Ipinahiram Ko Ang aking Asawa

(Photo Credit: fun.front.lv)
(Photo Credit:  fun.front.lv)
(Photo Credit: fun.front.lv)

Kamartiran bang matatawag ang magpaubaya para sa ikaliligaya ng minamahal? O kagagahan lang ang lahat ng ito?

Ako ay si Reem, tatlumpu’t walong taon gulang, sampung taon nang kasal sa asawa ko, ngunit hindi pa kami biniyayaan ng supling, nabuntis na ako noon, ngunit sa kasamaang palad ito ay na miscarriage/unintentional abortion ako dahil sa mababaw daw ang aking bahay-bata.

Sa pangalawang pagkakataon ako ay nagbuntis muli, pero hanggang tubo lang ito. Ectopic pregnancy na tinatawag. Naoperahan at na depress, pinayuhang magpahinga muna sa pagbubuntis. Ang asawa ko ay nalungkot sa pangyayari, ngunit hindi niya ako sinisisi dahil wala naman akong kasalanan, he kneows how eager I was to have a child.

Isang empleyado sa munisipyo ang aking butihing mister. Ako naman ay isang contract medtech sa aming pang-gobiyernong ospital. Kaming dalawa lang sa bahay, at minsan ay hindi pa kami nagkakasama sa gabi dahil hindi magkatugma ang aming eskedyul sa trabaho, may mga pang-gabi kasi akong duty. Para lang kaming magkaibigang nagbabahay-bahayan. Walang maingay, walang nagkakalat ng mga gamit. Lahat ay organisado sa bahay. Nakapasimple ng aming buhay mag-asawa. Wala kaming pinagtatalunan.

One time, inimbitahan ako ng aking kapatid na mag-tourist sa Australia, at na-grant na rin ang aking pag-aaplay sa isang hospital doon, pero kailangan ko muna ng anim na buwan na residency bago ako pumasok sa trabaho. Aba! Naexcite ako, hindi ko pa man naipapaalam sa aking asawa ay nagpaalam na ako sa ospital na magreresign. Hindi na ito nakatanggi nang aking ipaalam ang aking desisyon, tila lang ito ay nabulunan. Hindi nakapagsalita.

” Hon, this is it! Stepping stone ko na ito para sa aking pangarap, ” pagsusumamo kong may lambing at haplos sa pisngi.

” Ayaw ko man, wala akong magagawa, ayaw kong maging hadlang sa iyong mga pangarap; ayaw kong isiping hindi ka kuntento sa aking kinikita,” tilang nagtatampo ang himig nito.

” Hindi sa ganoon, gusto ko lang samantalahin ang panahon at pagkakataong ibinigay sa atin, pagkatapos ng isang taon, susunod ka na. Doon na tayo maninirahan,” ani kong pinalulubag ko ang kanyang loob.

Tumuloy ako sa Australia dala ang pangarap at pagtitiwala at matinding pagmamahal.sa aking asawa, naging smooth-sailing naman ang aking pagtira doon at pagkatapos ng anim na buwang pagtambay sa bahay at paggala ay nakapag-umpisa na akong magtrabaho.

Dalawang beses sa isang linggo ang pagtawag ko kay mister, okey lang naman daw siya, doon siya kumakain sa mga biyenan ko kasi ayaw niyang magluto at kumaing mag-isa. Malungkot raw, naaalala niya lang ako. Minsan, doon rin siya daw natutulog, uuwi lang kung magbibihis.

Malapit na akong mag-isang taon sa Australia nang may sabihin siya sa akin.

” Hon, kilala mo si Faye? Iyong taga-encode namin sa opis na dalaga? ” tanong nito.

” Yes, bakit anong nangyari kay Faye?” Wala sa isip kong naitanong.

” Wala naman, panay kasi ang reto ng aking mga kasamahan sa akin na ligawan si Faye, pampalipas oras lang kasi wala ka naman daw,” tila nahihiyang sabi nito.

” Bahala ka, Hon, basta isipin mo kung gaano kita kamahal, huwag kang maglalaro ng apoy kung hindi mo ito kayang patayin at baka ikaw ay masunog,” matalinghaga kong sabi.

” Hindi, Hon, hindi ako gagawa nang anumang bagay na ikasasama ng iyong kalooban,” paniniguro nito.

Eksaktong isang taon na akong nagtatrabaho sa ibang bansa at halos matapos ko na rin ang pagpoproseso sa papeles ng aking asawa upang ito ay makasunod sa akin.

Isang malamig na umaga nang may matanggap akong text galing sa aking asawa.

” Hon, I’m so sorry, very sorry.”

” Why, Hon what happened?” Text back ko, natataranta na ako.

Hindi nagreply, naghintay pa ako ng isang oras sa kanyang reply. Ngunit wala, nagulumihanan ako. Bumili ako ng pre-paid card at tinawagan ko na.

