Incest: Immorality of Loving You

(Photo Credit:  personal.psu.edu)
(Photo Credit: personal.psu.edu)

Dear Cousin J,

Kamusta na ang taong patuloy na nagpapatibok ng puso ko? Ang balita ko may bago ka na… Masaya ako para sa iyo, dahil masaya ka sa kanya. Tama lang naman na lumigaya ka sa piling ng taong kaya mong ipagmalaki at ipakilala sa mundo.

Huwag kang mag-alala sa akin, alam ko naman na hindi na ako nag-e-exist sa mundo mo. Alam ko rin na tinapon mo na sa kawalan ang mga alala at masasayang panahon na pinagsamahan natin. At alam ko rin na hindi na muling titibok ang puso mo para sa puso kong magmamahal sa iyo hanggang sa huli.

Itong sulat ay paraan ko upang ilabas ang lahat ng itinago ko para sa iyo, na umaasa na makita mo ang mundong ginalawan ko mula sa unang halik mo at huling patak ng hula ko.

Minahal kita nang lubos, higit pa sa kaya kong ipangako at patuloy pa rin akong nagmamahal sa iyo kahit wala na akong halaga sa iyo.

Ang tamis ng pagtingin mo sa akin noon habang taas noo kang naglalakad dahil ako ang pinakamaganda sa mata mo, at proud ka dahil sa iyo lang ako.

Ang kilig sa paghawak mo ng kamay ko at sabihin sa kaibigan mo na nobya mo ako, sabay halik sa palad ko at pagtatagpo ng ating mga mata na walang kapantay na pag-ibig.

Ang iyong halik, ang iyong yakap, ang iyong katawan, ang pag tibok ng puso mo para sa akin…

Ang pagsaluhan natin ang bawal na pag-ibig…

Masakit.

Sobrang sakit.

Bakit? Bakit? Bakit?!?

Bakit pagkatapos mong iparamdam sa akin ang sarap ng pag-ibig ay bigla mo akong iniwan?

Bakit pagkatapos mong buhayin ang puso ko ay papatayin mo ito nang paulit-ulit?

Bakit?

Lumipas ang taon at tinanggap ko ang katotohanan na hindi mo na ko mamahalin. Nagmahal ako ng iba. Namatay ang pag-ibig ko para sa iyo, ngunit hindi ‘yun nagtagal.

Alam mo ba kung bakit? Dahil binuhay mong muli ang puso ko! Hindi ko alam bakit ka nandoon nang araw na yun, pero nandoon ka at ipinararadam mo sa akin na hindi mo ako kilala. Pero bakit nang magkaroon ka ng pagkakataon ay hinila mo ako palayo sa mga matang nagbabantay? Bakit mo ako hinalikan nang buong puso? Ramdam ko ang pananabik sa iyo at ang minsan mong pagmamahal sa bawat segundo ng halik na iyon. Itatanggi mo ba na hindi mo ako minahal?

Tinanong mo ako kung sa iyo pa rin ako, at ang sagot ko? Oo. Isang malaking OO na may kasamang luha at sakit.

Pero bakit pagkatapos noon ay nawala ka lang muli? At ngayon ay may iba ka nang mahal.

Napakasakit mong mahalin…

Sobrang sakit, dahil hanggang sa mga oras na ito at sa mga susunod pa ay mamahalin ka pa rin ng puso kong baliw sa iyo.

Habang minamahal mo siya, nandito ako naghihintay na mahalin mo kahit kaunti… muli.

K

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.