Ingles ang susi sa globalisasyon, ganun ba iyon?

Ang pahayag ni dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ay maaaring magpakita ng pananaw ng mga Filipino sa kanilang sarili na siyang nagiging dahilan ng kawalan ng sariling pagkakakilanlan ng naturang lahi.

Ang Ingles ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Filipino, ang pangunahin ay ang wikang Pilipino. Bago pa man sila matutong magsalita ng ibang lenggwahe, dapat ay matagumpay nilang maipahayag ang kanilang sarili sa wikang natural sa kanilang mga dila.

Ang paggamit ng wikang Ingles bilang opisyal na wika para sa edukasyon ay maaaring magdulot ng paglimot sa sariling wika. Ito rin ay nagpapakita na walang tiwala at pagmamahal ang mga Filipino sa kanilang sariling wika. Iniisip nila na ang tanging paraan tungo sa kaunlaran ay ang tumulad sa mga bansa na sa panahong kasalukuyan ay maunlad, hindi nila naisip na isang posibilidad tungo sa pag-unlad ay ayusin ang mga problema sa loob mismo ng bansa bago pa man isipin ang globalisasyon.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Ito ay pahayag ng ating bansang bayani Gat Jose Rizal na siyang dapat ipaalala sa pangulo ng nakaraang administrasyon. May kasabihan tayo na kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. Kung ipipilit ang Wikang Ingles sa mga Pilipino na hindi masalita ng maayos maging ang kanilang sariling wika, mapupuno ang Pilipinas ng mga Filipino na pilipit ang dila at walang wika na maayos na nasasalita. Sa paglipas ng panahon, maaaring wala na rin ang sariling pagkakakilanlan.?

 

16 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.