Kay tagal sagutin, nakalimang dial pa ako bago sinagot.

“Hon, mapapatawad mo ba ako? “tanong agad ang kanyang ibinungad.

“Teka, teka! Klaruhin mo muna, ako ay nalilito, hindi ko alam ang iyong kasalanan,” nanginginig na ang aking tuhod, dahil may masama akong kutob.

” Hon, nabuntis ko si Faye, maglilimang buwan na,”paglilinaw nito.

“Ha?” Tila ako nauupos sa aking kinatatayuang telephone booth, nawawalan ng lakas ang aking mga tuhod. Nabitiwan ko ang telepono. Humagulgol ako.

Naririnig kong nagsasalita ang aking asawa sa kabilang linya dahil nakahang pa rin ang aking tawag.

Iniwan ko ang booth na nakahang ang telepono. Lupaypay ang balikat at napaupo sa bench at doon pumalahaw ng iyak. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan. Wala akong pakialam.

Isang buwan kong hindi kinausap ang aking asawa, tinikis ko ito, namimiss ko siya, pero kapag naaalala ko ang kanyang kasalanan ay nagagalit ako.

Panay ang hingi ng tawad ng aking mister, hindi ko man sinasagot ang mga text nito,  panay pa rin ang kanyang pagbabalita sa mga nangyayari sa kanya at kay Faye, kesyo nanganak na raw ito, babae ang baby at ceasarian section. Hindi pa nga raw nakalalabas sa Ospital dahil sa malaking babayaran.

Ano ito nagpaparinig?

Sa totoo lang, wala akong maramdamang galit kay Faye, naaawa pa nga ako sa kanya. Minahal man siya ng aking asawa, wala akong pakialam. Iba ang aking nararamdaman para sa kanya.

Dalawang araw mula nang magtext ang aking mister ay tinawagan ko ito.

” Kirk, kunin mo ang pera sa acct mo at bayaran mo diyan sa Ospital para makauwi na ang mag-ina mo,” wala nang Hon na term of endearment namin.

“Ha? Seryoso ka, Hon? Salamat, maraming salamat.” Alam kong naluluha ito.

Kawawa naman ang bata, madadamay, wala naman itong kasalanan.

Dalawang taon ako sa Australia at napagdesisyonan kong magbakasyon.

Dumiretso ako sa bahay ng aking mga biyenan, humingi din ang mga ito ng tawad sa akin sa nagawa ng kanilang anak. Yakap at tapik sa balikat lang ang isinukli ko sa kanila.

Nag-usap kaming tatlo nang masinsinan. Umiiyak si Faye, nakayuko lang ang aking asawa.

” Patawarin mo ako, ate Reem, natukso ako sa iyong asawa, kung iyong mamarapatin ihahabilin ko si baby Julliene sa iyo, angkinin mong parang tunay mong anak at ako’y hahayo upang hanapin ang aking kapalaran,” panay ang iyak nito.

” Ha?” na-shock ako sa kanyang desisyon.

Tahimik lang ang aking asawa.

Napag-usapan na namin ito ni Kirk, sang-ayon ako. Sa piling n’yo ay mas magkakaroon siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mabait ka at mapagmahal, magiging panatag ang kalooban ko kung sa inyo ko siya iiwan.” Pinahid ang mga luha at ibinigay sa akin ang bata.

Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin, niyakap ko si Faye at umiiyak din siyang napayakap sa akin.

“Maraming Salamat sa iyo, Faye, harinawa’y matagpuan mo ang iyong kaligayahan, mamamhalin ko si baby Julliene bilang anak, at kung nais mo siyang makita, huwag kang mag-atubiling magsabi sa amin.”

Tumango lang ito at umalis na.

Dinala namin si baby Julliene sa Australia at doon pinalaki at pinagyaman.

Ibinalik sa akin ang aking asawa; may kasamang bata pa.

6 Comments

  1. Honestly, this is fucked up. I’m sorry but only a weak and pathetic woman will accept the husband again after the fact that the husband cheated and impregnated another woman! Plus the fact that they will use her savings which she worked hard for in another country ALONE? Come on!

  2. This story has a meaning. However, parang teleserye lang din ang dating. Sorry but it’s hard to believe that basta na lang ba ibibigay ng isang ina ang kanyang anak na para bang namigay lang ng tuta kung kanino lang? Tayong mga Pilipino ay mapagmahal sa anak. At although me mga ina na nagpapaampon ng kanilang mga anak dahil na rin sa kahirapan, marami pa rin sa ating mahihirap na ina na d nila kayang ipamigay ang kanilang mga anak. E itong isang ito me trabaho naman si babae. Anyway, nice story. Common story but at least it has a good ending

  3. Being open minded and practical eradicate anymore complications to such a complicated situation.

Leave a Reply

Your email address will not be published.