INFERIORITY COMPLEX… ay isang GUNI-GUNI LANG

lonely boy
Photo Credit : 9 images

Ayon daw sa isang Doctor Psychiatrist, ang INFERIORITY COMPLEX ay isang guni-guni lang…’WAG KANG PATATALO SA IYONG KABA , BASTA ANG ISIPIN MO AY MAS NAKAHIHIGIT ANG KATANGIAN MO KESA SA KANYA .

ITO ANG NASABI AT PAYO ke Fermin ng isang lasing na matandang lalakeng kuba na kanyang kapitbahay; na ayon sa kanya ay hindi na mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay.

“EH TINGNAN MO NGA AKO… kahit isang pangit at kuba pa at kapag nagkagusto ako sa isang chicks na kay puti ng legs na alangan ako ay iniisip kong NAPAKAGANDA KONG LALAKE at siya ang PANGIT ay NAWAWALA AGAD ANG INFERIORITY COMPLEX KO at ‘ika ko’y guni-guni nga lang iyon.” hehehe.

“ABA PWEDEE…TAMA KA, PAREE….eh guni-guni lang talaga ang inferiority complex….sige, Fermin sundin mo ang ipinapayo ng kumpare kong kuba…” hahaha, ang pagsang-ayon naman ng kapwa lasing.

At nang magkahiwalay na sila ay…

“HUU eh totoo naman kaya ang sinasabi ng matandang kubang iyon na marami ang naging babae niya eh mataman ko mang isipin kahit bayarang babae man ay hindi papatol sa kanya”….ang nag-iisip at pinag-aaralan pa talaga ni Fermin kung tama nga ang ipinayo sa kanya.

BINATA PA AT ME HITSURANG BAHAGYA ANG MUKHA PERO PANDAK at kulay kayumanggi na medyo sunog nang bahagya ang balat at ang buhok ay gupit pangmatanda na nauuso pa nong araw at makaluma kung tingnan at mag-aasta si Fermin .

SA TUWING DARAAN SIYA SA TINDAHANG IYON ay hindi pwedeng hindi niya silipin muna kung tumatao sa tindahan ang kanyang hinahangaan at lihim na minamahal na si JULIET.

Pero hanggang sa paghanga lamang siya….’di man lang siya makalapit at maihayag ang kanyang lihim na pag-ibig dito at naduduwag at naaalangan siya dahil sa kanyang pagkatao na alangan ke Juliet .

At dahil dito ay ‘di maiwasang magkaroon siya ng INFERIORITY COMPLEX.

Matagal na silang magkapit-bahay at magmula ng maging binata’t dalaga na sila ay madalang na at di na siya gaanong napagkikita o nasusulyapan man lang ni Juliet dahil nahihiya siya at ayaw talaga niyang magpakita.

Maganda at kaakit-akit si Juliet at marami ang mga umaakyat dito nang pormal .

Mabait si Juliet at hindi siya namimili ng mga manliligaw kahit alangan sa kanya, basta mabait daw at nagpapakatao ay handa niyang tanggapin sa kanilang bahay at handa ring tanggapin ng kanyang puso kung magugustuhan niya.

ARAW-ARAW NA GINAWA NG DIYOS ay hindi nakakaligtas ke Fermin na huminto sandali at pagmasdan ang magandang mukha ni Juliet habang nagbebenta ito sa kanyang mga kustomers sa kanyang maliit na SARI-SARI STORE at malaking kaligayahan na sa kanya na kahit makita lang sandali ay lumiligaya na ang kanyang pusong lihim na umiibig .

AT ISANG ARAW habang pasulyap-sulyap at patitingin-tingin lamang siya ke Juliet ay nakita siya ng isang matandang kapitbahay na bumibili doon.

“HOY ANO BA, FERMIN , eh puro ligaw tingin ka lang ah …WALANG MANGYAYARI SA ‘YO KAPAG GANYAN ANG BISYO MO …eh bakit ba ayaw mong umakyat ng ligaw ?”

“EH KASI PO AY NAHIHIYA AKO at naaalangan sa kanya ….NAPAKAGANDA NIYA , samantalang ako ay tingnan ninyo naman na isang pandak at …pa-para kaming ang UNANO AT ANG HIGANTE”.

“KOW, ‘WAG MONG INTINDIHIN YON, ‘di ba ang katapat naman ng langit ay lupa…..eh ano ang malay mo kung ikaw lang ang hinihintay ni Juliet” .

“HO? !”

At biglang natuwa siya at nagka-idea

Tumimo ke Fermin ang sinabing iyon ng kanyang matandang kapitbahay….na ang langit ay katapat ang lupa at naalala rin niya ang isa pa niyang kapitbahay sa sinabing ang INFERIORITY COMPLEX ay guni-guni lang at ang isipin mo daw ay MAS NAKAKAHIGIT KA NG KATANGIAN.

