Isang araw pagkagising ko…

(Photo Cfredit: fourteenhearts.blogspot.com)
(Photo Cfredit:  fourteenhearts.blogspot.com)
(Photo Cfredit: fourteenhearts.blogspot.com)

Tahimik ang mundo ko, normal ang takbo. Kumbaga sa bisikleta, swabeng-swabe.

Hanggang sa makilala ko siya.

Doon na nagsimulang magbago ang lahat. Noon ay normal pa naman ang takbo hanggang sa….

Isang araw, pagkagising ko, mahal ko na pala siya.

Syet!

Iniiwasan ko ang umapak sa bangin upang makaiwas sa pagkakahulog, pero sadya yatang napakalakas ng hatak ng pag-ibig; hinulog niya ako papunta sa kanya.

Alam mo ‘yung pakiramdam na para siyang snatcher na napakatulin ng takbo sa isip mo; kulang na lang na sabihin mong… “hoy tumigil ka naman, hindi ka ba napapagod?” pero sadya yatang pinaglihi ka sa kamay ng orasan na patuloy ang pagtakbo sa kukote ko.

Na-LSS tuloy ako sa kantang Araw-Gabi. Letse naman kasi parang itinadhana sa akin ang kantang iyon.

Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit sa’n man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwaKapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa

Wala lang naman… Naikuwento ko lang ang nilalaman ng brain ko. Gusto ko siyang palayain upang kahit sa ganitong paraan ay mapalaya ko siya.

Sige, matutulog na ako. Good night, sweet dreams.

About x