunit sa kaibuturan ng aking puso naroon ang bigat at sakit na makitang ang mga magulang ko ay umiiyak dahil hopeless at naawa na sa amin.. at sa puntong iyon naitatak ko sa isip at puso ko na magtatapos ako ng pag-aaral  – iisang pad man ng papel ang mayroon ako. At magiging susi ako upang umasenso ang estado ng buhay naming magkakapatid at ng ibang tao.

PAUSE:

  • Balikan ang mga panahon na magkasama kayo ng tatay mo. Pumikit sandali at muling buhayin sa inyong alaala ang mga masasayang sandaling kasama mo siya.
  • Manahimik sandali at hayaan mong madama kahit sa isip lang ang yakap ng iyong ama. Yakap na nagsasabi sa iyo “pasensya na, anak.. kung minsan kontrabida ako sa buhay mo.. pero sa totoo lang mahal na mahal kita.”

MAG-REFLECT

Mag–isip ng isang magandang surprise sa tatay mo…o kaya magpagawa ka ng t-shirt na ang nkalagay “Ur the BEST DAD in the WORLD!” o kaya bumili ng ticket para sa laro ng favorite PBA team ng tatay mo sa Araneta Coliseum.

girl praying photo
Photo by Pexels (Pixabay)

PRAYER:

  1. Dear Lord, minsan tinanong kita bakit mo kinailangang kunin si Tatay sa panahon na nag-eenjoy na kami, sa panahon na kaya ko nang ibigay ang gusto niya, pero I thank you pa rin kasi hinayaan mo pa kaming magkasama sa maikling panahon.
  2. Lord, haplusin mo po sana ang mga puso at isip ng mga anak na may sama ng loob sa kanilang mga ama. Nawa ay sulitin nila ang mga panahon habang pinahihiram mo pa ang ang kanilang ama. Bigyan nawa nila ng halaga ang mga sakripisyo, aral at pagpupursige ng kanilang ama.
  3. Lord, para po sa mga ama na lumimot at nagkamali, nawa ay haplusin mo rin po ang kanilang puso, upang gawin nila ang tama at nararapat.

Buwan ng kapanganakan ngayon ng aking ama. Regalo ko ito sa ‘yo tatay. Ipagsisigawan ko sa boung mundo ang pagmamahal at respeto ko sa ‘yo. Lagi kong isasapuso at isasaisip ang mga aral na binigay mo sa akin. Ako na po ang bahala. Katulad po ng usapan natin habang nasa ospital ka, gabayan mo ako lagi. Maraming salamat, tatay ko.

 

See First Story – “Gas Stove” [Kuwento ng Buhay ni Kikay]

Photo credit: article.wn/stevendepolo

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.