HA HA HA “ TAMA…. ang lupa lang naman ang katapat ng langit at ang INFERIORITY COMPLEX ay guni-guni-lang”…ang tawa niya at malakas na ang loob niya at tinatandaan niya ito.

Bihis na bihis at ilang beses pa siyang pabalik-balik sa harap ng salamin at aakyat na siya nang pormal.

Bigla siyang nakita ng kanyang ina.

“HOY, FERMIN….baka naman mabasag na iyang salamin sa kakaharap mo…eh talagang ganyan na ang hitsura at ‘di na magbabago yan….eh saan ba naman ang lakad mo at pormang-porma ka dyan?”

“D’YAN LANG HO, INAY….sa tabi-tabi lang, hehehe”

Pero kapag nasa tarangkahan na siya upang umakyat na siya nang pormal ke Juliet ay laging nagbabantulot siya at naaalala ang katayuan niya, na bukod sa ‘di na nga siya gaanong magandang lalake ay nagmumukha pa siyang bansot dahil ang height ni Juliet ay 5’7” at siya ay 5’3” feet lamang .

Natuluyang ‘di na nga nagbalak na umakyat pa nang pormal si Fermin at nagkaroon na siya ng INFERIORITY COMPLEX at ‘ika niya ay hindi pala guni-guni lang iyon at totoong nararamdaman iyon.

MAGMULA NOON ay hindi na nakikita pang dumaraan at sumisilip man lang sa tindahang iyon si Fermin upang makita lamang si Juliet dahil parang bulang naglaho ito.

LUMIPAS ANG ISANG TAON AY NAGKATAON NOON na biglang nauso sa mga kabataan o maging sa mga may idad man ang pagsusuot ng BELL BOTTOM NA PANTALON na tinerternuhan ng long sleeves na malalapad at matitigas ang kuwelyo at pagsusuot ng sapatos na halos mahigit na 4 inches ang taas ng takong.

NATAON PA NA DUMATING SA ATING BANSA at nagperform dito ang sikat noong singer na si TOM JONES at ang THE BEATTLES na ganoon din ang suot na bagamat ‘di naman gaanoong loose ang pantalon at katamtaman lang ang takong ng boots na sapatos. ‘Di gaya ng mga sinusuot na ng mga kabataan na saksakan ng luluwang ang laylayan ng pantalon na halos sumayad sa lupa at natatago ang sapatos at hindi makikita at hindi malalaman ang taas ng takong ng sapatos na halos mahigit 4 inches .

ISANG GABI ay bigla na lang may sumulpot na isang magandang lalakeng halos nasa pagitan ng 5’8” o 5’10” feet ang height at long hair pa at nakasuot ng bell bottom na pantalon at long sleeve na ke lalaki ng kuwelyo na isip mo artista na umistambay sa tindahan ni Aling Tinay .

Hangang-hanga si aling Tinay na ina ni Juliet sa malaking lalake at gandang lalake nito. Dahil para sa kanya ang lalakeng nagtataglay ng height na 5’8″ ay kahanga-hanga na at malaking lalake na dahil ang karaniwang height na nakikita niya sa mga Pilipinong lalake ay mga 5’2″ hanggang 5’4″ lamang.

“HA EH MATANONG NGA KITA, ATO ….eh tagasaan ka ba at ngayon lang yata kita nakita dito….tagarito ka ba at kangino ka bang anak?”

“AH EH OPO TAGARITO PO LAMANG AKO sa banda roon at ilang bloke lamang ang layo dito ng bahay namin… eh anak po ako ni aling Toyang na magpuputo .

“H A ! a-anak ka ba kamo ni kumareng Toyang …AY NAKU IKAW BA YUNG BATANG SAKSAKAN NG SALBAHE AT PILYO NONG ARAW NA KAPAG AKOY UMIIHE AY LAGI MO NA LANG AKONG SINISILIPAN HA?”

“HA! NAKU aling Tinay, baka ‘di po ako yon” .

“KOW EH MALILIMUTAN BA NAMAN KITA eh iisa lamang ang anak na lalake ng nanay mo at ikaw ‘yun inutusan ni tito Badong mo na nakawin ang isang panty ko”.

“NAKU EH TALAGA PONG HINDI AKO YON at baka napagkamalan lang ninyo ako”..ang hiyang-hiyang si Fermin

Pero parang hindi nadinig ang sagot niya at…

“NAKU EH BINATANG-BINATA KA NA PALA AT ANG GUWAPO MO AT ANG LAKI MONG LALAKE AH”.

“AH eh hindi naman po ako kahawig ni Fernando Poe” hehehe.

“HA eh hindi ko namang sinabing kahawig ka ni Fernando Poe ah…. eh ang tingin ko nga pa sa iyo ay kamukha ka ni Jimmy Santos” … at natawa ito.

“Aray ko… eh sabi po ninyo magandang lalake ako. ..tapos ay kung kangino lang ninyo ako ihahambing?”

“AH EH NAGBIBIRO LANG NAMAN AKO… eh matanong nga kita iho eh bakit ka ba ngayon lang napasyal dito ha?”

“HA eh medyo naglilibang-libang lang po at kararating ko lamang po buhat sa abroad.”

“HA GANON BA eh tara muna sa bahay at naang magkausap kayo ng anak ko…ah teka nga pala, binata ka pa ba at kilala mo ba ang anak kong si Juliet?”

“ABA SIYEMPRE PO NAMAN..binatang-binata pa at maikakaila po ba dito sa atin ang anak ninyo eh napakaganda ng anak ninyong si Juliet eh katunayan nga ay isa akong tagahanga niyan”.

“ABA EH EH BUTI NAMAN at tagahanga ka niya eh natatandaan ka ba naman niya eh kasi matagal ka kamong nasa abroad…. eh halika nga rito sa itaas at nang magkausap naman kayo at nang magkamustahan kayo at tatawagin ko lang sa tindahan at ako na ang tatao” .

Biglang kinabahan at nag-alala si Fermin.

“HA EH ALING TINAY, ‘di ko na po huhubarin ang sapatos ko at malinis naman….kasi po matagal nang nakasuot ito sa akin at baka maamoy pa ninyo ang medyas ko,” hehehe…

“HU ANG BATANG IRE, para iyon…..o eh sige bahala ka.”

Ang totoo niyon ay kung huhubarin niya ang sapatos niya ay mahahalatang pandak siya dahil ang sapatos niya ay mahigit 4 inches ang taas ng takong.

At nang nag-uusap na sila ni Juliet ay buti na lang daw ay may lamesita sa harap nila at natatago ang kanyang sapatos.

Pagkatapos niyon at nang pauwi na ay laking tuwa ni Fermin na gustong-gusto siya at nakakagiliwan siya ni aling Tinay at malaking puhunan na ito sa kanyang panliligaw kay Juliet na gustong-gusto siya ng kanyang magiging biyenan at gabi-gabi na lang ay pumopormal na siya ng ligaw ke Juliet .

MULA NOON AY WALANG LIBAN ang gabi-gabi niyang pagdalaw ke Juliet at talagang giliw na giliw sa kanya si aling Tinay at botong-boto siyang mapangasawa nito ang anak niya.

Kasi ang ‘ika ni aling Tinay, ang lahat ng nanliligaw sa anak niya ay kay papandak at si Fermin lamang ang nababagay sa kanyang anak dahil si Juliet ay 5’7” ang height at siya naman ay 5’8” at ang kanyang mister ay 6 footer at ang mga anak pa niyang saksakan ng tatangkad at ‘di na alangan si Fermin na sa pakiwari daw niya ay mahigit 5’8”ang taas.

Hindi dumadalaw si Fermin sa araw ke Juliet kahit inaanyayahan siya ni aling Tinay kapag may okasyon at ang gusto niya ay kapag gabi na lang at katwiran niya ay may inaasikaso daw siya sa Maynila na mga papeles at babalik daw siya sa abroad.

Ang totoo daw niyon ay baka mahalata siya, bagamat ‘di pansin at uso naman sa panahon na iyon ang magsuot ng bell bottom na pantalon na hindi nakikita kung gano kataas ng suot mong sapatos.

Dumating ang panahon na sinagot na ni Juliet si Fermin at ikinasal na sila.

Minsan, umuwi sila Fermin sa kaniyang biyenan upang doon naman sila matutulog.

Hindi na kailangan pang magsapatos si Fermin sa loob ng bahay at magsusuot na lang siya ng tsinelas.

Nang biglang napansin niyang tila nagliliyab ang mga mata ni aling Tinay na biyenan na niya nang makitang nag-alis siya ng sapatos.

Kinabahan si Fermin

“BA-BAKIT PO, I-INAY, at tinitingnan ninyo ang paa ko at ang sapatos ko….me-me natapakan ba akong dumi ng aso?….o baka naman po naaamoy ninyo medyas ko….eh pasensiya na po at nong isang araw ko pa suot ito…” hehehe.

Pero hindi man lang niya napangiti ang biyenan niya at kuntento na si Fermin at nawala na sa loob niya ang sapatos niyang mahigit 4 inches ang taas.

At bigla niya itong naalala…

“NAKUP…. nalintikan na….magkakabistuhan na yata”….ang naibulong na lang niya.

Parang gustong magsalita ang kanyang biyenan ke Fermin na matalim na matalim pa rin ang tingin at ‘di maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya na parang isang leong lalamunin siya.

Pero hindi maatim ni Fermin na hindi niya kibuin ang kanyang biyenan dahil naaasiwa at naiirita siya sa patuloy na ‘di maalis-alis ang masamang pagkakatitig sa kanya.

“BA-BAKIT NGA PO, I-INAY….me… me nagawa po ba akong ka-kasalanan?”….ang kanyang kunyari ay pagpapatay malisya at alam na niya kung bakit masama ang tingin sa kanya ng biyenan niya.

“HA NAKU, FERMIN…NATANSO MO KAMI…MATAGAL MO AKONG NAPAGLALANGAN…EH ISA KA PALANG BANSOT NA UNANO AH”.

“HO!”

Hiyang-hiya si Fermin at ang pagsabihan daw siyang bansot ay sapat na, pero ang pagsabihan siyang BANSOT NA UNANO ay sobra-sobra na ang tinanggap niyang kahihiyan at paghamak .

Ganonpaman daw ay wala na raw silang magagawa at napabagsak na raw niya ang Bataan at maging ang Corrigidor.

MAGMULA NOON sa tuwing dadalaw sila sa kanyang biyenan ay parang ayaw na niyang tumuloy at nananaig na naman sa kanya ang INFERIORITY COMPLEX dahil makikita na naman niya ang kanyang biyenang babae na ang height ay 5’8” at ang biyenang lalake at mga bayaw niya ay mga mahihigit 6 footer at ang asawa niya ay 5’7” at siya ay 5’3″ feet lang na kapag nakapag-suot ng mataas na tsinelas ay 5’4” at kapag naman nakasuot siya ng sapatos na mataas ang takong ay tila sa pakiwari niya ay mga 5’8″ ang height niya..

Hindi na niya ngayon masabing ang INFERIORITY COMPLEX ay GUNI-GUNI LANG at isiping mas nakakahigit siya sa kanyang mga biyenan…. at isipin man niyang makasampu at siya’y gising na gising na nakikita niyang nagtatangkaran talaga ang mga kaharap ay hindi pala guni-guni lang ang inferiority complex.

Simula noon kahit na may apo na si aling Tinay at hindi na niya maitatatwa at ‘di maitatapon na maging manugang si Fermin pero ang pagkakadismaya at galit daw niya sa kanyang manugang ay hindi mawawala kailan man.

MINSAN DAW ay napundi ang fluorescent lamp sa kusina habang kumakain sila at gusto niyang palitan ito, pero ‘di niya maaabot ito at kailangan pang humanap siya ng matutuntungan kaya hiyang-hiya siya.

“HMP IKAW NA NGA, TASYO”, ‘ika ni aling Tinay sa kanyang asawa na biyenan niyang lalake…at kitang-kita niyang sobra-sobrang abot nito ang fluorescent lamp at ito na ang nagpalit.

Magmula noon ay hindi maalis-alis ang kanyang inferiority complex kapag nasa biyenan niya sila natutulog.

ISANG ARAW AY MAY BAGYO at napakalakas na ulan ang dumating sa kanila at ayon sa WEATHER BUREAU ay magtatagal at maaaring bumaha sa kanila at pinalilikas na sila. Nagkataon pang nasira ang tulay na dadaanan nila at mapipilitan na silang sa ilog na lang tumawid.

Pero ang ilog na dati’y mababaw lang ay umaabot na ngayong mahigit na limang talampakan ang lalim.

Nilusong nila ang ilog at karga ni Juliet ang kanilang anak at inilagay niya sa batok upang hindi mabasa ng tubig na umabot na ng mahigit 5 ft ang taas ng tubig at patuloy pa itong tumataas.

Habang nakikita ni Fermin na parang hanggang bewang lang sa kanyang biyenang lalake at mga bayaw at maging si aling Tinay ang tubig ay gusto na rin niyang lumusong.

Pero si Fermin ay hindi makakalusong dahil mas mataas pa sa kanya ang tubig at kung lalanguyin naman niya ay hindi naman siya marunong lumangoy.

“NAKUP ……JU-JULIET MAHAL KO….PAPAANO AKO?”..ang nahihintakutang si Fermin.

“O SIGE WAG KANG MAG-ALALA at babalikan na lang kita, mahal kong Fermin, at iuuna ko lang ang anak natin.”

“NAKU HUWAG, ANAK…BILISAN NATIN AT LUMALAKI NA ANG TUBIG….BAKA MAABUTAN TAYO”….ang agad-agad na sabi ng kanyang biyenan.

At nilingon nito si Fermin.

“HAYAAN MO NANG TANGAYIN NG AGOS IYANG BANSOT NA UNANO MONG ASAWA. HMP”.

“HO!”

….Wakas….